chapter 31

1.8K 71 0
                                    

Ares

pagkatapos ng mahabang oras na iginugol ko sa mga gawain ko sa office sa wakas natapos na rin, pinatawag ko si trixie para ipaabot na yun sa dean's office at sa admin.. hindi pa rin sila bumabalik nawili siguro tsk!

napasandal ako saking swivel habang hinihilot ang aking sentido, masakit na ang ulo ko! oo nga pala nakalimutan kong maglunch.. anong time na ba mag alas tres na tsk! di man lang ako nakaramdam ng gutom dahil sa pag focus sa paperworks ko siguro naman tapos na ang event kanina pa nagsimula yun ei hindi lang ako pumunta...

"tok! tok! tok!"

sino na naman ba tong kumakatok sa pinto hindi ba nakikita ang nakapaskil sa labas ng office ko? nakikita ngang "close" kumakatok pa

"come in!" pinabayaan ko na lang pumasok total tapos na rin naman ako

"hai.. tapos kana?" napatingin ako sa nagsalita

si vice lang pala..

"ngayon lang, kadarating niyo lang?" tanong ko sa kanya, sila kasi ang unang ipinadala sa samal island para tiyakin ligtas ang lugar kung saan gaganapin ang camping

"oo, secured na buong paligid naglagay kami ng mga cctv sa buong lugar.. sinabihan na rin namin ang mga tao doon na wag munang pumasok sa area ng mga stanford ok lang naman daw sa kanila yun" sagot niya

"good!.. may meeting tayo mamayang 5:00AM, regarding sa camping natin bukas sabihan mo ang student council, ayaw ko ng late kelangan before mag 5 nasa meeting room na sila" utos ko habang hinihilot ang sentido

"copy!.. ok ka lang ba? namumutla ka.." tanong niya.. namumutla na ba ako sa gutom? haha..

"ok lang dahil na rin siguro sa gutom inuna ko kasing tapusin ang mga papeles dito" sagot ko, napabuntong hininga siya sabay iling

"dito ka lang ikukuha lang kita ng makakain, magkakasakit ka pa niyan ei" sabi niya at mabilis umalis sa harap ko

buti naman bumabalik na yung dating tyler na kilala ko mula kasi nung magbreak sila ni charity ang daming nagbago.. halos ako na ang gumagawa ng mga gawain niya palaging absent pinabayaan na niya ang lahat maging ang tennis tsk! gusto ko nang dagukan noon si athena ei siya kasi ang may pakana ng lahat kundi ba naman niya inakit si tyler at pagmukhaing masama si charity na sapilitang pinaligawan kay Ronnie edi sana walang sakitan ang magaganap buti na lang nakumbinsi niya si charity na bumalik kay tyler..haist!

napapitlag ako ng biglang may nagpitik ng rubber band sa ulo ko

isa lang naman ang gumagawa sakin nito...-_-

"unggoyyy!!" inis kong sabi

pumasok siyang tatawa tawa mula sa nakaawang na pintoan

"unggoy na agad? dpa ba ako nag evolved sa paningin mo?" siya at nagpogi sign pa ang loko haha..

"wala unggoy ka pa rin haha.." pang aasar ko at siya naman ang pagpasuk ni tyler na may dalang take out ng jollibee lumabas pa ata

"oh cyrus andito ka pala.. ito kumain ka muna bumili rin ako ng gamot inumin mo na lang mamaya para mawala yang headache mo.. labas lang ako sandali hanapin ko lang si charity" paalam niya bago lumabas

thoughtful talaga yang si tyler hindi tulad ng kuya niyang si terrence... actually in a bad terms pa rin kami ng lalaking yun ewan ko ba hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kanya

"ang sweet naman ng vice mo nagpabili ka ng pagkain bat hindi ako ang tinawagan mo?" si cyrus na nakasimagot habang nakatingin sa box

"ayaw ko nga baka mamaya saging ipakain mo sakin haha" tawa ko sabay kuha sa box at binuksan ito

THE HEIRS (MBTS gxg book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon