Chapter 27

12.2K 293 74
                                    


"IKAW talaga Dessa Joy! Bakit mo naman pinahihirapan si Karim?" Ani Lolo na dumalaw sa akin.

Napangiti ako at dinampot ang m&m na nasa plato. It's been days since I started nagging out to Karim. Pero imbes na magsawa siya at magalit ay patuloy niya lang akong sinusuyo.

"Sabi kasi ni Caspian pahirapan ko siya," I mumbled.

"Pero apo, hindi kasama doon ang batuhin siya ng plato. Alam mo bang pagdating ko ay naglilinis siya ng mga basag na bagay na tinatapon mo?"

Napahinto naman ako at nilingon si Lolo. Hindi ko naman gustong gawin iyon sa kaniya pero sa tuwing naiinis ako, gusto ko talaga siya batuhin. Maybe because of the hormones.

Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain ng m&m. Karim is on his mission for two days. I tried not to worry but I can't. Sino ba ang hindi mag-aalala na baka isang araw hindi na siya bumalik sa akin.

"Apo?"

Nilingon ko si Lolo na malungkot na nakangiti. Tumayo ako at niyakap si lolo ng mahigpit. Siya ang gumabay sa akin simula ng iwan ako ng magulang ko. Siya ang nagturo sa aking maging malakas, siya ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob. At ngayon kailangan ko nang tumayo mag-isa na hindi siya kasama, ay alam kong nasasaktan siya.

"Mahal na mahal kita, Lo. Pangako, aalagaan ko ang magiging pamilya ko," saad ko.

He chuckled. "Alam ko, apo. Alam ko."

Bago pa kami magkaiyakan ay niyaya ko na siyang kumain sa kusina. Akmang papasok ako sa kusina nang maalala ko ang gabing nakita ko si Karim dito.

"Apo?"

Napakurap ako at nilingon si lolo na kunot ang noong nakamasid sa akin. Nginitian ko siya at nilapitan. I should forget what I saw that night. Ang device na hawak ni Karim nang gabing iyon ay kapareho ng hawak ni H nang itakas ako ni Hugo.

Pinilig ko ang ulo ko at umupo sa hapag para kumain ng hapunan namin. We were enjoying our dinner. Lolo has a lot of stories and I can't stop myself from laughing hard. Nakakatuwa ang mga kwento niya noong kabataan niya.

"Lolo, gwapo pala kayo noon?" I asked, giggling.

"Aba! Oo naman. Ako ang pinakagwapo sa aming mag-kakaibigan," aniya at napailing. "Maliban pala kay Amadeo—"

"Amadeo?" Tanong ko na nagpahinto sa akin.

He laughed. "Oo! Banyaga naming kaibigan noon. Isa siyang italyano na may kulay berdeng mga mata—"

"B-berdeng mata?"

Tumayo siya at tumungo sa kaniyang bag at may kinuha mula roon. He took something in his wallet, a picture maybe. Muli siyang umupo sa hapag at ipinakita sa akin ang litrato na nasa kaniyang pitaka.

I almost lost my breathe as my eyes darted on the man in the picture. Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa kaba at takot dahil sa lalaking nasa litrato. This can't be...

"Siya si Amadeo..." turo ni Lolo sa lalaking ka-akbay niya.

Napalunok ako. "A-amadeo.."

"Alam mo ba, Apo. May pangako kaming mag-kakaibigan na balang-araw, muli kaming magkikita. Pero sa tingin ko ang apo niya na lang na si.."

"A.." Bigkas ko na nagpatigil sa kaniya.

Kumunot ang noo ni lolo. "A? Anong A apo?"

Hindi ko siya pinansin at tumayo ng mabilis papunta sa kwarto. Mula roon ay kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Karim. Few seconds later, he picked it up.

Save Me, Love Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon