Chapter Eleven

108 2 0
                                    

Chapter XI

Kai's POV

Noong nakaraang buwan ay puno ng drama ang aming grupo. Marami na ang nangyari simula noong ipinakilala ng management sa amin si Sung Hyo -- ang aming assistnant choreographer. Dahil sa kanya ay nakilala ni Luhan hyung si Chanseul, bestfriend ni Sung Hyo. Naging sobrang bitter rin si hyung sa kanya dahil na-friendzone lang sya. Pero ngayon ay naka-move on na raw sya. Sabagay, isang buwan na kasi ang nakalipas at hindi rin naman nya tinuloy ang panliligaw nya. Nag-uusap parin naman sila ni Chanseul na parang wala ngang nangyari. Nasanay na rin kami na laging nanonood samin si Chanseul kahit sa palagay ko ay bawal 'yon. Naging seryoso na rin si Sung Hyo sa pagcho-choreograph ng Growl. Sa katunayan nga ay tapos na kami sa steps. Polishin nalang kami ng buong sayaw. 

Miss ko na nga si Sung Hyo eh. Halos isang linggo na syang wala. Hindi sya pumupunta kapag may practice kami. Mula kasi nung matapos namin yung steps ng Growl ay pull-out muna sya ng management. Sabi ni Sehun may panibago na raw agad project ang SM para kay Sung Hyo, pero hindi nya raw alam kung ano iyon dahil hindi naman raw sinasabi sa kanya ni Sung Hyo. 

Ngayong nakalipas na buwan rin ay napapansin kong nagiging malapit na si Luhan kay Sung Hyo. Siguro gusto lang nyang may ibang babaeng maka-usap. Alam nyo na, bitter kasi. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit yun pang bestfriend ng dati mong nililigawan yung kinaka-usap mo? E diba lalo nyang maaalala si Chanseul non?

Hay, ewan ko ba. Basta ako, miss ko na talaga si Sung Hyo.

"Kelan kaya babalik dito si Sung Hyo? Miss ko na sya eh~" sabi ko habang nagpapahinga ang aming grupo. "Sehun, wala ba talaga syang nababanggit sayo?"

"Oo nga, Sehun. Diba ikaw yung bestfriend?" sabi naman ni Tao.

"E wala namang binabanggit thakin thi Thung Hyo eh. Anong magagawa ko?"

"Uh, excuse me, pwede ko bang maka-usap sandali si Oh Sehun?"

"Ano po 'yon?" sabi ni Sehun na lumapit sa SM staff. Kina-usap siya ng ilang minuto bago kunin ni Sehun ang mga gamit nya at naglakad paalis ng kwarto. "Yehet~"

"Ano 'yun Sehun?"

"Wala. Thecret ko na 'yon. Annyeong guyth~"

Luhan's POV

Isang buwan na ang nakalipas mula noong tinanggap ko ang fact na hindi si Chanseul ang makakasama ko sa happy ending ko. Masaya na rin naman ako sa kung ano ang meron ako ngayon. Single parin ako, at nag-uusap pa rin naman kami. Medyo awkward nga lang, pero at least nagpapansinan kami. Natutuwa rin ako dahil nagiging ka-close ko na rin si Sung Hyo ngayon, simula noong magseryoso sya sa pagtuturo sa amin. Masaya pala syang kasama. Game sya sa kahit anong gagawin namin at nakakasundo rin namin sya sa maraming bagay. Kasama namin sya sa tawanan at sa kulitan. Hindi sya nahihiyang mag-open up samin. Bukod kay Sehun at Kai, ako na siguro ang isa sa mga ka-close nya sa grupo. Hindi naman awkward sakin na bestfriend sya ni Chanseul. Wala naman 'yong kaso eh. Masaya nga kasi the more the merrier diba?

Pero nitong mga nakaraang araw, hindi namin alam kung saan na sya nagpunta. Hindi sya sumisipot sa mga practice namin. Kahit papaano, nalulungkot ako. Para kasing ang magkakabarkada ngayon ay ako, si Sehun at si Sung Hyo. Pero simula nung hindi nagpapakita si Sung Hyo, parang bumalik lang kami sa dati. Aaminin ko, namimiss ko sya.

Bukod kay Sehun, wala akong ibang kasamang uminom at bumili ng Bubble Tea.

Wala rin akong maka-usap tungkol sa football. Andyan naman si Xiumin, pero iba rin yung ang kausap mo ay babae na football fan.

Pagdating naman sa ibang bagay gaya ng girlbands at Hello Kitty, si Sung Hyo rin lang ang nakaka-usap ko.

Marami na rin pala talaga kaming napagkakasunduan.

Deer in the Headlights (EXO Luhan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon