Kuwit/Comma (,)
Taliwas sa akala ng iba, hindi lang ginagamit ang kuwit para bigyan ng pagkakataon na huminto ang mambabasa.
A. Ang kuwit ay ginagamit bago ang pangatnig na nagdurugtong sa dalawang sugnay na makapag-iisa.
Halimbawa:
a. Nagpunta ako sa parke, at ako ay nakakita ng kalapati.
b. Ako ay kumain, ngunit ako ay hindi uminom ng tubig.Tandaan: Kung aalisin natin ang ikalawang 'ako' ay hindi na buo ang diwa niyon. Kapag ganiyon ang pangungusap ay hindi na iyon gagamitan ng kuwit.
Halimbawa:
a. Nagpunta ako sa parke at nakakita ng kalapati.
b. Ako ay kumain ngunit hindi uminom ng tubig.B. Ginagamit ang kuwit kapag ang pangungusap ay nagsisimula sa sugnay na hindi nakapag-iisa.
Halimbawa:
a. Nang pumunta ako sa parke, ako ay nakakita ng kalapati.
b. Habang kumakain, hindi ako umiinom ng tubig.C. Nilalagyan din ng kuwit upang ihiwalay ang apositibo sa mismong pangungusap. Ang apositibo ay isang parirala na naglalarawan ng isang pangngalan.
Halimbawa:
a. Ako ay kumain ng Tom Yung Goong, isa sa mga kilalang Thai Food. (Ang 'isa sa mga kilalang Thai Food' ang apositibo sa pangungusap.)
b. Dumating na pala si Sir Arman, ang aming guro sa agham.Tandaan: Kahit gaano pa kahaba ang apositibo o kung nasaang bahagi man ito ng pangungusap ay lalagyan ito ng kuwit. Subalit, hindi na kailangan ng kuwit kung nagsisimula ang parirala sa 'na.'
Halimbawa:
a. Ako ay kumain ng Tom Yung Goong, isa sa mga kilalang Thai Food, kahapon kasama si Nene.
b. Ako ay kumain ng Tom Yung Goong na isa sa mga kilalang Thai Food kahapon kasama si Nene.D. Ginagamit ang kuwit upang paghiwa-hiwalayin ang mga gamit o bagay sa isang listahan o hanay.
Halimbawa:
a. Nagpadala ako ng imbitasyon sa mga kaibigan ko, kay Juan, at kay Pedro.
b. Pumunta kami sa palengke, at bumili kami ng karne ng manok, karne ng baboy, at karne ng baka.Tandaan:
i. May tinatawag tayong serial comma o may kilala bilang Oxford Comma o Harvard Comma. May nagsasabing hindi na ito kailangan pero sa totoo lang, nakatutulong ito para mas maging klaro ang pangungusap.
Halimbawa: Nagpadala ako ng imbitasyon sa mga kaibigan ko, kay Juan at kay Pedro.
Sa pangungusap na ito, maaaring ang tinutukoy rito na 'mga kaibigan' ay si Juan at si Pedro, pero kung papansinin ang halimbawa (a) sa itaas, klaro doon na bukod ang ibinigay na imbitasyon sa mga kaibigan niya, kay Juan, at kay Pedro. Ibig sabihin, bukod sa dalawang pangalan na nabanggit, may ibang kaibigan pa siyang pinagbigyan.ii. Kailangan din na maging tiyak o specific tayo sa paglilista, dahil aminin man natin o hindi, maaaring iba ang maging interpretasyon natin kung hindi klaro ang pagkakabuo sa pangungusap.
Halimbawa: Pumunta kami sa palengke at bumili ng karne ng manok, baboy, at baka.
Dito sa halimbawa na ito, mayroong serial comma, pero hindi malinaw kung karne ng baboy at baka ang binili o mismong buhay na hayop ang kanilang binili. Oo, maaaring sabihin na common sense na lang ang pairalin, pero kung hindi natin itatanong sa nagsulat, maaari din na buhay na hayop talaga ang kanilang tinutukoy roon, kahit pa bihira ang nagbebenta ng buhay na hayop sa palengke.E. Nilalagyan din ng kuwit pagkatapos panimulang pang-abay (introductory adverb).
Halimbawa:
a. Dahan-dahan, pinihit ko ang busol ng pinto, at lumabas ng silid-aklatan.
b. Sa wakas, natapos din ako sa sinusulat ko.Tandaan: Ang mga salitang 'subalit,' 'sa kabilang dako,' o iba pang kaparehong mga salita ay nangangailangan din ng kuwit. Pero, hindi inirerekomenda na simulan ang pangungusap sa mga negatibong salita, dahil hindi maganda ang dating niyon sa mga susunod na pangungusap.
Halimbawa:
a. Subalit, nakalimutan ko na balikan siya.
b. Sa isang banda, sumasagi pa rin sa isip ko na hindi ko dapat ginawa iyon.F. Nilalagyan ng kuwit upang ihiwalay o bigyan diin ang sinabi (quotes o dialogue). Nakadepende sa puwesto ng sinabi kung saan ilalagay ang kuwit.
Halimbawa:
a. "Ako ay kumain," sinabi niya.
b. Sinabi niya, "Ngunit, hindi ako uminom ng tubig."G. Nilalagyan din ng kuwit upang paghiwa-hiwalayin ang bawat elemento o lugar sa isang address, at upang ihiwalay ang pinagsamang address sa isang pangungusap.
Halimbawa:
a. Nakatira ako sa Leonard Woor Rd., Baguio, Benguet.
b. Ang Tagaytay, Cavite, ay isa sa pinakamalamig na lugay sa Pilipinas.H. Pinaghihiwalay rin ng kuwit ang mga elemento ng petsa (weekday, month and day, at year) pati sa mismong pangungusap.
Halimbawa:
a. Makasaysayan ang araw ng Hunyo 12, 1898.
b. Ang pinakamainit na araw sa Pilipinas ay noong Linggo, Mayo 11, 1969.Tandaan: Hindi na kailangan ng kuwit kung buwan at taon lang ang nabanggit, at hindi na rin kailangan itong ihiwalay sa pangungusap.
Halimbawa:
a. Makasaysayan ang nangyari noong Hunyo 1898.
b. Noong Mayo 1969 naranasan ang pinakamainit na araw sa Pilipinas.I. Gamitan ng kuwit kung nagsisimula ang pangungusap sa Oo o Hindi kung ito ay sumusuporta sa susunod na pangungusap.
Halimbawa:
a. Oo, kumain ako kanina sa karinderya.
b. Hindi, nakalimutan ko nang uminom ng tubig.Tandaan: Kung ang Oo o Hindi ay hindi sumusuporta sa susunod na pangungusap, tuldok ang gagamitin, o kung buo na ang diwa niyon. Maaaring iyon ay sagot sa tanong, pero ang paliwanag ay hindi na kailangan, o ang kasunod na pangungusap ay sagot din sa isa pang tanong.
Halimbawa:
a. Oo. Sa karinderya.
b. Hindi. Sa bahay na lang.J. Lagyan ng kuwit upang ihiwalay ang pangalan o ng kausap, o kung ano man ang tawag mo sa kanya, at kapag may tuwiran na pinagsabihan sa pangungusap.
Halimbawa:
a. Kasama mo ba, Nene, si Juan?
b. Tinanong ko siya, "Nene, kasama mo ba si Juan?"
c. Nandiyan ka lang pala, Ganda. Kasama mo ba si Juan?Tandaan: Ang hindi paggamit o maling paggamit ng kuwit sa ganitong uri ng pangungusap ay maaaring magbunga ng pagkalito.
Halimbawa: Winasak mo na ang bahay bata.
Sa pangungusap na ito, hindi tiyak kung tinawag niyang bata ang kausap niya o ang 'winasak' ay ang bahay-bata. Dapat na gawing 'Winasak mo na ang bahay, Bata,' dahil kung hindi ay maaaring mangahulugan ito na 'Winasak mo na ang bahay-bata.'K. Ginagamit din ang kuwit sa pagitan ng dalawang pang-uri na naglalarawan sa iisang pangngalan, ngunit kadalasan ay nagagamit lang ito kapag English ang pangungusap dahil may mga salita sa Filipino na ginagamit bilang pandugtong sa mga panlarawan.
Halimbawa:
a. Nakakita ako ng kulay-abo pero nanghihinang kalapati.
b. I saw a gray, weak dove.Tandaan:
i. Kapag ang dalawang pang-uri ay hindi naman direktang naglalarawan sa iisang pangngalan o ang isa pang-uri ay nagbibigay ng iba o bagong kahulugan sa pangngalan, hindi na gagamitan iyon ng kuwit.
Halimbawa:
a. Powerful summer sun.
b. Cold summer night.
c. Maalikabok na lumang libro.ii. Para mas madaling malaman kung gagamit ng kuwit, maaaring subukan na pagpalitin ang puwesto ng pang-uri, o lagyan ng 'at,' kapag ganoon pa rin ang kahulugan, gumamit ng kuwit.
Halimbawa:
(a)
• I saw a cold and rough stone.
• I stepped on a rough, cold stone.
• I threw a cold, rough stone.
(b)
• Powerful summer sun.
• Powerful and summer sun.
• Summer powerful sun.
Kung mapapansin, sa (a) pare-parehas lang ang uri ng bato ang tinutukoy kahit magkapalit pa ang puwesto ng pang-uri, pero sa (b) nag-iiba-iba o hindi na magkakapareho ang diwa ng pangungusap.L. Pinaghihiwalay rin ng kuwit ang negation o ang mga parirala na hindi sumusuporta sa naunang parirala o pangungusap.
Halimbawa:
a. Nakakita ako ng kalapati, hindi aso, sa parke kanina.
b. Kasama ni Juan si Nena, at hindi si Nene.M. Kuwit din ang ginagamit para paghiwa-hiwalayin ang mga elemento o sequence sa numero o bilang.
Halimbawa:
a. 13,143.
b. 1,000,000.Tandaan: Hindi kailangan ng kuwit kung ang numero ay bahagi ng address o bilang ng taon.
Halimbawa:
a. 1318 A. Bonifacio St.
b. 2012.N. Ginagamit din ang kuwit pagkatapos ng bating panimula at bating pangwakas sa liham.
Halimbawa:
a. Mahal kong ina,
b. Sa kinauukulan,
c. Lubos na gumagalang,
d. Nagmamahal,
BINABASA MO ANG
The Write Path
RandomKumbinasyon ng mga natutunan ko, at ng mga gusto kong ibahagi sa iba. Book cover created by RainJ01.