Chapter Sixteen

99 1 0
                                    

Chapter XVI

Sung Hyo's POV

Kinikilig parin ako tuwing nakikita ko ang EXO sa tv. Talagang nai-inspire ako sa kagwapuhan at talent ni Lulu bebe. Kaya naman talagang sineseryoso at pinagbubuti ko ang training ko. Hindi biro 'to para sakin, at syempre napakalaking opportunity nito para sakin. Grabe. Ito na ata ang isa sa mga pinapangarap ko dati. Dream 'kong maging isang K-Idol kasi gusto kong maranasan ang nararanasan nila. And imagine, I'll be feeling that just a few months from now! Hindi na ako makapaghintay!

"Hindi sya ganon kasaya tulad ng iniisip mo." sabi ni Luhan sakin habang umiinom kami ng Bubble Tea. "Parang madali lang, pero masaya lang sya sa simula. Hanggang ngayon naman ay masaya, pero ang gusto kong sabihin ay nakaka-stress sya. Nakaka-panget."

"Talaga? Kaya ba kahit lalaking K-idol eh naka-make-up din?" tanong ko. Nag-iinterview kasi ako kung ano nga ba ang pakiramdam nang isang K-Idol.

"Oo, ganon na nga." sabi ni Sehun na nakiki-epal sa usapan. Nanaman. "Kaya 'yang thi hyung, pretty boy image lang 'yan, pero pag tinanggalan mo ng make-up math pangit pa ketha thayo."

"Ha?! Hindi 'yon tunay, jagi. Wag kang maniniwala dyan!" sabi ni Luhan at tinignan ng masama si Sehun na naka-eye smile pa sa tuwa.

"Alam ko naman 'yon, oppa. Kahit naman pangit ka, gwapo ka parin sa paningin ko. Saranghae, oppa~" ngumiti ako at hinalikan si Luhan sa pisngi nya.

"Saranghae, jagiya~" reply sakin ni Lulu. Umakbay sya sakin sabay hila sakin papalapit sa kanya saka ako hinalikan sa temple ng ulo ko.

"Yak, ang korni nyo. Nagbobolahan." sabi ni Sehuna at tumuloy lang sa pagsipsip sa bubble tea nya.

"Alam mo kasi, Sehun, kulang ka lang sa pagmamahal. Maghanap ka na rin kasi ng syosyotain mo. Maghanap ka nang tulad nitong gerlpren ko."

"Anong gerlpren? Hindi kaya tayo, oppa. Walang 'tayo'."

"Ha? E akala ko ba mahal moko?" sabi ni Luhan na gulat na gulat sa mga narinig nya. Nagpout pa sya.

"Oo nga, mahal nga kita, pero hindi pwede magkaroon ng 'tayo'. Ayokong ma-chismis ka dahil sakin. At isa pa, kapag nalaman 'to ng mga EXO stan, baka hindi na ako umabot sa debut ng grupo namin. Baka nasa ilalim na ako ng hukay pagdating ng panahong iyon."

"H-Hindi naman siguro... Sigurado naman akong mababait sila." 

"Asus, e ipaliwanag mo nga yang sasaeng fans nyo? Mga baliw ang mga 'yon! Nakakatakot sila."

"Awwww~ Natatakot si Jagi~ Halika iha-hug kita." :3

"'Wag, Thung Hyo! Manananching lang yan!" epal ulit ni Sehuna.

"Ewan ko sayo." sabi ni Luhan at sumubsob sa may balikat ko. Kawawa naman, inaapi ng dongsaeng nya.

"Pero alam mo Sehun, siguro nga tama si Lulu. Kulang ka lang sa pagmamahal. Tara, ihahanap kita." :D

"Talaga?" 

"Magaling ako dyan. Promise." sabi ko at kinindatan ko sya. Pinanliitan ako ng mata ni Luhan.

"Type mo ba si Sehun? Kaya ba ayaw mong maging boyfriend mo ako?" 

"HA?! YAN?! SA HABA NG BABA NYAN?! NEVAH!!"

"Grabe ka ha? Matapoth kitang ilibre ng ilang batho. WALANG UTANG NA LOOB."

"Sung Hyo~ akala ko ba ako lang?!" pagrereklamo ni Luhan.

"Ang dami mong arte, oppa. Hindi man lang ako pagkatiwalaan."

"M-Mianhae~"

"Ala, hindi. Ayoko. Wala kang tiwala sakin." pagtatampo ko.

Deer in the Headlights (EXO Luhan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon