Two

19 0 0
                                    

Bambi

First day ko na sa East Academy. Sosyal din tong school na to eh, may ipagmamalaki din.

Napatingin ako sa school map na hawak ko. Ohkay? Sooo, para makapunta sa principal's office, dito ako sa gate... Hmmm, then liliko ako then kanan, hakbang onti then yun na.

Ay, kahit ako hindi ko din naintindihan ang inexplain ko. HaHahaha

Nagsimula na akong maglakad nang mapadaan ako sa parking lot. Hmmm uy yung van ng barkada! Kumukha eh, design palang na Doraemon halatang samin na.

Nagsimula na ulit akong maglakad, pero napahinto ulit ako nang may narealize ako.. Omygosh! D-don't tell me..

Unti-unti akong lumingon na para bang nasa horror movie ako, at halos himatayin ako nang makita ko ang BUONG BARKADA na pormang pormang nakangiti at kumakaway sakin.

Talagang sinundan nila ako dito ano?! Sabi ko sa kanila wag na eh! Peste naman oh.

"Oops! Bago ka magalit, pinakiusapan kami ni tita Maricille na kung pwede daw ay samahan ka namin dito! O diba ang sayaaa?" Masiglang explain ni Daena. Shete, if I know pinilit nya sila Nanay at dahil malakas sya sa parents ko eh pumayag sila! Nako nako, ang kulit kulit!

"Wag ka magsinungaling Daena kundi ilalayo ko si kuya Caleb sayo." Seryosong pagbabanta ko. Agad naman syang tumakbo palapit sakin saka yumakap.

"Eeehh! Bat ba kasi ayaw mo? Ayaw mo na ba kami kasama? May bago ka bang friends dito?" Napakurap ako nang makita kong mangiyak ngiyak na sya. Shet lang ang galing ng acting skills, nadadala ako. Hahaha

"Bambam wag ka nang maarte, andito na kami wala ka nang magagawa. Wahahaha." Sabi ni Reign. Ay nako, paano ko ba matitiis yan kung ganyan kakukulit?!

"Tara hanapin na natin ang Principal's Office." Nanlulumong sabi ko.

Nagningning ang mata nila dahil sa sinabi ko. Malamang alam nilang nanalo nanaman sila. Ano bang laban ko sa limang yun? Haist.

Lumingon ako para masimulan na ang paghahanap kaso tumalsik ako.

"Waah! Bam okay ka lang?" Tarantang tanong ni Yvonne, di malaman kung sakin ba titingin o sa BUMANGGA SA AKIN.

Tinulungan akong tumayo ni Kaylee at Violet. Si Daena naman ay kinakabahang lumapit sakin.

"Okay Bam relax ka lang, don't do anything reckless." Binulong nya yun habang hinapit ang bewang ko palayo.

Yung bumangga naman sakin eh hindi pa umaalis at ang sama ng tingin. Wow! Sya pa ang galit ha?

"Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo Miss." Sabi ko nang mahinahon. Hoo. Calm down kundi hello Canada ka na.

Ngumisi sya bago nagsalita.

"Tch. Mga transferees nga kayo. Next time, tignan nyo kung saan kayo lulugar."
Nang makaalis na ay susugurin ko sana nang hinatak nila ang damit ko. Muntik na ngang mapunit. Tss.

"Sabing kumalma hinayupak ka talaga." Saka ako sinapak ni Kaylee.

"Eh kasi yung attitude nya! Aray! Bat nanaman ba Yvo?!"

"Tama kasi sya, dapat alam natin kung saan tayo lulugar, hindi natin ito school okay? Nakiki-aral lang tayo."

Grabe manermon ni Yvo, parang lola ko.

"Tara na, pag tayo nalate magmumumog kayo ng ngipin." Maotoridad na sabi ni Reign. As usual napasunod na naman nya kami. Ihhhh.

-*-*-*-*-*

Nahati sa dalawa ang barkada. Napahiwalay ang tatlo sa amin. Kami nina Daena at Yvonne sa 11-Cupid, sila Violet naman nasa 11-Psyche. Ang cute ng mga names ng sections. Haha mythical characters.

My Upside Down StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon