Bambi
"E-LE-VEN!! E-LE-VEN!! E-LE-VEN!! WOOOOOOH!"
Naririndi nako sa ingay ng batch namin, pero okay lang, at least alam naming maraming sumusuporta sa min. Hahaha.
Today is Tuesday, 2nd day ng Intramurals. Andito kami sa Volleyball court ng school para maglaro ng 2nd game namin.
Ang kalaban namin ay mga Grade 10, mukha at kilos palang nila halata mong agresibo na sila. Pero syempre mas magaling kami. Hahahah.
"Girls listen, we need to win this, okay? Kelangan nating bumawi sa pagkatalo sa 1st game. Malinaw ba girls?" Sabi ng in charge na teacher sa amin, si Ms. Hannah.
Btw, si Ms. Hannah ang pumalit kay Sir Manyak, pinatalsik na yun eh nalaman kasi ng may-ari ng school yung iba pang cases ng pangmamanyak nya sa ibang students. So, hindi lang ako ang victim. Hahaha.
Ang six players na pumasok ay ako, si Jazz, Daena, Yvonne, Stacey, at Reign.
Alam nyo, napapansin ko lang, kahit iniiwasan si Jazz di mapagkakailang marami syang fans. Sadyang nananakot lang ang tyanak kaya maraming natatakot makipag-kaibigan.
Nagstart na ang game. Mas lalong lumakas ang sigawan. Yung iba may dalang plastic bottle na may something sa loob para magtunog.
During the game, mas lalong lumakas ang teamwork namin, at mas lalo kaming naging maingat at alerto. Siguro ang nagtrigger sa amin na mas pagbutihan ay yung pagkatalo namin kahapon.
"Waaaaaah!! ANG GALING MO NUMBER 2!!!"
"NO. 2! PENGE NUMBER MO!"
Ayoko nga. Masyadong precious ang number ko, hindi basta pinamimigay. Bwahahahaha!
Kami ang nanalo this time. Akala mo may ibubuga, kaartehan lang pala. Mas magaling pa nga ang Grade 8 kahapon eh. Tss.
Since ito ang first win namin, napagdesisyunan nilang magcelebrate sa AMIN! Take note! Sila ang nagdesisyon! Peste kala mo sa kanila ang bahay eh. Pasalamat sila nasa business meeting si Nanay. Aish.
"Girls, congrats! Ingat kayo sa pag-uwi okay? May lakad pa ako hindi ko kayo mamomonitor." Sabi ni Ms. Hannah.
"Okay lang ma'am. You can trust us." Sagot naman ni Reign saka sumaludo. Gumaya din kami. Hahaha.
Nung umalis sya nagligpit na din kami ng gamit namin. Napanganga ako nung nilibot ko ang paningin ko. Ang buong court ay parang binagyo, matapos manuod at magkalat iiwan nalang ng madumi. Hay naku, ano pa nga ba. Sabagay may tagalinis naman dito.
"Movie Marathon nalang tayo guys ah?" Sabi ko sabay tungga ng tubig. Nagulat ako nang biglang may umagaw ng tubig ko!
"Oyst! Akin yan wag kang maduga!!" Sigaw ni Jazz sa MUKHA ko. Ay bwisit! Umulan tuloy ng laway!
Umismid ako saka kinuha ang tubig ko, kaya pala, magkatabi kasi yung bote kaya di ko napansin. Haha. Sorrnaman.
Sabay sabay na pumunta sa bahay yung ibang kasama namin. Kami naman ni Jazz pumunta munang mall para mamili ng pwedeng lutuin, wala kasi sa stock namin yung gusto nilang kainin. Oy oy, baka isipin nyo sumabog yung mall. Hahahaha. Oo tama kayo! Sasabog talaga to dahil sa bunganga nya!
"Hoy!! Ayoko nga ng Spaghetti!! Mag carbonara tayo!" Sigaw nya habang inagaw ang Spaghetti sauce! Napalingon lingon ako sa aisle ng mga pasta at sauce, buti walang tao baka isipin nila may dala akong asong ulol sa supermarket!
Napanganga nalang ako nang pinangbabalik nya lahat ng ingredients para sa Spag at pinalitan nya ng pang Carbonara! Bwisit talaga to! Hindi naman sa ayaw ko ng Carb, majority lang kasi ng kakain ay in favor sa Spag. Tss. Kulit nya di nya maintindihan.
BINABASA MO ANG
My Upside Down Story
FanficWith the top at the bottom, and the bottom at the top. Magulo ba? Oo pati ako naguluhan. Hahaha. Pero paano kung ang sarili ko mismong storya ay parang na-upside down? Sa unang iglap, ang lahat ng nakasanayan ko, ang lahat ng mga kagustuhan ko ay na...