Chapter Ten

108 2 0
                                    

Chapter X

Sung Hyo's POV

Ilang araw na ang nakalipas mula noong umamin si Luhan na may gusto sya kay Chanseul. Palagi ko rin syang nakikitang pinopormahan ang bestfriend ko. Nakaka-inis man pero hinahayaan ko nalang na isnabin ni Chanseul ang efforts ni Luhan. Madalas rin kasi na si Kris lang ang pinapansin ni Chan-ssi, at wala na rin naman akong magagawa dun. Sa totoo lang, para silang mag-M.U. ni Gilagid. Mutual Understanding ba? O baka naman Mag-Un. Hahaha! :D

Sa mga panahon ngayon talagang nawawalan na rin ako ng pag-asa kay Luhan. At heto naman si Sehun na kino-comfort ako. Hindi ko alam kung bitter parin sya. Simula kasi nung makilala ni Luhan si Chanseul eh lagi nalang silang magkasama, at hindi na sya sumisipot kapag bibili dapat sila ni Sehun ng Bubble Tea. Kaya ako na nga siguro ang Luhan replacement ni Sehun. At excuse me, hindi ako rebound. :P (A/N: Bawal HunHan rito! SungHan ang story na ito, hindi HunHan! Kahit pa shipper ako, bawal 'yon dito!)

Ang nakaka-inis lang naman kay Chanseul ay sobrang kulit nya. Kahit pa sinasabihan ko sya na huwag bumisita ng sobrang dalas sa building, ginagawa parin nya. Ako rin naman kasi ang mapapagalitan eh. Pangalawa, kahit bestfriend ko sya, hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na mainis sa kanya sa sobrang inggit, kasi nga nililigawan sya ni Luhan. Andaming binibigay at ginagawa ni Luhan para sa kanya, pero ini-ignore lang nya ang lahat nang 'yon dahil gusto nya talaga si Kris. Alam ko naman na nasa dulo ng bias list nya si Luhan ko, pero sobra naman atang mean ng ginagawa nya. Ako ang nasasaktan para kay Luhan. Nakikita ko kasi kung paano sya ma-reject ng sarili kong bestfriend. E kung ako nalang sana ang nagustuhan nya, walang masasayang sa lahat ng ginawa nya. Diba? Pero Sorry Sung Hyo, hindi ka type ng bias mo. Aray ko, ang puso ko~ T^T

Madalas na rin akong napapagalitan ng D.I ng EXO dahil distracted ako. Lagi nalang raw akong spaced-out tuwing may practice sila. At minsan raw nakatulala lang ako at hindi nila ako maka-usap. Bukod kay Sehun, kasi binabato nya ako ng baso ng Bubble Tea nya. =_=

Sya nga pala, mangangalahati na kami sa Growl. Kakatapos lang namin gumawa ng choreography para sa Chorus at tapos na rin kami sa first verse. Ang saya saya. :D

Ayoko nang isipin ang tungkol kina Chanseul at Luhan. Masyado ko itong pinoproblema. Maliit na bagay lang naman 'to, naaapektuhan pa tuloy ang trabaho ko. This time, seseryosohin ko na talaga ang trabaho ko. Idi-disregard ko na rin ang pagiging EXO Stan ko sa ngayon pati ang mga nararamdaman ko para sa kanila -- kunwari ngayon ko lang sila nakilala, kunwari walang nangyari, kunwari katrabaho lang talaga ang turing ko sa kanila. Kalimutan na muna natin ang problema ko.

Kakalimutan ko na muna ang lahat ng iyon.

Kakalimutan ko na muna si Luhan.

(A/N: Ang drama naman nito, pero naaawa ako sa kanya. Huhu.)

 Luhan's POV

Hindi ko inakala na ganito pala ang mapapala ko kay Chanseul. Akala ko mabait sya at tatanggapin nya ako. Pero siguro nga tama ako -- hanggang tingin lang talaga ako.

Nakalipas na ang halos dalawang linggo mula noong makita ko syang naliligaw sa building. Isang linggo na rin akong nanliligaw. Akala ko okay lang sa kanya 'yon, pero wala naman akong napapalang mabuti rito. Lagi akong nag-eeffort pero puro naman si Kris ang pinapansin nya. Upakan ko kaya? Joke lang.

Sa totoo lang, gusto ko na syang sukuan. Pero nanghihinayang ako kasi bihira ko talaga makita ang ideals ko sa isang babae. Pero hindi ko talaga inaasahan na ganito sya. Na hindi pala sya total package.

Alam ko naman din na gusto sya ni Kris at malakas rin ang kutob ko na gusto sya ni Chanseul. Ugh, gusto ko na talagang sumuko pero isa lang ang taong kaya kong pagsabihan ng mga nararamdaman ko -- si Xiumin.

Deer in the Headlights (EXO Luhan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon