Bambi
Today is Friday. Sabi nila exempted ang mga maglalaro sa Intrams sa klase para makapaghanda at practice. Haaay. Nakakapagod pisti.
Andito kami sa Volleyball court almost 2hrs na kaming nagpapractice. Lahat sila hyper pa ako exhausted na exhausted. Wala silang sawa lalo na si Jazz. Nakuuu! Bagay talaga syang maging Team Captain!
Nakahiga lang ako sa bleacher. Nakatakip lang ang braso ko sa mata ko para makatulog ako kahit saglit lang.
"Baka gusto ng isa jan na magpractice at wag tatamad tamad. Kapag tayo natalo baka maging kasalanan pa nya."
Napamulat ako nang wala sa oras sa narinig ko. Or should I say PAGPAPARINIG.
Inignore ko nalang pero ang tainga ko active pa din.
Sa mga nakaraang araw, naging okay naman ang pakikitungo namin sa isa't isa ni Jazz. By the mean 'okay', laging pa ding nagaaway. Hahaha. Pisti. Nag-eenjoy din naman ako eh kaya okay lang.
Mga 5mins nakong nakapikit nang magsalita na naman sya.
"Hay, okay sige pagbibigyan ko na ang isa jan. Sabagay, matanda na nga pala sya. Dapat nakahiga nalang. Tss."
Bigla akong umupo saka tinitigan sya ng masama. Umiwas naman sya ng tingin na kala mo eh wala lang. Psh. Pasaway na bata.
"Magpapahinga ka din! Tyanak ka talaga!" Nanggigigil na tinitigan ko sya. Sya naman umismid lang sakin. Grrrr.
"Okaaaaay. Break muna tayo guys! Gutom nako!" Naiiyak na sabi ni Violet. Oo nga naman, 2hrs straight na practice. Ang lupit nya men.
"Okay, 5mins break."
"Hoy tyanak maawa ka naman! Malapit na talaga kitang bigwasan makita mo!" Babatuhin ko sana sya ng bote nang umakma din syang babatuhin ako nang sapatos. Napabawi tuloy ako. Kainis kainis kainis!!
"Wala akong paki sayo! Ikaw nga ang tagal na ng higa mo jan! Buti nalang hindi pa kayo nagpalit ng mukha ng bangko!"
Masasapak ko na sya bwisit.
"Ops! Sige mag-away kayo. Makakatikim kayo ng sampal!!" Biglang singit ni Reign. Yung iba naman tumatawa na. Sanay na sila sa ganitong eksena kaya tinatawanan nalang nila.
"Tss. Bat ko ba kayo sinusunod? Kainis kayo." Jazz.
"We're friends kasi. That's why." Sabi naman ni Yvonne habang napunas ng pawis.
"Yeah right, pinilit nyo lang ako." Matabang na sagot naman nya.
"Nung mga nakaraang araw ba pinilit ka naming sumama samin? Hindi dba?" Mataray kong sabi. Gagang to, napilitan pala ah.
"Tama. Tsaka wala ka nang mapupuntahan kundi kami. Wala na yung mga kaibigan mong hitad."
Oo nga. Hahaha. Kinompronta kasi namin yung si Shanel at Elie. Ayun nalaman namin na PLASTIC nga sila. Paano? Sinunog namin sila ng mga nagbabaga naming salita. Oraaaaayt. Hahahah
Umismid lang si Jazz pero napansin ko ang paglungkot ng mukha nya. She can't accept the fact na iniiwasan sya ng mga tao. Kaya labag man sa loob ko ay pinuntahan ko sya saka hinawakan ang magkabilang balikat.
"Alam mo, kahit ganito ako sayo tanggap ka naman sa barkada eh. Siguro hindi na maaalis sa atin na magaway but it doesn't mean na ayaw ko sayo. Okay? Kaya wag kang mag inarte. Hindi mo bagay, mukha kang suso." Hinaluan ko pa ng pangaasar. Aba baka sabihin nya bumait nako sa kanya. No waaaay!
Hinila nya ng mahina ang buhok ko. Araaaay! Abno talaga to!
"Hayop ka talaga!" Sigaw nya pero naluluha sya. Yiiiiee. Natouch sya. Hahaha
BINABASA MO ANG
My Upside Down Story
FanficWith the top at the bottom, and the bottom at the top. Magulo ba? Oo pati ako naguluhan. Hahaha. Pero paano kung ang sarili ko mismong storya ay parang na-upside down? Sa unang iglap, ang lahat ng nakasanayan ko, ang lahat ng mga kagustuhan ko ay na...