chapter 19

1.9K 75 5
                                    

hera

masakit... sobrang sakit

gusto kung isipin na itong sugat ko ang nagpapaiyak sakin pero hindi ei kasi yung malditang yun ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon

"oy blackrose umiiyak ka? kailan ka pa natutong umiyak dahil sa sugat" si terrence (code name jaguar) 

"wag mo nga akong pakialaman! ikaw kaya tusukin ko ng kutsilyo sa balikat??" inis kung sabi na may kasamang uhog, kasi naman yung mata ko lumuluha pa rin

"ito naman oh nagbibiro lang alam ko naman na ikaw si HERA the queen of Olympus pero sana naman naiisip mo rin na hindi ka bakal haha...san ka ba nakipagbasag balikat?" natatawa niyang sabi at kinuha sakin ang benda para ituloy ang ginagawa ko

"narinig ko kasi ang plano ng mga kumag na yun kay adrianna kaya inunahan ko na sila" pagtatapat ko, sa mga taong nakasama ko sa grupo namin ang lalaking to napalapit na rin ang loob ko sa kanya

"ayan!.. si adrianna na naman pala... kailan mo ba sasabihin sa kanya yung totoo?" tanong niya at napatingin sakin

"ewan.. siguro kahit sabihin ko ang totoo hindi siya maniniwala, nakilala niya ako bilang kris na batang lalaki at sa tingin mo kung sasabihin ko na ako si kris ay maniniwala siya sakin?"  sagot ko at diko mapigilan malungkot

"alamo hera kahit anong kasarian ka nakilala ng isang tao kung mahalaga ka sa kanya tatanggapin ka parin niya.. maraming taon ang sinayang mo kung sana nagpakilala ka noon pa man edi ngayon alam mo na ang sagot sa tanong mo" nakangiti niyang sabi pero hindi ko nakikita sa mata niya na masaya siya

"pano ko naman gagawin yun ei lumaki ata sa pagkamaldita yun eh! kulang na lang patayin ako pag nagkikita kami" inis kung sabi at tinawanan lang ako

"haha..wala ka bang tiwala sa kakayahan mo? c bossing nga napapatiklop mo babae pa kaya?"

kinurot ko ang braso niya ikumpara daw si boss kay adrianna shunga talaga

"ewan ko sayo bumalik ka na nga sa trabaho mo isumbong kita kay bossing ei!"  pagtataboy ko dito, tumahimik siya at taimtim na tumitig sakin

"seriously wag mo ng patagalin to hera, wag kang gagaya sakin na hanggang ngayon ay nagsisisi dahil laging nag aabang ng magandang tyempo kaya hindi ko namalayan na huli na pala ako...haha! shit! nagdrama pa ako segi na nga balik na ako sa trabaho ko" tumayo siya at walang lingon lingon na naglakad pabalik sa place niya

makikita mo kakaibang lungkot sa kanyang mga mata...hai... kawawang bata

si charlotte lang naman ang tinutukoy niya

siguro walang nakakaalam sa totoong dahilan kung bakit siya nang iwan noon, sa nasaksihan ko maging ang kanyang kapatid o mga kaibigan ay walang kamuang muang...

ayon sa kwento ni bossing binili daw niya ang buhay ni terrence sa mga gangster

sugarol kasi ang tatay nito... nawala sa casino ang mga pera at ariarian nila pati ang real state na pinahahalagaan ng kanyang ina ay naisanla ng kanyang ama kaya napilitan siyang lumapit sa loan shark para mabawi ang pag mamay ari ng ina

ang nangyari dumating yung time na maniningil na sila ang kaso brutal maningil ang mga gangster once na hindi ka tumupad sa napag usapan gugulatayin ka nila o di kaya ihuhulog sa alaga nilang pating, tinakasan niya ang mga to pero di nagtagal ay nahuli rin siya sa tinutuluyan niyang condo unit sa canada at sakto naman dahil andun kami nina bossing sa mga oras na yun

awang awa kami habang nakatingin sa lantang gulay niyang katawan isang kalabit lang ata ng baril na nakatutuk sa kanya baka ikamatay na niya ei

naawa sa kanya si boss at nakipag usap sa mga gangster binayaran niya ang lahat ng utang nito bilang kapalit ay ibibigay niya ang 40 years niyang buhay kay bigboss

THE HEIRS (MBTS gxg book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon