Brackets/Square Brackets ([])
Hindi madalas na nagagamit ang bracket. Siguro, karamihan ay hindi alam kung para saan ba talaga ang gamit ng bantas na ito.
A. Ang pinaka-common na paraan ng paggamit ng square brackets ay bilang pananda ng mga karagdagang kumento o impormasyon na idinagdag ng kung sinuman na hindi orihinal na manunulat ng isang akda.
Halimbawa:The Golden Hotel
by: RedZetroc18
(Excerpt, Chapter 13)Tilting her head up to check the vulnerability of the wooden beam, it was slowly bending and breaking again due to her weight. All hope seemed to be lost. She gnashed her teeth together as tears leaked out at the corner of her eyes [this let me feel that death is slowly embracing her].
She was losing her grip.
Tandaan: Square bracket ang ginagamit kapag nagbigay ka ng kumento sa akda ng iba, round bracket o parenthesis naman kung ikaw ay sa mismong akda mo nagbigay ng kumento.
B. Upang mas linawin ang diwa ng isang pangungusap.
Halimbawa:
a. Kinuha ko [ang lapis] sa bag mo.
b. Ayaw ko na [na kumain]. Busog na ako.C. Upang idagdag ang mga kulang na salita.
Halimbawa:
a. I forgot [that] you would join.
b. I go to [the] bathroom.D. Ginagamit din kasama ang terminolohiya na 'sic' na naka-italic (pero hindi naka-italic ang bantas, maliban na lamang kung naka-italic ang buong pangungusap) upang ipahiwatig na may mali pagdating sa spelling, grammar, o sa mismong paggamit ng salita.
Halimbawa:
a. He qoute [sic], "I would rather die protecting the troop than to join their rank."
b. I did not saw [sic] what you wrote there.
c. I would rather jump off the cliff then [sic] marry her.Sa halimbawa (a) kitang-kita na ang tinutukoy ay ang maling spelling ng salitang 'quote,' sa (b) naman ay ang maling tense na ginamit, at sa (c) ay ang paggamit ng salita, dahil mas akma na 'than' ang gamitin kaysa sa salitang 'then.'
E. Kapag nagdagdag ng impormasyon sa akda ng iba.
Halimbawa:
a. Dalawa lang ang kulay na pinagpilian niya [bughaw o luntian].
b. Ang maglalaban sa Finals ay parehas na Asyano [isang taga-Pilipinas at isang taga-South Korea].F. Upang ilathala ang isang kumento bilang editor o kritiko ng isang akda.
Halimbawa:
a. Nahimatay ako dahil sa takot [mas makabubuti kung ilalarawan ang pangyayari kaysa sasabihin lang].
b. "Nakalimutan kong kaibigan nga pala kita [mas mabibigyang diin ang salitang nabanggit kung ikukonsidera ang pag-italics niyon]."G. Kapag may iniba o pinalitan sa isang direktang nasabi o sipi.
Halimbawa:
a. He said, "I came through and I [will] return." (Alam naman natin na 'I shall return' talaga ang sinabi ni MacArthur.)
b. She "love[s] strawberry." (Ang orihinal na nasabi ng babae ay 'I love strawberry.')Tandaan:
i. Madalas lang ginagamit ang square bracket kung ikaw ay nagbibigay kumento sa akda ng iba, bilang isang editor o critic, at hindi madalas natatagpuan sa isang pormal na akda o sa nobela.
ii. Kung may pagkakataon na parehas nasa iisang pangungusap magagamit ang round bracket(s) at square bracket(s), kadalasang nasa loob ang square brackets.
Halimbawa:
a. Ganito pala dapat (ang paggamit [ng square bracket] kung nasa loob ng parentheses).
BINABASA MO ANG
The Write Path
RandomKumbinasyon ng mga natutunan ko, at ng mga gusto kong ibahagi sa iba. Book cover created by RainJ01.