Chapter 43

1.6K 57 1
                                    

Charlotte on the board!.. sinong gustong tumabi sa kanya...xD nag iisa lang oh haha!...

------------------

Adrianna

sa isang tabi nangingiti kong pinagmamasdan ang pagkukulitan nina Charlotte at Ares, masaya ako dahil after so many years ngayon ko lang nakitang ganito  sila kasaya... si Ares sobrang tibay niya saksi ako kung paano niya minahal si Charlotte at kita ko rin kong paano siya nasaktan at paulit ulit na nabigo ngunit hindi pa rin siya sumuko... at ngayon nagpapasalamat ako sa diyos dahil sa magandang dulot ng isang taon na paghihiwalay nila

"how I wish maraming Ares sa mundo para walang nasasaktan"

napatingin ako sa taong umupo saking tabi

"anong ginagawa mo dito" inis kung tanong, pagkatapos niya akong dedmahin ng ilang araw tsk!

"ibaba mo nga yang kilay mo" nabigla ako ng hawakan niya ang eyebrow ko kaya agad kong natapik ang kamay niya

"wag mo akong hawakan we're not close" wika ko at binalik ang tingin sa mga kasama kong naglalaro ng luksong baka

wala pa si danielle kaya kung ano anong trip ang ginagawa nila napapansin ko madaling nagkakuhaan ng loob ang Jacksonville at APC kunsabay former students ng kabilang school ang ibang mga babae samin

"ang sungit meron ka ba?"
lumingon ulit ako sa kanya at pinagmasdan siya

yung uniform nila na pareparehas ang suot niya ngayon, meron rin nun si Charlotte at danielle

"baka mabura ang mukha ko sa katitig mo" nangingiti niyang sabi automatic tumaas ang kilay ko

"ano ba talaga ginagawa mo dito! bumalik ka na sa alaga mo" pagtataboy ko, humagikhik lang siya

"kaya nga ako nandito dahil ipinagtataboy niya kami tapos ikaw itataboy mo rin ako..ouch! kataboy taboy ba ako?" natawa ako bigla sa drama niya

"haha.. walang hiya ka kris" natutop ko ang bibig ko ng biglang masabi ang childhood name niya sakin

nabigla rin siya ngunit nakatingin lang sakin... sabi ng mga kaibigan niya di pa rin bumabalik ang nawawala sa alaala niya kaya siguro nagtataka na ito

"Anna.."

wika niya at titig na titig sakin.. ewan ko kung nabibinge na ba ako o totoo talaga ang narinig ko at walang tumatawag sakin na Anna maliban kay kris

"tinawag mo kong Anna?... umamin ka nga sakin hera bumalik na ba ang memorya mo?"

umiwas siya sa mga mata ko at napabuntong hininga bago tumango

"kelan pa" seryoso kung tanong

"last day before mag camping"

frustrated na napailing ako at napapangiti sa disappointment na nararamdaman ko...

"at kung hindi pa ako nagtanong hindi mo sasabihin sakin ganun ba hera" galit akong humarap ulit sa kanya

"noh! nagkakamali ka.. naghahanap lang ako ng tyempo, gusto ko rin naman sabihin sayo ei kaya lang diko alam kong paano... natatakot ako" hawak niya sa kamay at inis na iwinaksi ang kamay niya

"natatakot?? anong klasing dahilan yan hera!!" asar kong sabi at marahas na tumayo saking kinauupuan agad naman siyang humarang sa dadaanan ko

"natatakot ako oo!! natatakot ako na baka bumalik sa dati ang trato mo sakin pag nalaman mong bumalik na ang alaala ako!... natatakot akong maranasan muli ang sakit na ibinabato mo sakin araw araw"  hindi ako nakatingin sa kanya ngunit ramdam ko sa pagkakahawak niya sakin ang paghihirap ng kalooban niya

THE HEIRS (MBTS gxg book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon