Clumsy p.o.v
BZzzt.. Bzzt
"Hmm.." Hinahanap ko yung phone ko sa pamamagitan ng pagkapa, tinatamad pa kasi akong buksan ang aking mga mata, sino ba nan kasi yung nag-text?
Bzzzt.. Bzzt
"Aish!" Wala na akong nagawa kundi bumangon na at hinana ang phone kong kanina pa nag-ba-vibrate, istorbo!
Inopen ko na yung phone ko, may 6 missedcalls and 5 text, na di ko alam kung kanino galing, inopen ko ung inbox ko
Hey! Where are you? Si Seth ito.
Kanina p aq andto sa rob.
Sabhin m lng kng d ka pupunta, para d na aq maghntay
Hey! Clumsy!?
Clumsy!?
"WHAAAA!! OMG!" agad agad kung chineck kung anung oras na, the f! 9:45 a.m na, late na ako sa pinag-usapan naming time para bumili ng gamit!!
Patay! Agad ko siyang tinawag buti namn at sinagot niya agad.
"Whaaa, Seth sorry, sorry, nalate kasi ako ng gising tapos nakalimutan ko pa, sorry talaga" pagpapaliwanag ko, naku, ang tanga tanga ko..
(Ayus lang, pero pupunta kapa ba? Kung gusto mo bukas na lang tayo bumili)buti na lang mabait si seth..
"A-anu pupunta ako, pwede ka pa bang maghintay promise mabilis lang ako, please!!" Waaah! Sana pumayag siya, ngayun lang kasi ang araw na libre siya, kasi bukas ay magsisimba kami nila Mudra, at mamasyal kami dahil nagpadala si Mommy.
(Okay, magkita na lang tayo sa tapat ng National bookstore, hihintayin kita.. Kahit gaano ka pa katagal) teka bakit parang may ibang meaning yung 'hihintayin kita.. Kahit gaano ka pa katagal' ?, ahhh! Basta ang importante pumayag siya..
" waaah! Thank you, sige na maliligo na ako, see you, atsaka sorry talaga ha!"
(Ayus lang, bye) *toot* toot* binaba niya na, bastus lang, siguro in-end niya na dahil baka maubusan na siya ng load, kasi sa pagkakaalam ko kuripot daw ang mga chinese, baka nangunguripot yun sa load, aba magdala nga ako ng pera mamaya, baka nagtitipid yun.
Mabilis akong kumuha ng damit at dumiretso na sa banyo, eksakto kakalabas lang nung tito ko na nakikibanyo nanaman, agad ko siyabg hinila sa may pinto para agad akong maka-pasok, nakaharang eh!
"MA!! AALIS PO AKO, PUPUNTA PO AKO NG..NG--" waah! Kailangan kong mag-isip ng palusot, di ko pwedeng sabihin na pupunta ako sa rob, tiyak na hindi ako papayagan.."PUPUNTA PO AKO KILA MIKA MAY GROUP PROJECT PO KAMI" waah! Sana pumayag sila at sana napaniwala ko sila.
"Anung oras ka uuwi?" Tanong ni mama.. Anung oras bang oras kami matatapos maghanap ng materials at gumawa ng project?
"Mga 3 po, ang hirap po kasing gawin yung project" sabi ko sabay lajad ng kamay ko na arang nanghihingi ng pera na talaga naman.
"Ma penge pera, pambili ng materials atsaka pang miryenda narin" tinaasan iya naman ako ng kilay, ms. Minchin is that you?
"Ilan?" Ilan ba?
" 5 hundred na lang po, hehe"
"Naku siguraduhin mo lang na project yaan ha! Kung hindi malilintikan ka" pagkabigay ni mama ay tumakbo na ako palabas.
"OPO!!" Para di halata ay dumaan ako sa kanto nila Mika eksakto naman dahil may tricycle papuntang sakayan papuntang rob.
"Kuya sa cabugao po" dun kasi ang sakayan papuntang rob.
BINABASA MO ANG
LIKE OR LOVE
Teen Fictioncrush? Para sa iba paghanga lang yan, yung tipong humanga ka sa galing ,talino o sa itsura ng isang tao,minsan puppy love. Pero saakin ang crush , dyan nagsimula ang pagkagusto ko sa isang tao na hanggang sa di ko namalayan na tuliyan na pala akong...