Note: Maraming articles na tumatalakay sa pinagkaiba ng Apostrophe at Single Quotation Marks. Marami rin ang madalas ay napagpapalit ang paggamit ng dalawang bantas na ito.
Isa sa pinakamadaling paraan para malaman kung apostrophe ba o single quotation marks ang gagamitin ay ang pag-alam ng puwesto ng bantas sa salita.
Ang apostrophe ay kadalasan ginamit bilang parte ng (mga) salita o sa mismong salita (sa una, sa gitna o sa huli), samantala, ang single qoutation marks naman ay dapat laging magkapares at matatagpuan sa bago ang una at pagkatapos ang huling letra ng salita, sa madaling sabi, hindi ito parte ng salita.
Halimbawa:
(Apostrophe)
a. 'Yon pala dapat iyon! (una)
b. Ba't ngayon ko lang nalaman? (gitna)(Single Quotation Marks)
a. Ang sabi niya, "Nakausap ko ang tatay mo, ang sabi, 'Bakit hindi siya umuwi kagabi?' "Tandaan: Kadalasan ay nababago ang format ng bantas na ito sa Wattpad. Ang single quotation marks (' ') ay nagiging apostrophe (' '), ganoon din ang double quotation marks (" ") na nagiging (" ").
Apostrophe
A. Ginagamit ang apostrophe (kudlit) kapalit ng mga letra na inalis sa isa (o dalawang) salita.
Halimbawa:
a. Nagluto ka ng ulam, 'di ba? (hindi)
Tandaan: May nagsasabi na dapat (') ang ginagamit sa unahan, pero ang ibang writer ay itinuturing ito bilang right single quotation mark. Kaya ang payo ng karamihan ay pumili ka ng format o pattern ng iyong pagsusulat at maging consistent ka roon.
b. Dapat umuwi ka't nagsaing. (ka at)
c. Iba't iba ang ulam na niluto nila. (Iba at iba)
Tandaan: Hindi iyon isinusulat na "iba't-iba."Iwasan ang paglalagay ng kudlit sa maling parte ng salita.
Halimbawa:
1. B'at ka umalis?
2. It does'nt hurt.B. (English) Para ipakita ang pagmamay-ari ng isang pangngalan.
Halimbawa:
(Singular, + 's)
a. Adam's wife.
b. Barry's dog.Tandaan:
i. Kapag ang singular noun ay nagtatapos sa letrang s, wala pang actual na rule kung "apostrophe + s," o "apostrophe" lang ang gagamitin. Karamihan ay sinasabi na kapag nagtatapos sa letrang s ay apostrophe na lang ang gamitin upang hindi mas malito. Pero kagaya ng naunang nabanggit, pumili ka ng format at maging consistent ka lang dito.
ii. May ibang writers ang nagsasabi na kapag common noun na nagtatapos sa letrang s ay "apostrophe + s" ang gagamitin, at "apostrophe" naman kapag proper noun.
Halimbawa:
a. the class's tour
b. Mr. James' room
iii. Ang isa pang technique na ginagamit ay ang pagsulat ng salita kung paano mo rin iyon bibigkasin.
Halimbawa:
a. Mr. Hastings' hat ("Hastings" pa rin ang pagbigkas doon)
b. Mr. Jones's coat (Kadalasan ay may karagdagang "s sound" kung i-pronounce ang pangngalan na ito kaya "apostrophe + s" ang ginamit)(Regular nouns, plural)
Halimbawa:
c. the girls' night out
d. the waitresses' uniform(Irregular nouns, plural)
Halimbawa:
e. children's playground
f. the feet's sole(Proper nouns, plural)
Halimbawa:
g. the Hastingses' house
h. the Joneses' carTandaan: Kahit medyo off basahin, kapag formal ang paraan na sinusunod na pagsusulat ay dapat itong gawin.
(Compound nouns)
Halimbawa:
i. (singular) brother-in-law's pants
j. (plural) sisters-in-law's skirtTandaan:
iv. Kapag dalawang tao ang nagmamay-ari ng iisang bagay, sa ikalawa (o huling) pangalan ilalagay ang "apostrophe + s."
k. Danica and Sam's house
l. Eloisa and Joie's carv. Pero kapag pronoun ang isa, parehas na gawin na possessive form ang mga salita
Halimbawa:
m. his and Danica's house
n. Allan's and my carvi. Pero kung hindi naman nila pagmamay-ari ang iisang bagay, subalit parehas silang mayroon noon, parehong lalagyan ng "apostrophe + s" ang mga pangalan.
Halimbawa:
o. Allan's and Joie's houses are both lovely (iba ang bahay ni Allan sa bahay ni Eloi).
p. Allan and Joie's houses are both lovely (parehas nilang pagmamay-ari ang mga bahay).C.
i. Hindi advisable na gamitin ang kudlit para gawing plural form ang pangngalan, subalit ang ibang mga manunulat ay ginagamit ito kung ang salita ay hindi naman kalimitan na ikinukunsidera na pangngalan. Ang iba ay ginagamit ito para sa paglilinaw. Pero, katulad ng nauna, ikaw ay kailangang maging consistent sa iyong napiling writing format.
Halimbawa:
q. Here are some do's and don'ts (ginamit ang "do's" para lang linawin na plural iyon, dahilan may ilan na nalilito kung "dos" ang gagamitin).ii. Ang iba ay ginagamit ang "apostrophe + s" para gawing plural form ang isang letra, subalit letrang s lang kung marami ang mga letra.
Halimbawa:
r. I saw B's on their chalkboard.
s. He learned ABCs on his own.iii. Ganoon din sa mga numero (o taon), maging pagbabawas (contraction) o pagsasalin sa plural form.
Halimbawa:
t. the 1960s, o; the 1960's
u. the '60s, o; the 60's(Basta huwag lang na "the '60's.")
Important note: Marami ka pang mai-encounter na rules(?) sa paggamit ng kudlit sa pagpapakita ng possession at plural form, pero gaya nga ng nabanggit, maging consistent ka sa napili mong writing style.
P.S. Kadalasan ay (' ') at (" ") na lang ang ginagamit ko dahil ginagawa rin namang ganoon ng Wattpad. Haha.
BINABASA MO ANG
The Write Path
RandomKumbinasyon ng mga natutunan ko, at ng mga gusto kong ibahagi sa iba. Book cover created by RainJ01.