chapter ten

3.2K 94 11
                                    


athena

"congrats ms. carson you are now a member of baseball team" sabi ni coach Ethan at iniabot sakin ang uniform ng baseball player

"whoah!.. thank you so much coach" sabi ko at masayang binuklat ang ternong pants at jacket na kulay white at blue kasama ang cap nito

"so must be prepared we will have a practice this afternoon"

"yes coach" sagot ko at pinuntahan ang locker ko at binuksan ito...

kung dati sangkaterbang chocolate ang bumubungad sakin ngayon ay tanging sulat na lang ang naipupuslit nila sa locker ko... natuto na kasi akong gumamit ng kandado haha

kinuha ko ang mga sulat at nilagay sa basurahan ngunit may isang bagay ang naiiba sa lahat

isang dvd film na painted white ang kulay ngunit wala namang nakalagay na kahit ano

tsk! ano namang pakulo to mamaya baka pornography pala to.... binalik ko ulit sa locker kasama ang uniform ko at umalis na ng gym

napangiti ako ng matanaw ang lalaking may dalang makakapal na libro at natatakpan ng front hair niya ang kanyang suot na salamin

"hay Ronnie!" tawag ko sa kanya pagkalapit

nabigla siya at di alam ang gagawin ewan ko kung bakit sa tuwing lumalapit ako sa kanya ganun lamang ang ilap ng kanyang mga mata

"h---hay.... a--thena hmm... cg mauna na ako" bulol niyang sabi kasabay ang pagkahulog ng hawak niyang libro

lumuhod ako at tinulungan siya

"sa--salamat" siya at tumakbo na paalis ni hindi man lang napansin na may papel na nahulog mula sa librong hawak niya

kinuha ko ito at walang alinlangan na binuksan...

isang bank note pala

nakaramdam ako ng awa sa kanya..

isa lang siyang scholar ng jac at ngayon ay kinukuha ng bangko ang kanilang tinitirahan bilang kabayaran sa kanilang utang

"akin yan" napatingin ako sa nagsalita at siya pala yun

binalikan niya ang sobre

"gusto mo ba ng trabaho?" deretso kong tanong

"ho.."

"sabi ko baka gusto mo ng trabaho" ulit ko

"me--meron ho akong trabaho ei.." sabi niya at nangangamot pa sa kanyang braso

"malaki ang utang niyo sa bangko kahit anong klasing trabaho pa ang pasukan mo hindi makukuha yan sa loob ng dalawang linggo" napatungo siya sa sinabi na halatang nahihirapan

gusto ko siyang tulungan... pero kelangan ko rin ang tulong niya

"kung magtatrabaho ka sakin kaya kitang sweldohan katumbas ng halagang yan sa loob ng dalawang linggo" sabi ko at mabilis siyang humarap sakin

"anong trabaho?" interesado niyang tanong

tumingin ako sa tennis court at siya ang una una kong nakita... si Tyler na busy sa kakapalo ng bola

matagal na akong may gusto sa kanya pero para sa kanya hangin lang ako... mula nung magtapat ako ng feelings ay hindi na siya nagpapakita samin o baka sakin lang

walang nakakaalam sa nararamdaman ko sa kanya dahil ang gusto ko ay maging kami bago ko ipaalam sa lahat

sabi niya wala daw siyang gusto sakin pero ayaw kong maniwala dahil minsan nahuhuli ko ang mga tingin niya sakin

THE HEIRS (MBTS gxg book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon