Ngayong araw ay abala kaming lahat, ay hindi pala lahat, kaming mga babae lang pala ang naging abala sa pag dedecorate ng classroom para bukas, dahil bukas na ang Christmas party namin.
"Mayor, i mean Sandra magkano yung napag karolingan niyo?" Dito sa school namin, kapag malapit na ang Pasko at Christmas party, kailangan namin mangaroling, by Year and by section, every sections ay aatasan para mangaroling sa iba't ibang baranggay.
Hindi na ako sumama dahil malakas ang ulan, at akala ko ay hindi sila natuloy na mangaroling, ngayun ko lang nalaman na kahit malakas ang ulan kahapon ay pumunta sila.
"Mahigit isang libo din" yung iba tuloy ay may sipon. So kung mahigit 1000 , kasi 560 pesos ang bibigay namin para sa school, may maidadagdag pa kami para sa handa bukas.
"Anu paano to, ang bigat bigat nitong Christmas tree, hindi natin to kaya." Reklamo ni Abigail, tinignan ko naman ang boys, di ko mapigilang mapailing, dahil nakikita ko kung gaano sila kawalang kwenta. Di ba nila nakikitang nahihirapan kami dito?, sabagay busy sila sa mga phones nila, at yung iba ay tulog.
Inilibot ko ang paningin ko at bahagyang napakunot, wala siya? Wala si Tyrone, ba't ngayun ko lang napansin na wala siya dito.
May sakit kaya siya, di malabong magkasakit siya dahil sa panahon ngayun, pati nga ako ay sinisipon.O di kaya ay ngayun siya bumili ng regalo, baka nga. Sana di siya nagkasakit.
"BOYS!! ANU BA?! DI NA LANG KAYO PUMASOK NGAYUN KUNG UUPO LANG KAYO DYAN, LETCHE MGA WALANG KWENTA!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Mika, sino ba naman kasing maiinis kung kaming girls ay hirap na hirap para magdecorate, at yung boys ay parang wala lang sakanila.
"Tara na, dapat pala di na lang tayo pumasok, dahil wala pa la tayong kwenta" nainis ako sa inasal ni Emmanuel, dahil lalo niya pang ininis si Mika.
"Aba't bakit di ba totoo? Kung gusto niyongmagkaroon kayo ng kwenta, tumulong kayo" di ko na napigilan dahil naiinis na din ako sakanila.
" tumulong na kasi kayo, brod." Ah! Oo nga pala, tumutulong pala si Seth, siya yung kumuha nga mga bato para mapatayo yung Christmas Tree. Buti pa siya. Ang bait itong mga kasama niya hindi.
Wala nang nagawa si Emmanuel kundi tumulong.
"Goodnews guys! Half day lang tayo today" dahil sa announcement ay naghiyawan ang lahat. Tapos na din kaming mag decorate ng room.
"Yas! May time pa akong bumili ng ragalo!" Siguro ay matutulog na lang ako ngayon maghapon, napagod ako sa pagdedecorate.
ah! ang sarap matulog lalo na at umuulan. Ibinagsak ko ang sarili ko sa aking kama, at nagpagulong gulong.
Ang sarap pakinggan ng mga patak ng ulan, para itong musika sa aking pandinig. Ipinikit ko ang aking mata para marelax ako.
Shems! Ang sarap matulog.Nagising ako nang medyo madilim na sa labas pero hindi parin tumitigil ang ulan, sana naman bukas wala ng ulan.
Lumabas na ako ng kwarto dahil nakaramdam na ako ng gutom.
"Oh!buti naman gising ka na, kumain ka na dun" dumiretso na ako sa kusina para uminom ng tubig at kumuha ng pagkain ko.
"Tuloy ba yung Christmas Party niyo?" Tanung ni Tita habang nanunuod ng balita.
"Oo, bakit ba?" Naupo ako sa tabi bitbit ang plato kkngmay pagkain.
"Sabi kasi ni Kuya Kim may bagyo daw na paparating,naku baka di Matuloy yang party niyo"
"Itatanong ko na lang sa advicer namin kung tuloy ba" ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko, at nakinig sa balita.
Kanina ko kino-contact ang advicer namin pero di niya sinasagot, kaya si Mika na lang anb naisipian kong tawagan.
BINABASA MO ANG
LIKE OR LOVE
Teen Fictioncrush? Para sa iba paghanga lang yan, yung tipong humanga ka sa galing ,talino o sa itsura ng isang tao,minsan puppy love. Pero saakin ang crush , dyan nagsimula ang pagkagusto ko sa isang tao na hanggang sa di ko namalayan na tuliyan na pala akong...