Chapter 10

13K 363 73
                                    


KAPWA kami tahimik sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang patungo sa aking bahay. Karim decided to bring me home as his sorry about kissing me harshly.

Dumako ang mata ko sa rearview mirror upang pagmasdan ang lalaking gusto ko. His  eyes was cold and stiff. Parang walang kabuhay-buhay. Paano kaya niya natatagalan ang hindi maging masaya? Or maybe he's happy but not with me.

"Quit staring."

Nanlaki ang mata ko at agad nag-iwas ng tingin. My cheeks turns red knowing that he found me staring at him intently. Nang tumigil ang sasakyan sa labas mismo ng bahay ko ay agad kong kinalas ang seatbelt at lumabas. Akmang isasara ko ang pintuan ng sasakyan ng muli niyang bigkasin ang aking pangalan.

"Dessa Joy," the way he pronounced my name brought me shiver. His voice was deep and husky. 

"B-bakit?"

He looked at me. "Stop...following me, chasing me."

I gulped. "P-pero Karim hindi naman nauutusan ang puso."

Nagtaas siya ng kilay at tinitigan ako nang mataman. "I'll quit as your protector and in that case, I don't have to see you."

Kinagat ko ang aking ibabang labi at huminga ng malalim. Bakit ba ayaw niya sa akin? Maganda naman ako?

"Pero kasi—"

"Kung mahal mo na ako," he paused. "..unloved me then."

Akmang isasara niya ang pinto ng pigilin ko iyon. "Hindi ako ikaw. Hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko para sa'yo kaya 'wag mo sabihin saking 'wag kang mahalin."

His eyes remained emotionless. "Why can't you find someone who can give the equal feelings? 'Wag na lang ako."

I raised my brow. "Why can't you find enough reason to see me—"

He gently shake his head. "Hindi ko na kasalanan kung masasaktan ka—"

"Kung hindi mo sana ako hinalikan, edi sana kaya ko pang pigilan." Anas ko na ikinatigil niya.

That kiss gave me hope. Na baka may gusto rin siya sa akin o kaya naman ay may pag-asa ako na mapansin niya man lang ako.

He smirked. "Kissing is like a saying 'Hi'. 'Wag mong paasahin ang sarili mo dahil sa walang kwentang halik na iyon."

Matapos sabihin iyon ay siya na mismo ang kusang nagsara ng pinto at humarurot paalis. I swallowed an imaginary lump and clenched the bottom of my shirt. My heart tightened as the words he spilled lingers on my ears. It was painful but he's right. Pero paano ko gagawin iyon kung ngayon nahuhulog na ako sa kaniya?

Ngumisi ako. "Over my dead sexy hot body.."

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang tumunog ang aking cellphone. Agad ko namang sinagot ang tawag na hindi tinitingnan ang caller.

"Hello?"

"Ms. Miranda, this is Galvez. We have a meeting three minutes from now."

Kumunot ang noo ko at nagpara ng sasakyan. "Yes Sir, I'm on my way."

Binaba ko ang tawag at pumasok sa Taxi na huminto. Ano kaya ang mayroon at may biglaang meeting? Nang marating ko ang building ay agad akong lumabas ng taxi at pumasok.

Agad akong kumatok sa pinto ng conference room bago pumasok. Walang tao sa loob at tanging si Sir Galvez lamang ang naroon. Seryoso itong nakatungo sa mga papel na para bang may binabasa.

"Sir?"

Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Maupo ka."

Lumunok ako dahil sa kaba. Baka tatanggalin na ako?

"Bakit po Sir?"

"Remember your assignment?" Aniya at inilapag ang dyaryo sa harap ko.

Nanlamig ang bou kong katawan dahil sa aking nabasa. The news was about a reporter who died after her live broadcast about the Syria's war. Nahihintakutan akong napatingin kay Sir Galvez na ngayon ay abala sa pagta-type sa kaniyang laptop.

Nang isara nito ang gamit ay humarap siya sa akin at tumayo sa aking likuran. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang kamay niya na nasa balikat ko at marahang pumipisil.

"I'll extend your three months to five months," aniya at umakyat ang mga kamay sa aking leeg.

Akmang tatayo ako nang pigilin niya ang aking balikat at muling pinaupo. Kumakabog ang puso ko sa kaba hindi dahil sa balitang nasa dyaryo kundi sa lalaking pangahas na humahaplos sa aking balikat. Napalunok ako at kinuyom ko ang aking kamay.

"H-hindi na kailang pang i-extend, Sir."

I gasped when I felt a warm air against my ear. Lakas loob akong tumayo at malakas na itinulak si Sir Galvez na ngayon ay nakangisi. I took a step backward when he tried to walked towards me. His eyes was raging with so much lust and desires.

Mabilis akong tumalikod at tumakbo palayo.  Abot langit ang kaba ko dahil sa ginawa ng boss ko. Paano ko siya haharapin sa susunod na araw kung ganoon ang ginawa niya.

Humahangos akong lumabas ng G. news channel at napaupo. Halos manlambot ang bou kong katawan. Napasubsob ako sa aking hita at niyakap iyon.

"Tired?"

Marahas akong napatingala nang marinig ang pamilyar na baritonong boses. Caspian was standing in front of me. Nakasout siya ng simpleng puting V-neck shirt at ripped jeans. Medyo magulo rin ang buhok nito dahil na rin siguro sa helmet niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at tumayo.

Nagsalubong ang kilay niya nang dumako ang kaniyang paningin sa aking labi. Doon ko lamang napagtantong may bahid pa ng kaunting dugo ang parteng iyon dahil sa marahas na halik ni Karim.

"What happened to that?" Aniya at hinawakan ang aking pisngi.

Umiling ako at ngumiti. "Wala yan! Nadapa lang ako, alam mo na. Lampa."

Nagtaas siya ng kilay at napailing na lamang. Napatili ako nang bigla na lang niya akong pinangko at naglakad papunta sa parking area.

"Caspian! Ibaba ko ako!"

He smirked. "Let's date."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya at ramdam ko ang mabilis na pagkalat ng pula sa aking pisngi. Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa hiya. Nang ibaba niya ako ay agad niyang isinuot sa akin ang helmet at muling binuhat upang paupuin sa kaniyang motor.

"S-saan tayo pupunta?" Tanong ko at napayakap sa kaniya.

"Saan mo ba gusto?"

Napanguso ako at nag-isip. Saan pa nga ba ako hindi nakakapunta?

"Alam ko na!" I exclaimed.

He chuckled. Natigilan ako nang marinig ang tawa niya. It was the first time I heard Caspian laughed. Sa hilatsa kasi ng mukha ng lalaking ito ay parang isang pitik niya lang mamatay ka na. Didn't know this man know how to laughed. Napangisi ako sa aking naisip.

Operation: Make him laugh.

"Where?" He asked and started the engine.




"Amusement park!"

---

Save Me, Love Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon