Tutuldok/Colon (:)
A. Ginagamit ang tutuldok kung may grupo o lupon ng salitang kasunod.
Halimbawa:
a. Ang mga halaman sa bahay-kubo ay ang mga sumusunod: singkamas, talong, sigarilyas, mani, sitaw, at marami pang iba.
b. Ang dami ng sangkap sa tindang halo-halo ni Aling Marcia tulad ng: minatamis na saging, sago, gulaman, ube-halaya, at iba pa.B. Pagkatapos ng bating panimula sa isang liham na pormal o liham pangangalakal.
Halimbawa:
a. Dr. Ramora:
b. Bb. Manalo:C. Ginagamit din ang tutuldok sa paghihiwalay ng minuto at oras, sa kabanata o taludtod ng Bibliya, sa yugto o tagpo ng isang dula, at sa mga sangkap o elemento ng talaarawan.
Halimbawa:
a. 9:45 p.m.
b. Philippians 4:13
BINABASA MO ANG
The Write Path
RandomKumbinasyon ng mga natutunan ko, at ng mga gusto kong ibahagi sa iba. Book cover created by RainJ01.