[1] Period Rules

358 51 24
                                    

Tuldok/Period (.)

A. Alam naman nating lahat na ang tuldok ay kadalasang ginagamit sa dulo ng pangungusap na paturol, pasalaysay o pautos.
Halimbawa:
a. Ako ay magsusulat.
b. Mag-aral tayo ng tamang paggamit ng bantas.

B. Ginagamit din ang tuldok sa mga salitang pinaiksi gaya ng ngalan ng tao, titulo o ranggo, bansa, at iba pa.
Halimbawa:
a. Si Gng. Ramos ay naglalakad.
b. Nakita ko si Kap. Magnaye kahapon.

Tandaan: Kapag ang pangungusap ay nagtatapos sa dinaglat na salita, isang tuldok na lang ang gagamitin.
Halimbawa:
a. Ang buong pangalan ng guro namin ay Juan P. Zamora, Jr.
b. Ang aking ama ay nagtatrabaho sa R.R. Inc.

C. Ang tuldok ay ginagamit din pagkatapos ng tambilang at titik sa talaan.
Halimbawa:
I.
  A.
  B.
    1.
      i.
      ii.
    2.
      a.
      b.

Tandaan: Kapag ang tambilang at titik ay ikinulong sa panaklong, hindi ito tutuldukan.
Halimbawa:
(1)
  (i)
  (ii)
(2)
  (a)
  (b)

D. Kapag hindi tuwiran ang tanong, tuldok din ang gagamitin.
Halimbawa:
a. Pinapasabi sa akin ni Roseta kung kumain ka na raw.
b. Itinanong niya sa akin kung ano ang pangalan mo.

The Write PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon