NAGISING ako sa isang yugyog sa aking balikat. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at agad tumambad sa paningin ko si Zeus na alalang-alala ang mukha."Pucha naman beks! Suicidal ka na ba?!" Histerikal niya. Umupo ako at iginala ang aking tingin sa paligid.
White walls and ceiling. The alcohol smell and the dextrose in my hand—wait? Nasa ospital na naman ba ako? Kakalabas ko lang ah?
"Nasa ospital ako?"
"Hindi. Nasa mental ka," aniya at tinampal ako ng marahan. "Ang gaga mo bakla ka—"
"Babae ako. Ikaw ang bakla," pang-iinis ko na effective naman sa kaniya.
Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan. Naiiling akong tinanggal ang swero sa kamay ko at tumayo. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang halik na iginawad ni Karim sa akin. It was magical and heart melting.
Wala sa loob na kinagat ko ang aking ibabang labi at impit na tumili. Nilingon ako ni Zeus na salubong ang kilay at kitang-kita ang iritasyon.
"Hoy! Mapupunit na iyang labi mo sa kakangiti," aniya na masama pa rin ang tingin sa akin.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Inilapit ko ang mukha niya sa akin at kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya.
"He kissed me!" I screamed in front of him.
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Zeus. "What?"
Ngumiti ako ng malapad. "Hinalikan ako ni Karim—"
"And you let him? Really Dessa Joy?" Nag-igting ang panga niya at nagiba na rin ang timbre ng kaniyang boses.
"Wow," hindi makapaniwalang usal ko. "Parang lalaki ka ata maka-asta ngayon, Beks?"
Inalis niya ang kamay ko sa kaniyang pisngi at tumalikod. Mabilis ang pagtaas-baba ng balikat nito na halatang nagpipigil ng inis. Kinalabit ko siya pero hindi niya ako pinansin.
"Zeus," tawag ko sa kaniya.
I sighed. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran. Ramdam ko ang gulat niya sa ginawa ko kaya mas hinigpitan ko ang yakap.
"Sorry na Zeus," hinging paumanhin ko.
Bumuntong hininga siya at tinanggal ang pagkakayakap ko. Umikot siya paharap at saka ako niyakap ng mahigpit. Napangiti ako dahil sa katotohanang hindi niya ako kayang tiisin. That's my bestfriend.
"Bati na tayo Beks," wika ko at tiningala siya.
Zeus's eyes shows different kind of emotions. Mataman lang siyang nakatitig sa akin na para bang may malalim na iniisip.
"Sorry," sambit niya. Nagsalubong ang kilay ko at humiwalay.
"For?"
He sighed and shake his head. "Wala! Tara na nga at baka malate pa tayo sa concert nila baby Louie ko."
Napatawa ako sa sinabi niya. Tumango ako kinuha ang bag kong nakapatong sa side table. Huminga muna ako ng malalim at hinawakan siya sa braso. He flinched and shake my hand off from his arms.
"Bakit?" Takang tanong ko sa ginawa niya.
"W-wala. A-ano.. ahmm. T-tara na nga!" Naunang siyang naglakad palabas ng kwarto.
Nagkibit-balikat na lamang ako at sumunod sa kaniya. My eyebrows furrows when I saw his back. It was rigid and muscular. Tumingkayad ako para makita ang bandang nasa batok niya.
Tattoo?
"Zeus," tawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at nagtaas ng kilay.
"Yeah?"
BINABASA MO ANG
Save Me, Love Me [COMPLETED]
Fiction générale(YSA SERIES) He'll run She'll chase Chase. Chasing. Chased. A game where no one will ever win. Unrequited love is the most hardest thing to deal with. It was like pulling the trigger to your head and no one will care. She is Dessa Joy Miranda. A r...