Three

14 0 0
                                    

Jazz

The class has ended and we are on our way to the volleyball court. Kasama ko ang dalawa kong kaibigan, sina Shanel at Elie. Nang makarating kami, nagstart na kami sa warm-ups.

Pakilala muna ako sa inyo. I'm Jazz Emmanuel, and I'm 17 years old. Isa ako sa mga kinikilalang student dito sa EA. Isa siguro sa malaking factor ng pagiging sikat ko ay dahil sa apo ako ng may-ari ng EA. Pero hindi ko naman pinagmamayabang yan, sila ang nakaalam kaya simula nun, maraming ilag at marami ring humahanga.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang dumating sila, lahat pala sila ay sumali. Tch. Siguraduhin nilang magagaling sila.

"10 minutes late." Sabi ko sabay sulyap kay Bambi, eh paano ba naman sinasamaan ako ng tingin. Seryoso talaga ako when it comes to Volleyball, because it is my passion. Kaya sorry nalang kung ayoko ng may nalilate.

"Pinatawag kami ng principal. Is that enough?" Ganti naman nya, geez sa unang tingin halata mo nang palaaway sya.

"Okay, do your warm up, 5 minutes and we'll start." Saka ko sila iniwan. Hindi naman sumunod ang dalawa kong kaibigan dahil nakisali sila sa pagwawarm up.

After 5 mins. nagstart na kami, well, magagaling sila. Wala akong masabi. Forte nila ang serving and digging, yun ang highlights nilang anim eh.

Napasulyap ako kay Bambi, kung ibang tao lang ako masasabi kong sya ang namumukod tangi sa kanilang anim. Pero syempre, I won't say it to her, baka lumaki ang ulo. Haha.

"You did great, girls. Very impressive." Napalingon kami sa nagsalita, si Sir Suarez, our Chem teacher.

Nag-thank you naman kaming lahat. Then, lumapit sya kay Bambi.

"Lalo na ikaw, napakalaki ng potential mo. Pwede kang gawing assistant ni Jazz, mejo busy din kasi yang si Jazz eh."

Pinaningkitan nya ako ng tingin, malamang na-offend sya sa part na 'gagawin syang assistant ko'. Hahaha.

Pero nangunot naman ang noo ko nang may napansin ako, shit, minamanyak ba ni Sir si Bambi?! Napapansin ko kasing sobrang lapit ni Sir tapos hinahawakan pa ni Sir yung balikat at braso habang kinakausap nang masinsinan. Napansin ko din namang lumayo ng onti si Bambi.

Nag-init ang ulo ko, so totoo palang manyak ang teacher na to?

Napalingon ako sa mga kasama namin para malaman nila kaso, ayun, nasa bleachers na pala at busy magkwentuhan.

Nang hindi nako makatiis ay nilapitan ko na sila, "Sir, are you aware na pinagbabawal ang ganyang actions dito sa school?" Kalmado pero may diin kong sabi sa kanya. Kita ko naman na nabigla sya ngunit tumawa ito ng konti.

"Ms Jazz, we're just talking some important matters." Confident nyang sabi. Dalamuho, kanina pa ako nanunuod sa iyo tapos magdedeny ka pa?

"I didn't know na 'important matter' pala ang pag invite sakin mamaya for dinner?" Nakangising sabi ni Bambi. Tch. Palaban talaga.

Napaismid ako nang makita kong namutla si Sir.

"A-ah, that's j-just a congratulations dinner,"

"Is that so? Then, pwede ko bang isama ang mga friends ko? I hope you don't mind because it's just a congratulations dinner, right?"

Nilapitan ko si Sir saka binulungan, "Sir, mawalang galang na pero hindi kelangan ni lolo ng ganyang attitude. At sa oras na pinakialaman mo ang mga studyante lalo na ang team mates ko, goodbye EA ka, malinaw ba?"

Lalo syang namutla bago dahan-dahang umalis. Tsh, mabait pa nga ako sa kanya eh.

"Di mo na sana ako tinulungan, but anyway, t-thanks.." She can't even look into my eyes. Dapat lang dahil di nya ako kilala.

My Upside Down StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon