Ares"guys! guys! good news may camping daw tayo sa samal island!!" si Athena at hinihingal na pumasok saking office
andito kami ngayon sa hideout namin dahil walang ojt mga tukmol na to at ginugulo nila ang pananahimik ko dito sa office
"oh tapos?" walang ganang tanong ni eros
"alam niyo na?"
"huli ka sa balita athena" sabi ko habang nilalagay sa coffee grinder ang green coffee beans
"ganun?...hmm... teka may nakakita na ba sa inyo kay hera? mag one week na hindi ko pa rin siya nakikita" wika niya at tumabi sakin
oo nga naman dati palagi yun sumusulpot dito para makitulog pag wala siyang trabaho
makulit rin kasi ang babaeng yun kahit naiinis ako pinupush pa rin ang pagmumukha niya samin kaya heto napalapit na rin ang loob ko sa kanya
"tingnan mo sa punerarya" sabat ni adrian na kanina pa walang imik
"ay grabe sya anung akala mo kay hera patay na?" athena
"malay mo pinaglalamayan na pala" Adriana
natawa ako sabay bato sa kanya ng isang butil na coffee bean
"alamo ang harsh mo kay hera" sabi ko
"di maganda yang biro niyo hindi niyo talaga makikita si hera dito dahil nasa hospital siya apat na araw na"
biglang tumahimik ang paligid at sabay sabay kaming napatingin kay zeus na galing sa kusina
"lalong hindi maganda yang biro mo zeus" athena
"sa tingin niyo ba nagbibiro ako?.. pumunta ako kanina sa hospital dahil tinawagan ako ni dad nakita ko doon sina cyrus at Terrence na papalabas kaya nagtanong ako sa mga nurse kung anong ginagawa nila doon sabi nila meron daw silang pasyente na hindi pa gumigising hanggang ngayon tiningnan ko kung sino at hindi ko inakala na si hera pala yun"
lahat kami hindi makapaniwala sa narinig.. all of sudden nasa hospital pala siya na wala man lang nakakaalam
"bat ngayon mo lang sinabi kanina pa tayo nandito ah??" galit na tanong ni athena
"sorry nawala sa isip ko ngayon ko lang naalala na pinag uusapan niyo" dahilan niya
"excuse me guys" si Adriana at bigla siyang lumabas
"and where are you going hindi ka ba sasama sa hospital??" pahabol ni athena at di man lang lumingon ang isa
wala ka talagang aasahan doon pag tungkol kay hera tsk!
agad kaming nag ayos at lumabas ng office
"pres may kelangan ka pala---
"babalikan ko na lang kung ano man yan" putol ko sa sasabihin ni trix
biglang nag hiyawan at naglapitan ang mga studyante pagkakita nila samin tsk! kaya nga ako palaging nagkukulong sa office ei dahil sa mga to kahit saan ako pumunta kahit sa cr ata dinudumog pa rin nila ako
"ARESSS!!!PAAUTOGRAPH NAMAN PLSSS!!!
"MEMBRO KAMI NG ARESFEVER KYAAA!!! PAPICTURE NAMAN!!
hindi ko alam ang gagawin ko sa mga to kung hindi lang nakakasira ng pangalan sa media ang pagsisipain sila kanina ko pa ginawa
"GUYS! GUYS! PLEASE LANG KUNG TATAHIMIK KAYO NGAYON AT PADADAANIN NIYO KAMI AKO NA MISMO ANG MAKIKIUSAP SA KAIBIGAN NAMIN NA MAKIPAGPICTURE SA INYO ISA ISA MAMAYA!!" sigaw bigla ni zeus na sanhi ng panlalaki ng aking mata pambihira nilaglag pa talaga ako huh
BINABASA MO ANG
THE HEIRS (MBTS gxg book2)
RomanceMeet Ares the naughty princess of Jacksonville academy lahat ng bagay laro lang para sa kanya she never committed to anyone "love seasons" ang ugali niya.. bukod sa rich kid nagmamayabang rin ang taglay nitong ganda kaya lahat ng gusto nakukuha sa i...