"SHIT!" Mabilis akong nakaiwas sa lumilipad na pinggan pagkapasok ko ng unit. Napangiwi ako nang makita itong nabasag at nagkapira-piraso.Damn!
Umangat ako ng tingin at agad ako sinalubong ng nag-aapoy na mata ng babaeng pinakamamahal ko. Her cheeks tainted with red and her brows met in the middle. My eyes went wide as she throw another plate again.
"Damn!" I cursed. Phew, buti na lang at nakaiwas ako. Tangina, muntik na ako do'n.
"Bakit ngayon ka lang!" Sigaw ni Dessa Joy. "Limang araw kang nasa misyon mo tapos para ka pang magnanakaw diyan kung gumalaw!"
"Calm down, Ligaya ko. I was just..I" Nalilito ako dahil may hawak na naman siyang pinggan. Linggo-linggo ata akong bibili ng pinggan para lang basagin niya.
"Karim Immanuel Mortez! Upo!"
Nanlaki ang mata ko at mabilis na umupo sa couch. Hindi ko alam kung totoong napatawad na niya ako dahil parang hindi naman. She keeps on shouting at me, throwing things towards me and even punching, slapping me. Tanginang buhay, para na akong battered husband sa kaniya.
"Ligaya ko, hindi ba nagpaalam naman ako sa'yo—"
"Nagsabi ba akong magsalita ka?" Nakataas kilay siyang nameywang sa harap ko.
I zip my mouth and raise my both hands as a sign of giving up. Siya naman lagi ang panalo. Tumayo ako saka lumapit sa kaniya at sinalubong ang matatalim niyang tingin. I looked at her messy hair, burning cheeks and pursing lips. Hinawakan ko ang pisngi niya at mabilis siyang niyakap. I know, she's just worried about my safety. She's missing me too and so I am.
"Ligaya ko," bulong ko sa kaniya.
Matapos ang araw sa ospital ay agad ko siyang dinala sa unit ko kasama ang lolo niya. Her grandfather punched me, though it didn't hurts me but still I can feel the anger on his fist. Nagpasya ding umalis ang lolo niya at umuwi ng probinsiya kasama ang kapatid nito.
"Bakit ang tagal-tagal mong umuwi!" Naiinis na sabi niya habang nakasubsob sa dibdib ko
I sighed. "I'm sorry, Ligaya ko."
Binuhat ko siya at dinala sa kwarto namin. It's ten in the evening already and I hate that she waited for me. Napupuyat siya at ayoko ng ganoon.
"How's your week?" Tanong ko nang mailapag ko siya sa kama. I kissed her forehead and tucked her in bed.
She smiled. "Okay lang naman, kasama ko naman si Hugo—"
"What the fuck?" I said with my forehead creased.
Humagikhik lamang siya na agad kong kinainis. Napakabilis magbago ng mood niya, maybe because of her hormones. Pero ang humagikhik dahil kay Hugo? Tangina talaga ng lalaking 'yon kahit kailan.
"He stay with me, binabantayan niya ako—"
"It won't happen again, Dessa Joy."
Ngumuso siya at naningkit ang kaniyang mata. "Dapat kasi hindi mo ako iniiwan. Para hindi ka nagseselos diyan."
I sighed. "Ligaya ko, You know my job—"
Natigilan ako nang makita ang mata niyang unti-unting nalungkot. My job as an YSA agents is too risky. 'Yong tipong araw-araw mag-aalala siya para sa kaligtasan ko.
Should I quit as an agent now?
"Karim.." She mumbles, her eyes looked at me.
I caressed her cheeks. "Hmm?"
"I love you.."
My lips formed a smile. Yumuko ako at hinalikan siya sa noo. After she gave birth to our first baby, I'll marry her.
BINABASA MO ANG
Save Me, Love Me [COMPLETED]
General Fiction(YSA SERIES) He'll run She'll chase Chase. Chasing. Chased. A game where no one will ever win. Unrequited love is the most hardest thing to deal with. It was like pulling the trigger to your head and no one will care. She is Dessa Joy Miranda. A r...