Daena
Dialling Bambam...
"Hello?"
"Yow Bams, saan ka?" Tanong ko habang nag-lalagay ng foundation. Napagisip-isip ko kasing bisitahin ang aking mahal na si Caleb since sa pagkakaalam ko eh wala itong pasok. Yiiiieeee.
"Nasa airport ako Dae, susunduin ko si Adam remember?" Imbis na madisappoint ako ay lalo akong natuwa.
Yes! Masosolo ko si Mahal! Wahahaha. I know wala si Tita Cel sa bahay nila kasi work hours ngayon, well, depende kung hindi sya pumasok.
"Ganun ba? Hmm, balak ko kasi sanang pumunta sa inyo, you know.." Sabi ko saka ako nag apply ng iba pang kolorete. Pag kikay talaga daming alam eh. Haha.
"Tss I've already told you Daena, na ikaw lang ang masasaktan sa Playboy na yan. Haayy, pero bahala ka na, it's your decision, malaki ka na. Ingat ka sa pagbyahe ah?"
Tumango ako kahit hindi nya nakikita. Oo, muntanga ginawa ko. Haha.
"Btw, sinong kasama mo?" Saka ako naglagay ng lipstick. Light make up lang naman eh, kasi makikitambay lang naman ako sa kanila.
"Si Jazz. Ang tagal nga mag-CR ng bubwit na yun eh!"
I smirked. Jazz Emmanuel. Talagang may naaamoy akong something sa kanya eh, hindi ko lang talaga alam.
Anyway, hindi naman sa sinasabi kong masama sya or hindi ko sya tinuturing na kaibigan, sadyang may tinatago lang sya behind those beauty, and yun ang gusto kong malaman. Syempre since part na sya ng barkada, no secrets na dapat diba?
Well, saka na ako magconclude kung talaga bang tama ang naiisip ko.
"Osiya, tapos nako. I have to go sis. Ninang ka ah?" Natatawa kong sabi.
Asus, kala mo namang aanakan ka nun, ni tignan ka nga di nya magawa.
Natigilan ako sa naisip ko. Oo nga pala. Ako nga lang pala itong umaasa at natatanga.
"Gaga ka, wag kang bibigay. Haha osya. Babye sis. Muaaah!"
Call ended.
Inayos ko na ang mga gamit ko at kinuha ang susi ng van saka lumabas ng bahay.
Ang van na ito ay ang sasakyan ng barkada. Ipon namin ito since junior high, kaya malaya kaming dalhin ito sa kung saan.
Naeexcite nakong makita ang mahal ko. I smiled pero napawi iyon nang may naisip ako.
Paano kung may dinala syang babae sa kanila ngayon? Makikihati ba ako?
Erase erase! Sana wala syang babae ngayon, mejo napapagod nako kakataboy sa mga haliparot eh.
-*-*-*-*-*-*-*
"Hi manong guard," bati ko sa guard nila Caleb habang papasok sa gate nila. Hay, kahit ilang beses nakong napunta dito nakakalula pa din ang bahay nila.
After kong ipark ang van, dire-diretso akong pumasok sa bahay nila. Tama ako, wala si Tita ngayon at andito nga daw si Caleb. I even asked kung may kasamang babae, good thing wala naman.
I went upstairs then roam on the right wing, andito ang room niya eh. And as expected, nakalock na naman nang bongga ang kwarto nya. Tss, vain kasi.
BINABASA MO ANG
My Upside Down Story
FanfictionWith the top at the bottom, and the bottom at the top. Magulo ba? Oo pati ako naguluhan. Hahaha. Pero paano kung ang sarili ko mismong storya ay parang na-upside down? Sa unang iglap, ang lahat ng nakasanayan ko, ang lahat ng mga kagustuhan ko ay na...