[10] Ellipsis Rules

256 12 7
                                    

Elipsis/Ellipsis (...)

A. Ginagamit ang elipsis upang bigyang diin ang bahagi na hindi natapos o may kulang na diwa. Tatlong tuldok ang gagamitin kung sa unahan o gitna ang may nawawalang salita, subalit kung nasa hulihan ay apat na tuldok ang gagamitin.
Halimbawa:
a. Sinabi na nga ba, dito ko lang pala ikaw....
b. Kinausap ko ... pala iyon dapat.

B. Ginagamit din ito kung ang pahayag ay sinadyang ihinto, binigyang pahinga o may pag-aalinlangan.
Halimbawa:
a. Kahapon, nakita ko nga siya, pero... may kasama na siyang iba.
b. Hindi, kahapon yata... ewan, basta hindi na ako uuwi.

Tandaan: Iwasan gamitin nang sobra ang elipsis, at pati na rin ang paggamit nang walang kabuluhan o wala namang dahilan.
Halimbawa:
a. Hoy! Huminto... ka... muna... Napapagod na... ako.
b. "Siguro, pero mas gusto ko pa rin namang makita siya..." sinabi ni Rico.

C. Minsan, ginagamit din ang elipsis upang alisin ang mga paulit-ulit na mga salita, at kung minsan ay ang mga hindi importanteng diwa o hindi gaanong kailangan na impormasyon.
Halimbawa:
a. Hindi ko na kailangan iyang gamot na iyan dahil magaling na ako.
a. Hindi ko na kailangan iyan ... dahil magaling na ako.

Tandaan: Kadalasan din na ginagamit ang elipsis sa dialogue kapag may mga salitang ayaw sabihin ng karakter, pero ipapahiwatig niya sa ibang paraan, o kung minsan ay naiintindihan na ito ng kausap base sa narasyon o pangyayari. O kung may parte na pabulong, o hindi tuwirang nasabi.
Halimbawa:
a. "Totoo bang si Juan iyon...?" Itinuro niya ang direksyon kung saan nakatayo ang mga pulis. (Totoo bang si Juan iyong [nahuli na magnanakaw]?)
b. Lumapit siya kay Maria. "Tunay ba...?" (Tunay bang [patay na si Juan]?)
c. "Hoy! Kita tayo ... doon pa rin sa dating tagpuan." ('Hoy! Kita tayo [mamayang hapon], doon pa rin sa dating tagpuan.' Maaaring sabihin sa kasunod na narasyon ang paraan kung paano ibinulong o sinabi ang mga hindi klaro o narinig na salita.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Write PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon