Chapter Twenty-One

59 1 0
                                    

Chapter XXI

Sung Hyo's POV

Marami siguro sa inyo ang nagtatanong kung ano na nga ba ang nangyari kay Chanseul. Matagal na mula nung huli ko syang nabanggit sa mga pagkekwento ko, at siguro napansin nyo na rin na hindi na kami naging super close simula noong ligawan sya ni Luhan. Pero dahil part parin sya ng storya ko, kailangan ko parin kayong i-update tungkol sa kanya. Kaya ito, pagbibigyan, magke-kwento ko kahit konti lang. Nagka-usap rin kasi kami kahapon. 

Pag-usapan natin ang nakakaintrigang part ng buhay nya: ang relasyon nila ni Kris.

Oo, type nya si Gilagid, sa maniwala kayo at sa hindi. 

Simula palang nung nakilala sya ni Kris, nagkaroon agad sila ng development. Tanda nyo pa ba 'yon? Yung sinama sya ni Luhan sa Practice Room kasi hinahanap nya ako nung mga panahong 'yon? Diba nagpakilala agad si Kris sa kanya, tapos sya naman maypa-shy effect pa? Pakipot. Pero ako kasi ang nagturo sa kanya ng "Take the opportunity while it lasts" o yung "Seize the day" na mga linya. Malamang sinunod nya nga 'yon. Ikaw ba naman, kapag napansin mong type ka ng bias mo, diba ganon din lang ang gagawin mo?

Sabi ko dati swerte sya, pero mas swerte siguro ako. Na-una lang syang ligawan ni Kris.

And so yun nga ang nangyari. Niligawan sya ni Angry Bird. And believe me, Kris' hardship didn't last long.

Tanda nyo ba noong tinanong ulit sya ni Luhan kung may pag-asa pa ba na maging 'sila'? At rineject sya ni Chanseul? Nung mga time na yun kasi, sila na ni Kris. Ngayon ko rin lang nalaman na hanggang ngayon e sila parin. Grabe talaga 'tong si Chanseul. Pakiramdam ko, ilang araw palang nanliligaw sa kanya si Kris e sinagot nya na agad. =_="

Pero walang basagan ng trip diba? Excited sya eh. Palibhasa, NBSB rin katulad ko. XD

Bias nya rin talaga si Kris. As in, ULTIMATE BIAS. Wala na syang ibang ginawa kundi magkwento ng tungkol kay Kris. Katulad ko na walang tigil sa pagkwento tungkol kay Lulu babes ko. Masisisi nyo ba kami? Para kaming tumama sa lotto. Naka-jackpot. :D

Simula nga pala nong pina-alis ako ng SM Entertainment eh hindi na rin sya pumupunta masyado sa SM Building. Pero nagkikita parin sila ni Kris publicly. Grabe, lakas ng loob. Samantalang kami ni Usa patago pa kung mag-date. Na-iinggit ako sa kanila, sa totoo lang. Official na kasi sila, at alam na rin ng fans ang tungkol sa kanila. Management mismo ang nag-confirm. Sabagay, hindi naman kasi taga-SM Ent si Chanseul kaya ayos lang. 

Kelan kaya kami magiging official ni Lulu? Pwede ko naman na syang sagutin eh, natatakot lang ako na baka ma-chismis nanaman sya at baka hindi na rin ako makapag-debut dahil 'don. Ayoko nga, sayang ang opportunity. Pag-iisipan ko muna 'yon ng mabuti.

Anyway, back to the topic.

Kahapon nga, sa practice, bigla nalang nagtext sakin si Chanseul. Gusto raw nya akong makita kaya nagkita kami sa Bubble Tea Shop after training. Nagkwento sya sakin tungkol sa problema nya. Mangiyak-ngiyak na nga rin sya.

"Sung Hyo, diba, kahit papaano naman ay magkaibigan parin naman tayo?"

"Oo naman. Sa tagal ba naman ng pagsasama natin, syempre magkaibigan parin tayo."

"Mabuti naman kung ganon. Kasi... gusto kong sabihin sayo ang problema ko. Wala na kasi akong ibang mapagsabihan nito eh."

"Ano ba 'yon? Makikinig ako sayo, 'wag kang mag-alala."

"Kasi... ang totoo nyan... pumupunta lang ako ng Korea para bisitahin ang fiance ko."

"MAY FINACE KA?!"

Deer in the Headlights (EXO Luhan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon