Bambi
"Anak, hindi ka na ba talaga matututo? Pang-ilang school mo na to ah! Grade 11 ka na sana naman magmature ka na nang konti!"
Halata ang perwisyo sa mukha ni Nanay ko. Ihhhhh! Anong magagawa ko kung lapitin ako ng away?!
"Nanay sorry naa. Last na to promise.."
I can't believe na magagawa kong magpacute para lang hindi na sya magalit. Huhuhu. Katakot kasi. Kung dati si Tatay ko lang ang nakikialam ngayon, nakisali na sya. Haaayst.
"Hindi ko na mabilang sa daliri ko kung ilang beses mo nang sinabing 'last' mo na!"
Kukurutin na sana nya ako pero tumakbo ako at nagtago sa malaki naming shoe rack. Putik ang baho!
"Bambi Stefan lumabas ka jan! Di pa tayo tapos magusap!"
Halata sa boses ni Nanay na nanggigilaiti na sya sa inis sa akin. Huhuhu. Buti nga wala pa dito si Tatay baka nasampal at nasuntok nako ng mga sermon galing sa bunganga nila.
Nung nakita kong binaba na nya ang ruler para pamalo at umupo na sya sa sofa, ay lumabas nako saka ko sya niyakap mula sa likod nya.
"Eh Nanay ko sorry na puhleeease.. Please please pleeeeaaase.."
Grabe ang cute ko pa din kahit mukha akong tanga kakapacute kay Nanay.
"Bambi ang gusto lang namin ay makagraduate ka nang hindi kinikick out. Pero paano naman iyon mangyayari kung pinapatulan mo ang mga schoolmates mo?"
Napanguso nalang ako. Oo na, sobrang nagiguilty ako kasi hindi ko kayang magpakatino.
"Opo, hindi na nga po.." Saka ko sya kiniss sa pisngi. Nakita ko namang napangiti sya nang palihim. Hahaha. Si Nanay ko talaga, kiss lang namin ang weakness.
May nilabas itong paper na light blue. Haist, eto na. Welcome to my NEW (as usual) school.
"East Academy. Utang na loob Anak, kapag ikaw hindi ka pa magtino hindi ako magdadalawang isip na paliparin ka sa Canada!"
Talaga?! Lilipad ako? Woooooow!
"Hehehe. Paano ako lilipad Nanay?" Inosente kong tanong. Ayun, hinampas nya ako ng ruler sa braso! Aray!
"Maglinis ka na at kakain na tayo, dadating na ang Tatay mo maya maya."
Tumango ako at humirit pa ako ng kiss sa pisngi ni Nanay bago tumakbo sa kwarto ko.
Orayt! Ang sweet ko noh? Hihihi ganun talaga, minsan na nga lang sila umuwi dapat sulitin ko na.
Pero ang minsan nagiging madalas dahil sa lagi akong nakikick out sa mga schools.
Warfreak akong babae kaya kung may magtatangka, talagang papatol ako. Pero ibang kaso kasi talaga eh, dahil nadadamay ang mga bestfriends ko dahil sa kagagahan ko. Ayun, nakikick out din. Haiist.
Kinuha ko ang iPhone ko saka nagchat sa group namin.
Me: Ei guys, sorry talaga. Last na to promise!
Wala pang isang minuto sineen na nilang lahat. Mga hinayupak online pala.
Reign: Okay lang gaga parang di ka pa sanay hahaha
Yvonne: potek ang warfreak nagsorry! Tara celebrate!!
Kaylee: hahaha ok lang Bambam ang mahalaga maganda pa din tayo
Violet: tama
Reign: Amen
Napapailing nalang ako habang ngumingiti. Hahaha paano nalang kung wala sila sa tabi ko? Malamang lagi akong malungkot.
Violet: anyways, sang school sunod?
Napakurap ako sa tanong nya. Seriously hindi ba sila nadadala? Lagi nalang silang nadadamay.
Me: wag na girls, much better siguro kung ako nalang papasok sa East Academy.
Kaylee: ok gurls sa EA ang sunod. Woooo
Yvonne: shemay ang daming hawt boys dun! Haaaawt!
Fuck. Bat ko ba kasi sinabi? Ayan na, di mo na mapiligilan yung mga tyanak na yun.
Napabuntong hininga nalang ako saka pumasok sa banyo at naligo saglit.
Nung natapos ako ay bumaba na ako para kumain. Yuuuum! Dami fooood.
"Bambi Stefan, pray before you eat."
Napatigil ako sa pagsubo ng fish lumpia, ay si Tatay pala ito. Hahaha."Hi Tatay labyu." Sabi ko bago ako nagmano.
Nagpray na din ako. Then, nagsimula na ang bakbakan.
"Btw, I already investigated your new school, and as expected may mga kagaya mong warfreak din. Now, kung ayaw mong mag-hello Canada, magpakatino ka na. Wag mo nalang papansinin mga ginagawa nila. Malinaw ba Bambi?"
Nginitian ko sya nang matamis at saka tumango. Si Tatay ko naman ay napakamot nalang sa batok. Malamang kunsimisyon na sa akin at malamang iniisip nya na imposibleng hindi ko pansinin ang mga warfreaks.
Maya maya dumating na si kuya Caleb, at as usual nakanguso at nakakunot ang noo na naman.
"Kuya ilang babae nanaman?" Tanong ko habang sumusubo ng lumpia.
"Dalawa lang. Si Daena kasi! Bambam pwede bang ilayo mo sa akin yang kaibigan mo! Naaalibadbaran ako! Tsaka hindi ako makaporma!"
Yamot na umakyat sya sa hagdan, ako napailing lang. Ano na naman kaya ang ginawa ni Daena para masira ang gabi ni kuya? Hmmm.
"Tignan mo yang kuya mo, hindi na marunong magmano." Sabi ni Nanay na may halong pagtatampo. Hahaha. Actually ngayon lang naman si kuya hindi nagmano eh, siguro nga malala ang ginawa ng abnoy kong kaibigan.
"Yaan mo na sweetie, mukhang nagkakamabutihan na sila ni Daena eh."
"Kaya nga, mas gusto ko sya kaysa sa ibang babae ni Caleb."
Isa sa dahilan kung bakit malakas ang loob ni Daena na guluhin si kuya ay dahil sa boto sila Nanay ko sakanya. Ahahaha.
After ko kumain, nagtoothbrush ako saka dumiretso ng kwarto.
Hmm. 9 palang pero inaantok nako. Hayy.
Bago ako matulog sinabihan muna ako ni Nanay na sa Monday na daw ang papasok sa EA. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti, 'em so eggzooooited!
BINABASA MO ANG
My Upside Down Story
FanfictionWith the top at the bottom, and the bottom at the top. Magulo ba? Oo pati ako naguluhan. Hahaha. Pero paano kung ang sarili ko mismong storya ay parang na-upside down? Sa unang iglap, ang lahat ng nakasanayan ko, ang lahat ng mga kagustuhan ko ay na...