[7] Semicolon Rules

48 10 0
                                    

Tuldok-kuwit/Semicolon (;)

A. Ginagamit ang tutuldok sa pagitan ng mga sugnay sa tambalang pangungusap kung hindi ito pinag-uugnay ng pangatnig.
Halimbawa:
a. Marami siyang problema sa ngayon; nais na yata niyang magpatiwakal.
b. Iwasan mo ang pagkain ng mga mamantikang pagkain; masama ang mga iyan sa kalusugan mo.

B. Kapalit ng tutuldok bilang bantas pagkatapos ng bating panimula sa liham-pangangalakal, lalo na kung hindi tiyak ang taong pagbibigyan.
Halimbawa:
a. Doktora;
b. Ginoo;

C. Inilalagay rin sa unahan ng mga salita o parirala tulad ng 'halimbawa,' 'gaya ng,' at iba pa, kung nangunguna ang paliwanag o isa pang halimbawa.
Halimbawa:
a. Maraming uri ng isda ang nakikita rito dahil sa malinis nilang karagatan; gaya ng salmon, butterflyfish, blue marlin, at marami pang iba.

The Write PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon