Chapter Seventeen

78 2 0
                                    

Chapter XVII

 Sung Hyo's POV

Isang buong buwang mawawala ang EXO-M. Actually, last last week pa silang naka-alis. Ako pa nga mismo ang naghatid kay Luhan eh. At ngayon, sobrang lungkot ko. Nami-miss ko na agad ang asawa ko kahit isang araw palang syang wala sa tabi ko. E ano pakaya ngayon na naka-ilang araw na? :(

Dahil siguradong madi-distract ako ng pagkalungkot kong ito, ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa training. Ilang buwan nalang, debut na namin. Kung tutuusin ay talagang napakabilis ng training. Minsan iniisip ko nga na baka pumalpak kami kasi nga maikli lang ang training period namin, pero dahil halos sa building na ng TOP Media kami matulog sa pagtraining eh sa palagay ko naman ay hindi mangyayari ang naiisip ko. Sana nalang kapag nag-debut na kami ay tanggapin kami ng mga tao.

Sya nga pala, nitong mga nakaraang araw na wala si Luhan ay nakakaramdam ako ng may sumusunod sakin. Hindi ko alam kung sino o ano 'yun, at kung ano ang pakay nya sakin, pero sigurado akong meron. Sa totoo lang, simula nung makuha ako ng TOP Media ay nagsimula na ang pakiramdam na 'to. May stalker ata ako. Alam kong hindi sya yung photographer na ini-hire ni Mr. Soo Man para mapatunayan na may something kami ni Lulu dahil matagal nang tapos ang issue na 'yon. At isa pa, nasa ibang company na rin ako kaya sa palagay ko ay hindi na nya ako pakiki-alaman. Unless crush nyako ;D

 At sa katunayan, ngayong pangalawang linggo nang hindi ko kasama si Luhan, lalong lumakas yung pakiramdam na may stalker ako. Minsan nga ay hindi pa ako makatulog dahil pakiramdam ko ay kahit sa apartment ko ay nakapasok na sya. Sinabi ko na 'to kina Sehun. Syempre, mas maganda na yung may ibang nakaka-alam para matutulungan nila ako. Minsan rin ay nakikitulog pa ako kina Aerri para lang ma-iwasan ko yung stalker na 'yon. Who knows, baka mamaya sasaseng fan 'yon nina Luhan at bigla nalang nila akong patayin. Pano nalang kung lalaki 'yon? Baka na-rape na ako nun habang natutulog na ako. Sobrang natatakot na nga ako ngayon kaya kung pwede ay palaging meron akong kasama sa kahit anong gagawin ko at kahit saan ako pumunta ay may kasama ako.

*ring*

Ay, sorry, tumatawag si Lulu babes ko. :D

"Yeoboseyo~?" sabi ko na may pagpapa-cute effect pa.

"ANO YUNG NABANGGIT NI BAEKHYUN SAKIN? MAY STALKER KA RAW?!" sigaw ni Luhan sa akin. Halos mabingi na ako. Ito talagang si Baeklita, napakadaldal. Sinabi nang secret lang namin 'yon eh! =_="

"Hinaan mo naman yang boses mo. Bingi na ata ako eh. I hate you, oppa. Napaka-sweet ng bati ko sayo, tapos ang ibubungad mo sakin ay sigaw mong chismis lang naman."

"S-Sorry, jagiya. Dala lang ng emosyon ko. Kasi naman... Sino bang hindi magrereact ng ganito kung ang girlfriend nila ay may stalker?"

"Ehem. Hindi mo ako girlfriend."

"Hindi PA kita girlfriend. Pero konting halik ko pa sayo akin ka na." sabi nya sa tonong halata mo namang nang-aasar lang. Nagsimula na akong mamula.

 "Che! Ewan ko sayo, Luhan."

"Pero.. Sung Hyo.. Mag-iingat ka palagi ha? Lalo na't wala ako dyan para protektahan ka. Pakiramdam ko tuloy napaka walang kwenta kong boyfriend... in the future. Hindi ko man lang maprotektahan ang babaeng mahal ko. Nakaka-inis kasi eh. Ito ang dahilan kung bakit minsan ayokong maging sikat. Hindi kita maalagaan."

"Ayos lang 'yon, oppa. Kaya ko pa naman ang sarili ko, chaka andito naman sina Sehun. Poprotektahan nila ako para sayo."

"Kahit na, hindi 'yon sapat. Kailangan mo ako dyan sa tabi mo. Kung gusto mo, bukas na bukas din ay uuwi ako."

"Wag na, oppa. Asikasuhin mo 'yang trabaho mo. Kapag 'yan, hindi successful, wala kang makukuhang kiss mula sakin. Kahit stolen pa yan. kaya matulog ka na at parehas pang maaga tayong gigising bukas."

Deer in the Headlights (EXO Luhan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon