Jazz
"Jazz Emmanuel bumangon ka na!!" Nararamdaman ko ang pagyugyog nya sa balikat ko.
Aish.
"10 minutes pa myyy!!" Sagot ko sabay takip ng unan sa mukha ko. Nako wala na, gising na diwa ko!
"Anong 10 minutes?! Quarter to 8 na aba!"
Napabangon ako nang wala sa oras. Nyemas! Malelate nako!
"My naman hindi moko ginising agad!" Pagmamaktol ko kay mommy habang naglilipit ng higaan. Woo. Adrenaline rush beybe!
"Ako din kaya late din nagising, tignan mo oh? Hindi pa nga ako nakakaayos! Osya, sa office nalang ako magaayos alis nako. Take care."
Tumakbo ako papunta sa kanya saka humalik sa pisngi tapos tumakbo na papasok sa banyo. Grabe ang aga aga pinagpawisan nako nang bongga.
Ako na naman ang natira sa bahay, seriously ang lungkot talaga mag-isa. Si Dad? He's already dead, bago pa ako pinanganak. I have no siblings, may mga pinsan ako pero ilag sakin, nakakalungkot dahil para silang mga schoolmates ko, umiiwas sakin. Ang tanging nalalapitan at kumakausap sakin ay si Mommy at Grandparents ko (mom's side).
After ng morning rituals, dumiretso nako sa baba para kumuha ng fresh milk at sandwiches. Dun nalang ako kakain sa kotse. Geez hassle guys!
*-*-*-*-*-*-*
"30 mins late Ms. Emmanuel."
I just ignore her then walk confidently, hah! Ano din kung late? Pasalamat sya pinasukan ko pa ang subj nya eh.
Dumiretso nako sa upuan ko, tss ako lang pala ang kulang sa klase. Sorrna.
Katabi ko sina Shanel at Elie, my plastic friends. Oh well, matagal ko nang alam na napipilitan lang silang sumama dahil inutos ko at dahil mayaman ako.
Like I said before, lahat sila umiiwas sakin. Tch. Sanay nako noh.
Inikot ko ang paningin ko sa mga kaklase ko. They all have a friends, honestly I envy them, kasi sila may masasandalan kapag malungkot sila, ako wala. May makakasama sila sa tawanan, ako magmumukha lang baliw dahil mag-isang tumatawa. May nagmamahal sa kanila, sa akin WALA. Lahat wala, parang wala namang silbi ang pera kung di ako masaya.
Napailing ako nang maramdaman kong uminit na ang mata ko. Psh, oh please Jazz, wag kang iiyak. Nakaya mo nga dati, you should be strong for your own sake.
Hayy.
After the first subj, kanya kanya silang tayuan para pumunta sa canteen at magsnacks. Yung magagaling kong KAIBIGAN ay iniwan ako. Sarap hambalusin ng upuan. TSS.
Umiling nalang ako at nagsulat ng kung ano ano, pero kumunot ang noo nang may kumalabit sa akin.
"Ano b--"
"Hi Jazz,"
Oh. Bambi and friends.
Tumango ako at binalik ang atensyon sa sinusulat. Pero nangalabit ulit. Aish!
"Tara sama ka samin para magsnacks?" Ang kulit nya, I don't even remember her name!
"Ayoko."
Malungkot na tumingin sya sa akin, nakanguso pa ang bruha. Tinignan ko ang ginagawa ko ulit pero naradaman kong may lumapit sa akin. Now what?
"See? I told you Yvo, she'll turn you down. Come on, kung ayaw nya wag nya."
Naningkit ang mata ko sa sinabi ni Bambi. Grr. Nakakainit talaga sya ng ulo!
BINABASA MO ANG
My Upside Down Story
FanfictionWith the top at the bottom, and the bottom at the top. Magulo ba? Oo pati ako naguluhan. Hahaha. Pero paano kung ang sarili ko mismong storya ay parang na-upside down? Sa unang iglap, ang lahat ng nakasanayan ko, ang lahat ng mga kagustuhan ko ay na...