"GOODMORNING PHILIPPINES" ang ganda ng gising ko hahaha...
Alam niyo ba kung bakit?
Kasi...
.
.
.
.
.
.Ay sorry, nakalimutan ko na basta alam ko maganda gising ko..
"CLUMSY!! ANG INGAY MO DYAN! NATUTULOG YUNG MGA BATA!!" Aish! Mas maingay na nga siya eh!
Bumangon na ako at naghimpil ng aking pinagtulugan.
At lumabas na ako ng kwarto para mag toothbrush at maghilamos.
"Morning Tita" bati ko kay Tita Ivy, tumango lang siya dahil busy siya magpatulog ng kaniyang junakis plus buntis pa siya,
"Mama, anung umagahan?" Tanung ko kay mudra na busy magpatulog ng pinsan kong bonjing 5 years old na pabebe parin, nasa ibang bansa kasi ang nanay niya eh!
"Ayy! Basta kumain ka na dyan, kung anung nakahain yun na yun" napakamot na lang ako sa batok, nagsisi tuloy ako,
'Aish! Nagtanung pa kasi ako, mga pilipino nga naman oo ang titino ng sagot kapag tinatanung ng maayus, napakalapit ng sagot eh!'
"Nagtanung lang eh!" Dumeretso na ako sa kusina at kumain, sakit sa batok ni Mama, araw araw highblood.
Pagkatapos kong kumain at ayusin ang aking kinainan at naghilamus ay lumabas ako ng bahay, tatambay na lang ako doon sa pinsan ko, dahan dahan kong binuksan yung gate ng..
"TAO PO! PABILI!!!" aish! Paepal eh! Kainis sinong kolokoy naman kaya iyon.
"CLUMSY!! MAY BIBILI!!" makakatakas na eh! Bwisit!
"Opo!" Padabog akong pumasok sa tindahan.
"Anu yun?" Hindi pa ako tumitingin sa bumibilo dahil tinitignan ko yung paa ko, nyeta ang sakit ng paa ko, nakatapak ako ng maliliit at matulis na bato, buti na lang di dumugo..
"Sabi ko pabili ng Coke!!/ ay! BATO!!" Nagulat ako dahil may bigla na lang sumigaw, ay oo nga pala may bumibili..
Paglingon ko..
0_0 -me
=_= -him
N-nak ng tupa, si t-tyrone yung bumibili, agad akong tumalikod at inayus yung buhok ko, inipit ko ito sa tenga ko, at tumingin sa salamin kung maayus ba ang muka ko at ang damit ko, teka nga bakit pala ako nag-aatus eh! Si tyrone lang naman iyan..
"Magpapaganda ka na lang ba dyan Clumsy? Bilis may kailangan pa akong gawin" abat kingina nito, humarap ako sakaniya at sinamaan siya ng tingin..
"Pake mo, epal ito, anung coke?" Padabog kong binuksan yung ref.
"Yung iniinom malamang" walang gana niyang sagot.
"Abat!"
"De biro lang, yung 8 oz." Padabog kong kinuha yung coke at binuksan tas binuhos ko yung laman sa supot at nilagyan ng straw at ibinigay sakaniya..
"Bayad, sampung piso" at inilahad ko yung kamay ko sakaniya, binigay niya naman yung bayad niya, biglang naglapat yung balat niya sa kamay ko, may naramdaman akong kuryente, pero hinayaan ko lang yun, at nagulat ako ng magtama yung mga mata namin, habang umiimon soya ng coke gamit ang straw, shet bat ang sexy nya uminom? Ang ganda ng shape ng lips niya yung mga mata niya ang ganda na animoy may nga diyamante na kumikinang.
Bakit parang bumagal ang ikot ng mundo? Bakit parang may slowmo? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Masama na ito.
Agad akong umiwas ng tingin, pati siya ay umiwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
LIKE OR LOVE
Teen Fictioncrush? Para sa iba paghanga lang yan, yung tipong humanga ka sa galing ,talino o sa itsura ng isang tao,minsan puppy love. Pero saakin ang crush , dyan nagsimula ang pagkagusto ko sa isang tao na hanggang sa di ko namalayan na tuliyan na pala akong...