DALAWANG linggo na simula nang mangyari ang nasa ospital ay hindi pa rin ako maka-move on. Para akong bida sa isang koreanovela na pinag-aawayan ng dalawang nag-gagwapuhang leading man.Feeling ko ako si Geum Jan Di at sila si Jun Pyo at Ji Hoo. Napangiti ako dahil sa kakaisip nang bigla akong napayuko.
"Aray ko!" Daing ko nang bigla akong batukan ni Zeus na masama ang tingin sa akin.
"Ang aga-aga pa Dessa Joy, nanaginip ka na agad diyan?"
Sinamaan ko siya ng tingin at inilipat ang aking pansin sa laptop ko na kanina pa naka-hang. Humikab ako at dinukot ang dalawang VIP tickets para sa gig ng YSA band mamaya.
"VIP 'yan?" Tanong ni Zeus. Tiningala ko siya at ngumisi sabay tango.
"Oo naman," pagmamayabang ko.
Inirapan niya ako at tinuon ang mata sa screen ng laptop ko. Naka-focus naman ako sa VIP ticket na hinihimas-himas ko. Excited ako para sa gig mamaya dahil for the first time ay kakanta si Karim.
Karim never sing..
"Beks, sino 'yan?"
Umangat ang tingin ko sa aking laptop na tinuturo ni Zeus. Naka-display doon ang isang screenshot ng video na nakuha ko. Nakafocus iyon sa lalaking may kulay pilak na kamay. Hindi ako halos makatulog dahil sa grupong iyon. Sino ba talaga sila?
"Hindi ko nga rin alam Zeus eh." Tinitigan ko ang screen. "Sino kaya ang lalaking 'to?"
Zeus hissed. "Sayang beks. Pogi pa naman at saka ang yummy ha."
Nagkibit-balikat na lamang ako at napalatak nang maalala ko ang cellphone ni Karim. Ngayon ko na pala isasauli sa kaniya ito kaya kailangan ko muna itong maexplore.
Dinukot ko ang cellphone ni Karim sa aking bag at binuksan iyon. Pinindot-pindot ko ang mga apps pero halos wala naman akong maintindihan hanggang sa naisipan kong pindutin ang videos at iisa lamang ang laman niyon.
"Zeus," tawag ko sa aking kaibigan. Mabilis naman siyang lumapit at tumabi sa akin.
"Ano 'yan?" Tanong niya.
I shrugged. "Video eh."
"Baka scandal ni Karim 'yan?"
Nanlaki ang mata ko at siniko si Zeus. "Gaga! Parang CCTV eh."
Inirapan niya lang ako at tumingin sa cellphone. Pinindot ko ang play button at pinanood iyon. As the video played smoothly, me and Zeus suddenly gasped.
"Beks! Ano 'yon?!" Hesterikal niya at niyugyog ako ng bahagya.
Ang laman ng video ay isang crime scene. Kung saan kitang-kita ko kung paano pagbabarilin ng mga 'di kilalang lalaki ang isang nakaparadang sasakyan. Kumabog ang puso ko nang mapansin ang isa sa mga gunman.
He have this silver arm same with the man I saw. Siya ang nagmumukhang lider ng grupong iyon. Nagmamadali akong kinuha ang cord at isinaksak iyon sa aking laptop.
"Dessa Joy? Anong ginagawa mo?!" Ani Zeus at pilit akong pinipigilan. I successfully copied the files to my laptop and close it.
"Zeus! Ebidensiya 'to at scoop at the same time." Pilit kong hinahawi ang kaniyang kamay. Tumayo ako pumunta sa malapit sa bintana.
"Akin na 'yan Dessa!"
"Zeus ano ba—"
Pareho kaming natigilan nang hindi sinasadyang naihulog ko sa bintana ang cellphone. Sabay kaming dumungaw at kitang-kita ko kung paano dahan-dahan nahuhulog ang pobreng cellphone hanggang sa tuluyan iyong bumagsak. Napapikit pa ako nang isang truck ang dumaan at natapakan iyon.
BINABASA MO ANG
Save Me, Love Me [COMPLETED]
Genel Kurgu(YSA SERIES) He'll run She'll chase Chase. Chasing. Chased. A game where no one will ever win. Unrequited love is the most hardest thing to deal with. It was like pulling the trigger to your head and no one will care. She is Dessa Joy Miranda. A r...