Chapter One

517 6 0
                                    

Chapter I

Sung Hyo's POV

"SUNG HYO!!" nagdadabog na  pumunta si nanay sa kwarto ko.

"ANAAKKK!! GISING NA!! ABA, WALANG HIYANG BATA 'TO, LATE KA NA!!" nakapamewang ang nanay ko habang dumadakdak, at heto naman ako na nakatalukbong ng kumot. Siya na ang alarm clock ko sa umaga. Mas nakakagising pa yung sigaw nya kesa kapeng barako.

"ABA! HINDI KA PARIN BABANGON DYAN? SUNG HYO!" hinila na nya yung kumot ko.

"Ahhhh!!! Ang lamiiiiggg!!!" sigaw ko. Namaluktot nako sa lamig.

"Alam mo, hindi ka lalamigin kung kakain ka na at maliligo. Nag-init nako ng tubig. Bumangon ka na dyan."

"Ne." sagot ko. Umalis na si umma sa kwarto ko. Tama nga sya, late na ako.

Sabagay, ano pa bang bago rito?

Ako si Park Sung Hyo. 18 years old. College. Half Filipino, half Korean. Isa akong normal na bata, or atleast yun ang tingin ko sa sarili ko kapag hindi ko kaharap ang kahit anong related sa KPOP. Hindi ko na ipagkakaila sa inyo - fangirl ako, lalo na ng EXO.

Umupo nako sa kama at tinignan ang poster sa tabi ng higaan ko. Napangiti nalang ako at naramdaman ko ang kilig na dumadaloy sa katawan ko. Gad! Yung ngiti nya. ASDFGHJK!! LUHAN!! ANG GWAPO MO TALAGA ASAWA KO!! SHET!!

Hay, buhay fangirl. 

Bumangon na ako at nag-almusal. Mabagal ang pagnguya ko ng pagkain tuwing umaga. Sobrang nakaka-antok kasi eh. Pero syempre, binibilisan ko na ngayon, kasi late na nga ako. Agad na akong naligo, nagbihis at umalis ng bahay. 

~

"Good morning, Sung Hyo!" bati ni Chanseul na bestfriend ko mula highschool.

"Morning." 

"Aba, parang blooming ka ata ngayon ah? Parang hindi ka puyat mula sa kaka-aral kagabi."

"Hay nako, ganyan talaga ang powers ni Luhan oppa. <Mkita ko lang ang poster nya, ayos na ang araw ko. Nakaka-inis nga at hindi ko narinig yung bago kong alarm."

"Ha? Ano ba 'yon?"

Hinugot ko mula sa bulsa ko ang phone ko at ipinakinig sa kanya yung Dodol Pop Alarm ni Luhan.

"Ah. Kaya pala, gising ka nga nyan."

"Ay talaga! Marinig ko lang boses ng asawa ko! ASDFGH!!"

"Haha! Osya, tara na. Late nanaman tayo sa unang subject."

Diba? Sabi ko naman sa inyo eh, normal akong bata. Kahit sa classroom, normal ako. Pursigido pero tamad mag-aral. 

"Okay, ibabalik ko na ang mga test papers nyo. Magsi-upo na kayong lahat." sabi ng teacher samin.

"Sige, pataasan tayo ng score!"

"Oo ba. Ay teka, pababaan nalang! Ang mas mababa manlilibre!"

"Hoy, hindi naman ata tama 'yon! Lugi ang talo!"

"Hay nako, ganyan talaga."

"Sung Hyo, ano kaya ang score mo? Yung akin kaya? Nako, kaka-excite! Sana pasado nako~" sabi ni Chanseul na kinakabahan. "Ikaw? Bakit parang namumutla ka dyan?"

"K-Kinakabahan ako."

"Ha? Ikaw pa ang kinabahan ha?"

"Ms. Park." tawag sa akin ng teacher. Seryoso ang mukha niya. Iniabot nya sa akin ang papel ko. Nanlilisik ang mga mata nya, kaya nampalunok nalang ako. 

Deer in the Headlights (EXO Luhan Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon