Chap. 01: Realization
Nandito ako sa mall ngayon, gumagala mag-isa. Wala kasi akong magawa sa condo. Actually, ang plano ko sana sa araw na ito ay ang magbakasyon sa Palawan. May private resort kasi ang parents ko doon. But, unfortunately hindi natuloy. kasi naman ang dalawang magaling kong kaibigan ay masyadong busy to the point na hindi man lang nila napagbigyan ang kahilingan ko. Ayaw ko namang pumunta sa palawan nang mag-isa, magmumukha lang akong tanga for sure.
Huminto ako sa paglalakad. Dammit. Nangangalay na ang paa ko sa kakalakad. Imagine, almost 3 hours na rin akong naglibot subalit ni isang item wala man lang akong nabili. What can I do? Wala talaga akong natipuhan sa mga itims sa mga boutique na pinasukan ko. Hay. Nakakabored tuloy. Maybe I should go home and take a rest. Masyado rin kasi akong na stress this past few weeks. Medyo haggard na tuloy ang beauty ko. Is it a bad sign? hmmp. OA ba? paki n'yo? tss.
I looked around and voila, I'm standing near at the Starbucks. Wow! this is great. Maybe wasting a little more time here is not bad, right? Medyo matagal-tagal na rin yung last tambay ko rito. You know na. Ang katulad kong Diyosa ay di ikakailang in demand kaya hindi rin ikakailang busy akong tao. Whatever.
I went inside at the Starbucks and guess what? Halos magkandabali ang leeg ng mga lalaki sa loob kakatingin sa akin. I saw desires in their eyes. At ang ibang mga babae naman halos patayin na nila ako sa tingin. Duh! Inggitera. Mamatay sila sa inggit. Hmp! Hindi ko nalang sila binigyan ng pansin. Diridiritso akong naglakad papuntang counter. Kaya lang napatigil ako bigla when someone caught my attention. Unintentionally, my jaw suddenly dropped. OH.MY.GOSH!
There, standing near at the counter is a guy who looks like an angel. No. Erase! Erase! Mas tamang ilarawan o ihalintulad sa kanya ang isang Greek God.
Juskolord!!!!!! Is he for real? May lalaki ba talagang ganito ka guwapo? O di kaya nag hahallucinate lang ako? I looked around and I found out na hindi lang pala ako ang nahumaling sa taglay na kaguwapuhan ng lalaking nakatayo di kalayuan sa akin. No wonder na parang kitikiti na nagbubulungan yung isang grupo ng teenagers na nakatambay sa bandang kaliwa ko.
"Uwahhh! Ang pogi niya!"
"Wahh. Tingnan n'yo ang katawan besst! Pak na pak!"
"Tama ka bakla! Ang hot nga! Makalaglag-panty!"
Ilan lang yun sa mga narinig ko sa kanila.
Tss. Anglandi te! Akala mo naman magaganda. Pati rin yung babaeng nasa counter na nagbigay ng order noong lalaking guwapo para ring natatae na ewan nung nginitian siya ng lalaki. Seriously? Ang obvious naman nila kung magnasa ng tao. Walang class! Di tulad ko.
Tsk. Why do I have to compare myself to them? Eh, mas malinaw pa sa sikat ng araw ang sagot. Isa ka kasing Diyosa samantalang hamak na tao lang sila Shyrra. Sabi ng utak ko. Ya right. pagsang-ayon ko naman.
I composed myself first before looking at the guy again. Tapos na siyang mag-order. Actually, papalabas na siya ng Starbucks kaya medyo nag give way ako. May kausap siya sa phone kaya hindi niya napansin ang kagandahan ko. Ouch! naman.
Unconsciously, sumunod ako sa kanya. Timing rin na huminto siya sa labas ng Starbucks kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon na tumabi sa kanya.
Now, I'm standing beside him. Para tuloy kaming perfect couple. Ayeeeh! kinikilig ang magandang si ako.
Dahil busy siya, sinamantala ko ang pagkakataon para tingnan siya mula ulo hanggang paa. Mind you, naka shades ako kaya hindi halatang hinahalay ko na siya sa paningin ko. Hehehe.

BINABASA MO ANG
The Stealing Game (Love Game Series 1)
RomantizmShyrrain Gail Mendez is a player and a heart breaker. She doesn't believe in love. For her, love is purely suicidal. She can't imagine herself being in a serious relationship. That's bullshit. Walang excitement at thrill. In short, boring! Naniniwal...