nasubukan niyo na ba yung magkaroon ng boyfriend at girlfriend ng magkasabay? well... ako oo, masaya at the same time nakakakonsensya... yung tipong mahal mo yung gf mo at mahal ka ng bf mo pero pag nag away kayo ni gf damay si bf kahit wala naman talaga siyang kasalanan kundi ang intindihin ka... siguro selfish ang tawag doon, pero paano mo naiisip yun kung nag eenjoy ka sa ginagawa monakakalungkot rin minsan lalo na pag nagsusumamo siya na magparamdam ka naman o di kayay sasabihin niya na wag kang manlalaki ha dahil ako bulag ako sa ibang babae... tapos ako nandito at may girlfriend na pla...tsk!
mahirap naman talagang pigilan ei at hindi ko naman ito kagustohan alam ko kasi na hanggang paenjoy enjoy lang ako wala naman kasiguradohan ang relationship ng same gender at isa pa gusto kong magkapamilya... masama ba kong maisipan kong isecure ang future ko?...ang gusto ko lang naman ay maseguradong may sasalo sakin if ever man na handa nkung magsettle down
pero sabi nga nila karma is coming to the people who deserve it... nawala silang pareho sakin
tanda tanda ko pa ang lahat...
gabi na nun, alas nuebe kasi ang out namin tas hinintay niya ako sa 7/11.. nagtaka ako kung bakit ang sweet sweet niya at pakanta kanta pa sya ng "remember me this way" na nagustohan ko naman kasi maganda ang boses niya...
gusto ko ng umuwe kami kasi 12 midnight na pero sinasabi lang niya sakin na "maya na habibi please" na may kasamang lungkot ang kanyang mga mata
kilala ko sya bilang masungit at mapang asar ako nga parati ang naglalambing sa kanya ei minsan lang niya akong lambingin pag nagtatampo ako dahil sa selos pero nung time na yun parang hindi ko gusto ang pagiging sweet niya sakin...
dahil sa curiosity nagtanong ako sa kanya na hindi ko sana ginawa pa... nagtapat siyang may boyfriend pala sya... alamo yung sakit hindi maipaliwanag ganun kahirap... pero naisip ko okey lang patas lang kami ngunit ang diko kinaya ay yung gusto niya ng break up... masakit! diko matanggap... ang dami kong pinakawalan para sa kanya, wala nkung makapitan noon pati bestfriend ko nakaaway ko at yung taong alam kong parating anjan at naghihintay sakin iniwan rin ako.... sawa na daw sya sa kakaintindi sakin sawa na syang maghintay ng kunting time na hinihingi sakin pero hindi ko mapagbigyan... gusto daw niyang bigyan ng time ang sarili niya at ako... gusto ko nga siyang singhalan na hoy diko kelangan ng space hindi pa ba sapat na LDR tayo para humingin ka ng space??
pero naisip ko na ano bang karapatan ko?
masakit pag narealize natin kung gaano kaimportanti ang isang tao pag huli na...
dati sya ang denidedma mo sa text at tawag ngayon ikaw na ang siniseen niya...
hai... ang bilis ng karma
yung mga taong related sa kanta ni kz tandingan "mahal ko o mahal ako" mas better kung yung huli ang pipiliin mo... kasi madali lang turuan ang pusong umibig lalo na pag mahal ka ng taong yon...
______
share lang para naman mabahiran ng hugot at true story ang kwentong ito
BINABASA MO ANG
THE HEIRS (MBTS gxg book2)
RomanceMeet Ares the naughty princess of Jacksonville academy lahat ng bagay laro lang para sa kanya she never committed to anyone "love seasons" ang ugali niya.. bukod sa rich kid nagmamayabang rin ang taglay nitong ganda kaya lahat ng gusto nakukuha sa i...