Chapter Twenty

92 2 0
                                    

Chapter XX

Sung Hyo's POV

"Sung Hyo~ Para sayo 'to." kindat ni Kai sakin bago sila mag-practice ni Luhan ng performance nila para sa Mnet Asian Music Awards this year. Sinamaan nanaman sya ng tingin ng hyung nya. 

"Hoy, Jongin, maghanap ka nga ng ibang lalandiin mo. Sipain kita dyan eh!"

"Nako dyan ako magaling. Ihahanap kita, Kai. Ako ang Kupido mo ngayon." :D

"Ha? Ihahanap moko?"

"Oo! Madali lang naman yun eh. Ano bang gusto mo sa babae?"

"Maputi."

"Tapos?"

"Hindi ko na alam. Basta maputi, at passionate."

 "Ah... sige, titignan ko kung makakahanap ko ng ganyan. Lu, alis na muna ako ha? Dadalhin ko lang si Min Ri sa clinic para sa check-up nya."

"Ne. Ingat ka, Su-ssi. Mwah~" sabi nya at nag-flying kiss pa sakin. 

Umalis na ako at nagsimula nang maghanap ng ide-date ni Kai. Grabe, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Maraming mapuputing babae dyan na passionate. Pano ko naman malalaman kung alin dun ang ide-date nya?! Jusme, sana mas marami pang description yun binigay nya sakin. =_="

Inabot na ako ng ilang araw sa paghahanap. Katulad ni Sehun, inabot na rin si Kai ng tatlong araw ng kaka-Blind date pero ni isa daw ay hindi nya gusto. Grabe, ang tataas naman ng standards ng maknae Line nila. Ang choosy!

Pero na-flatter ako nung sinabi sakin ni Kai na seryoso syang crush nya ako. Sa totoo lang daw, kung hindi lang daw baliw na baliw sakin si Luhan ay baka nanligaw na rin sya sakin. Pero sorry Kai, kahit second bias kita sa grupo nyo, Luhan parin ako. One and Only ko yung eh. :">

"Bakit parang pagod na pagod ka? Stressed ka ba, Sung Hyo?" tanong sakin ni Hyorin pagdating ko sa practice room.

"Grabe, friend, nakaka-stress maging match maker. Tapos kailangan pang magtraining ng buong araw. Super hectic ng sched ko."

"E kasi, kung ginagaya mo 'tong si Aerri, hindi ka sana ganyan ka-stressed. Kakalabas mo, parang nangingitim ka na rin. Tignan mo, mas maputi na sayo ngayon si Aerri."

"Hay nako, kung pupulaan nyo lang ako, hindi kayo makakatulong sa problema ko." sabi ko at nilapitan ko agad si Aerri.

Matagal nang kilala ni Aerri si Kai. Magkaklase kasi sila ni Kai noon sa ballet school. Pero pagkatapos nilang mag-aral ng ballet, walang na silang balita sa isa't isa. Ngayon rin lang nya nabalitaan na si Kai ay isang sikat na K-Idol na ng SM Entertainment. Parehas nanaman sila, pero syempre naunang sumikat si Kai at sa ibang company pa sya.

"Aerri, pwede mo ba akong tulungan?"

"Ha? Bakit? Ano ba 'yon?"

"Alam ko naman na magaling ka rin sa match making eh. Baka pwede mong ihanap ng ide-date si Kai."

"Si Kai? Bakit? Sa galing nyang mang-akit hindi nya pa kayang maghanap ng syota? Ayoko. Hindi ko sya tutulungan."

"Dali na Aerri, kesa naman ako yung nilalandi nya. Ayoko namang awayin sya ni Luhan dahil don."

"Hay sige na nga."

"Yay~ Kamsahamnida~"

"Ne. Don't mention it."

(Kinabukasan...)

Nagkita na kami nina Kai sa Bubble Tea shop. Syempre, madalas namang doon nila ako makita. Doon din kasi kami nagkikita nina Luhan at Sehun. Isasama sana ni Kai si Luhan, pero bigla nalang nagkaroon ng meeting ang EXO-M kaya hindi sya naisama. Lumarga na kami at nagsimula na ulit ang mainit nilang pag-aaway.

Deer in the Headlights (EXO Luhan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon