chapter 14

2.2K 72 2
                                    

charlotte

idinilat ko ang aking mga mata ng makaramdam ako ng init sa loob ng kwarto, parang nakaoff ang aircon baka nakalimutan kong i-on kanina

umupo ako para bumangon ng biglang may nahulog na bimpo saking noo

napaisip ako

teka sa pagkakaalam ko hindi ako naglagay ng bimpo kanina...

tumingin ako sa paligid hanggang sa mapadako ang mata ko sa babaeng nakasandal sa wall malapit saking kama katabi ang maliit na basin na sa tantiya ko ay siyang may pakana kung bakit may bimpo saking noo

napangiti ako at umalis sa kama sabay upo sa tabi niya at pinagmasdan ang maamo niyang mukha

hindi mo aakalain na isang pasaway, makulit at playgirl ang bumabalot sa angelic nitong mukha haha..

kahit nilalayo ko minsan ang loob ko sa kanya hindi ko pa rin maiwasan na hindi mangulila sa tuwing lumalagpas ang mga araw na hindi ko siya nakikita

sana lang dumating na yung taong magpapatino sa kanya dahil ayaw kong nakikita na kung sino sino na lang ang humahawak sa kanyang kamay... siguro para na rin sa relationship naming dalawa

mahal ko siya...

oo mahal ko siya

pero bilang kapatid or kaibigan lang yun...

hindi ko kayang ibigay ang klasing relationship na hinihiling niya, ayaw kung pagdaanan ng magiging pamilya ko ang naranasan ko dahil sa ganung relation

kaya ginagawa ko ang lahat para lang ipakita sa kanya na hindi kami pwede at wag na niyang ilaan ang mga oras niya sakin...

kanina nung makita ko si terrence nakaramdam ako ng pangungulila sa kanya... gusto ko siyang yakapin at sabihing mahal ko pa sya ngunit hindi ko magawa dahil biglang sumingit sa utak ko ang imahe ni ares

"adfdtfd....

murmor niya

kumuha ako ng unan at nilagay sa kanyang ulo baka sumakit ang leeg niya pagkagising nito pagkatapos tumayo na ako at naghilamos tsaka nagbihis bago ako lumabas ng office hindi para pumunta sa assembly kundi para tingnan ang mga students file sa hr office

maniningil lang ako ng utang...

"Ms. flores? may kailangan ka ba?" salubong sakin ng head ng room

"yeah! can I borrow the investment file of this school?"

"wait hanapin ko lang"

umupo muna ako at pagkatapos ng ilang minuto Ibinigay sakin ang folder na kelangan ko

"ayon sa graphic funds ikaw pa rin naman ang may pinakamalaking share dito sa school, nais mo bang mag invest ulit?"  nangingiting tanong ng lalake at diko lang sinagot

"anong nangyari sa investment ng mga villanueva? bakit hindi na sya kasama sa majorities?" taka kong tanung

"ah...well, hmm..hindi na sila kabilang sa majorities" ngiti ng lalake at tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya

"what do you mean?"

"currently ay pinaprocess pa namin ang additional funds ng villanueva group of companies na hahawakan ng nag iisang villanueva dito sa school na si maricar villanueva"

nag init ang ulo ko sa narinig kaya pala ang lakas ng loob ng babaeng yun na banggain ako 

"so ang ibig mong sabihin ay papasuk siya sa top level ng school" patapos kong sabi at tumango lang siya

THE HEIRS (MBTS gxg book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon