Charlotte
para akong dinudurog habang nakatanaw lang sa taong unti untin ng lumalayo hindi lang sa kinatatayuan ko kundi maging sa buhay ko... ok na sana ei pinatawad na niya ako kaso lang yung sinabi niyang hindi na maibabalik pa ang dating kami nakakasakit ng damdamin, yun ang dahilan kung bakit naluluha na naman itong mata ko shit! kahapon pa niya ako pinapaiyak..
ano ba ang dapat kung gawin para bumalik ka sakin ares...
"iyakin parin"
dalidali akong nagpunas ng luha at lumingon sa taong nagsalita sa likod ko
terrence...
"dumating kana pala, kamusta kana" tanong niya
tumingin ako sa mga mata niya... kahit nakangiti ang mukha nakikita ko parin sa mukha niya ang lungkot
ilang taon na ba ang hindi namin pag uusap... last pagkikita namin nung mahuli niya akong umiiyak sa music room
"ok lang sige maiwan na kita" excuse ko at nilagpasan siya ng biglang hawakan niya ang kamay ko
"hanggang ngayon hindi mo pa rin pinapakinggan ang paliwanag ko" wika niya
humarap ako at iwinaksi ang kanyang kamay
"almost 5 years na ang lumipas terrence ang tagal tagal na kaya pwede ba burahin mo na ako sa buhay mo.." sabi ko at nakipagtitigan sa kanyang mata
gumuhit ang kirot sa gwapo niyang mukha sabay buntong hininga at lalong hinawakan ang kamay ko
"please.... after nito wala ka ng maririnig pa sakin pakinggan mo lang ako" sumamo niya sakin
pinigilan ko ang puso kong madala sa lungkot ng kanyang mukha at kumawala sa hawak niya
walang sabi sabi na nagpatuloy sa paglalakad iniwan ko siyang nakatingin lang sakin
"NAKASANLA ANG BUHAY KO SA UTANG!!"
sigaw niya bigla sanhi para mapahinto ako..
"KINAILANGAN KONG UMALIS PARA WALANG MADAMAY SA PAGHAHABOL NILA SAKIN!! PINAGBANTAAN NILA ANG MGA MAHAL KO SA BUHAY KAYA NATAKOT AKONG MAGSTAY PA DITO!..AYAW KONG MAPAHAMAK KAYO LALONG LALO KANA CHARLOTTE!! MINAHAL KITA MULA PAGKABATA ALAMO YAN!!.. AT NI MINSAN HINDI NAWALA YON KAHIT PAGBALIK KO IKAW NAMAN ANG LUMAYO!!..HANGGANG NGAYON MAHAL NA MAHAL PA RIN KITA!!"
napatakip ako sa labi ko kasabay ang mga luhang nag siunahang pumatak sa dalawa kong mata... ni minsan hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya dahil para sakin walang saysay yun pero para akong nakaramdam ng lungkot at awa dahil sa sinabi niya
pinilit kong ngumiti at naiiling na pinunasan ang aking luha
nakita kung nakatayo mula sa unahan ko si tyler at kita ko ang sympathy na nararamdaman niya para sa kapatid
lumingon ako kay terrence at nabigla ako ng makitang maraming studyante ang nakatingin samin at halata ang awang nararamdaman kay terrence na hindi pa pala tumatayo sa kanyang kinaluluhuran
inis na binalikan ko siya at ipinahid ng mabilis sa kanyang mukha ang hawak kong panyo
"wala ka bang poise? para kang babae" inis kong sabi na biglang nagpatawa sa mga tao sa paligid
"Charlotte.. patawad" taimtim niyang sabi
wala akong maisagot kaya tumango na lang ako
mabilis siyang tumayo sabay yakap sakin
"thank you so much babe!.. ang saya saya ko"
tinawag niya ako sa endearment namin kung dati kinikilig ako ngayon ang weird pakinggan.. matagal ko na siyang nakalimutan at hindi ko na maramdaman pa ang dating pagmamahal na inialay ko lang para sa kanya
BINABASA MO ANG
THE HEIRS (MBTS gxg book2)
RomanceMeet Ares the naughty princess of Jacksonville academy lahat ng bagay laro lang para sa kanya she never committed to anyone "love seasons" ang ugali niya.. bukod sa rich kid nagmamayabang rin ang taglay nitong ganda kaya lahat ng gusto nakukuha sa i...