Chapter 2

24 1 0
                                    

Nine years ago

Waaaahh! May aswang at zombies na nanghahabol saakin ay mali, saamin pala!! Takbo lang kami ng takbo, nang may nakita kaming dalawa na pwedeng pagtaguhan ay agad kaming pumunta duon, grabe pagod na pagod kami, umupo kaming dalawa sa sahig at sumandal sa pader, teka sino ba itong kasama ko,tinignan ko siya.. Nagulat ako dahil ang kasama ko pala ay ang kaklase ko na lalaki, at mas lalo akong nagulat nang akbayan niya ak--

"CLUMSY!!! GUMISING KA NA DYAN" naputol ang aking panaginip dahil sa pagsigaw ni Mama, aish! Istorbo..

Bumangon na agad ako kahit inaantok pa ako, takot ko lang kay mama, baka mamaya, bukas o next year ay bingi na ako..

Agad akong kumuha ng aking uniform at panloob ko at dumeretso na sa banyo..

Habang naliligo ako ay sinasabayan ko ng kanta, hehehe! Na-LSS ako dun sa kanta ng PPAP, parang tanga lang kasi hahahah!

"Pen pineapple, apple pe--"

"Clumsy, bilisan mo dyan at mahuhuli kana sa klase mo, napakabagal mo talagang bata ka!!" Naputol nanaman ang aking pagkanta dahil kay mama, aish! Lagi na lang niyang ini-interrupt yung una ay ang pinka weird sa lahat ng panaginip ko at ngayon ay ang pagconcert ko dito sa c---

"Anu ba clumsy, bilisan mo dyan!!" Tignan niyo.. Aish! Binilisan ko na ang pagligo at nagpunas at nagpatuyo ng buhok at nagbihis narin ng uniform. Pagkatapos kong tapusin lahat ng dapat tapusin ay lumabas na ako ng banyo.

Nakita ko si Mama nakatayo sa harap ng banyo at nakapamewang pa, actually di ko siya Mama, lola ko siya pero Mama na kasi ang nakasanayan kong itawag sakaniya dahil siya ang nagpalaki saakin dahil sila mommy ay nasa ibang bansa upang magtrabaho..

Ay oo! Nga pala, nakalimutan kong magpakilala sainyo..

Ako nga pala si Clumsy Gioval, Grade 8 student at nag-aaral sa Harvard University, de joke lang, sa South Wood university dito sa probinsya namin..

"Oh! Buti lumabas ka na dyan, akala ko dyan ka na titira eh!" Aish! Ang aga-aga ang sungit ni Mama, siguro nagmeron ito ngayon, ayt oo nga pala matagal na siyang menopause, napakamot na lang ako ng batok.

"Muntik na nga akong matulog dyan sa banyo Ma eh! Kung hindi lamg kayo sumisigaw dyan na bilisan ko" pagsakay ko sa sinabi niya..

"Aba at, namimilosopo ka pa talagang bata ka  lumapit ka dito ng ika'y mapingot ko sa tenga!!" Agad naman akong tumakbo at pumasok sa kwarto, mahirap ng maabutan niya masakit pamandin mamingot yun si Mama, feeling na matatanggal yung tenga mo sa pingot niya, ganun kasakit..

Inayos ko na yung mga libro at notebook pati na ballpen na dadalhin ko sa pagpasok at nilagay na sa bag ko..

Lalabas na sana ako ng kwarto ng mapansin kong wala pa pala akong I.D mahirap na masungit at mahigpit pamandin yung gwardya sa school namin, akala mo meron lagi eh! Pero lalaki naman, agad kong kinuha yung I.D ko at isinuot..

"Ma! Pasok na ako, ba-bye, sa school na lang ako kakain, kaya dagdagan mo baon ko, ahmmmm.. Make it 100 pesos" sabi ko kay Mama, haha ako pa demanding sa paghinge ng baon, paano 50 lang binibigay niya saakin, nilalakad ko naman daw yung school kapag umuuwe eh! Atsaka hinahatid naman daw ako ni Papa sa pagpasok..

"Naku, ikaw talagang bata ka, oh! Ito isang daan, huwag kang masyadong magastos ah! At hindi napupulot ang pera, yung mga magulang mo andun sa ibang bansa nagpapakahirap mag trabaho para makapag-aral lanng kayo ng kapatid mo, kaya ikaw huwag kang nagpipiling mayaman" aish! Nanghinge lang ng baon, nasermonan pa..

"Oo! Na Ma! Sige na papasok na ako" at lumabas na ng bahay at nagsuut ng sapatos bawal daw kasi ipasok sa bahay ang sapatos at marurumihan ang tiles namin..

LIKE OR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon