Jazz
Today's Saturday. Tapos na ang Intramurals, and guess what? Champion kami sa Volleyball Girls, and ang MVP lang naman ay ako at Star player si Bambi. Tsk tsk, she's really famous, eh?
By the way, after that 'incident sa kwarto' scene ay napansin kong mas napalapit kami sa isat isa. Although hindi mawawala ang away at sakitan, physical man o verbal. Hahaha.
Tignan mo ngayon, of all her friends, sa akin pa nagpasama para sunduin ang Bf nya. May pumapatol din pala sa gurang na to. Hahaha. Ako kasi walang pumapatol, karamihan takot eh, maliban siguro sa hindi ako kilala.
"Huy," tawag nya sakin, not again! Spaced out na naman ako. Haist. Ang dami ko kasing iniisip! Si Lolo kasi, gusto daw nya akong kunin at dalhin sa States para doon magcollege. Tsk. Nagdadalawang isip ako eh, ayoko silang iwan. Kasi for the first time, may tumanggap sa akin in spite ng pag-uugali ko.
"Bakit?" Tanong ko saka nakikain ng Piattos nya, andito kami sa waiting area. Ang tagal ng hunghang nyang syota. Tss. Pabebe.
"Anong petsa ngayon?" Tanong nya pero nakatutok ang mata sa phone nya, "nakalagay kasi sa phone ko January 1, 1989. Hindi pala nakaset. Hohoho."
Ang saya nya ata. Haha sabagay magkikita na kasi sila ng BF nya.
"September 20. Wait CR muna ako ah?" Sabi ko saka tumayo. Ang layo pa naman ng CR dito. Psh.
Nagmamadali nako, shet lalabas na eh! Pero natigilan ako sa nakita ko. Pati ihi ko natigilan at parang umurong.
Yuck! May naghahalikan sa labas ng CR girls! Take note, french kiss baby!
Kung sa pwesto ko, majority ng makikita kong mukha ay yung sa boy, sa girl di ko gaanong maaninag.
Ang gwapo ng lalaki, as in. Parang model ng branded clothes. Haaays, kaso nakakawalang interes, napakawalang modo kasi, sa public pa talaga maghalikan.
I just shrug at tumuloy na sa loob ng CR, akala ko maiistorbo sila pero nagkakamali ako. Focus na focus sila day. Ang aggressive naman ni girl, halatang sabik na sabik.
Nung natapos ako, lumabas ako agad. Baka kasi umuusok na ang ilong ni Bambi eh. Pero...
"Hmmm, babe please come back to me.." Si girl na nakapulupot ang braso sa leeg ng boy. Ngumiti si boy at saka hinalikan ng mabilis si girl.
"Yes, actually balak ko na rin makipagbreak kay Bambi.."
Huh?
"Dapat lang, hindi kayo bagay ng Vallejo na yun, we're more compatible.." Saka nya hinalikang muli si boy.
Fuck. Fuck fuck.
Ito ang boyfriend ni Bambi?!?!
Parang nanghina ang tuhod ko. Naaawa ako para kay Bambi, she don't deserve this, napaisip ako habang nakatitig sa dalawang taong nagyayakapan.
Sasabihin ko kaya? O hahayaan ko nalang na sya ang makaalam?
Umalis na ako sa lugar na iyon. I've already decided, sasabihin ko sa kanya.
Bambi
"Bambi," tawag sa kin ng isang tinig. Paglingon ko, si Jazz pala yun. Napairap ako sa kanya, ang tagal kasi nya!
"Ang tagal mo. Nag-jebs ka ba?" Irita kong sabi. Umiba agad ang mood nya. Ang seryoso naging mapang-asar.
BINABASA MO ANG
My Upside Down Story
FanfictionWith the top at the bottom, and the bottom at the top. Magulo ba? Oo pati ako naguluhan. Hahaha. Pero paano kung ang sarili ko mismong storya ay parang na-upside down? Sa unang iglap, ang lahat ng nakasanayan ko, ang lahat ng mga kagustuhan ko ay na...