Argghh! Ginulo ko yung buhok ko habang naka-upo sa kama..
Ang bilis ng tibok ng puso ko na akala mo hinabol ako ng mga asong ulol..
Tinignan ko yung cellphone ko, 3:30 ng umaga palang..
Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa panaginip ko nanaman kasama siya..
At pangalawang beses ko na siyang napapanaginipan sa hindi malamang dahilan..
Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit ganun?
Ilang linggo na ang nakalipas ng huli ko siyang napanaginipan at ngayon na ulit muli..
Ngunit iba na, kung noon akbayan portion ngayon holding hands naman sa gitna ng napakaraming puno ng cherry blossom, at with titig portion yung akala mo mahal na mahal namin ang isa't isa, yung akala mo totoo, ngunit bigla na lang akong magigising na panaginip lang pala yun..
Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.. Bakit nga ba?
Napabuga na lang ako ng hininga at muling humiga at pinikit ang aking mga mata, inaantok pa kasi ako, siguro mamaya ko lang iisipin yung panaginip kong yun.
.....
Andito ako ngayon sa room...
Tulala, kanina pa nga ako tinatanung nila mika kung may problema ako, sabi ko mamaya ko nalang ikwe-kwento sakanila, dahil sa wala ako sa mood magsalita..
Napadako ang tingin ko sa pintuan ng may nakita akong isang pigura ng isang lalaki, ewan ko kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung magtama ang mga mata namin, ngunit agad din naman kaming umiwas sa isa't isa.
Naalala ko nanaman yung panaginip ko kasama si Tyrone, at hanggang nagyun yun parin ang bumabagabag sa isip ko..
Naguguluhan na kasi ako eh!
Di ko na alam gagawin ko, pero alam ko na hindi ko siya crush.
Buong araw akong hindi nakikinig sa mga itinuturo ng mga teacher namin, kahit naman kasi makinig ako, parang laging sarado ang tenga ko, wala din namang pumasako na lesson sa utak ko eh! Nag- quiz nga kami kanina, wala akong naisagot ni isa, buti nalang binigyan ako ng mga sagot nila alexa..
Pati sila nagtataka narin sa ikinikilos ko kaya naman kinukulit nila akong magkwento, kaya naman sinabi ko na sakanila.
"Sa tingin ko, may ibig sabihin yung panaginip mo, seryoso to ah! Isang tanung isang sagot clumsy," seryosong tanung ni Mika, kaya umiwas ako ng tingin, "Clumsy anu ba, tumingin ka nga sa mata ko, crush mo ba si Tyrone?" Seryoso niyang tanung..
"A-anu bang tanung yan Mika" pagiiba ko.
"Isang tanung isang sagot clumsy, crush mo ba siya oo o hindi lang ang sagot"
"H-hindi, bat ko naman magugustuhan yung ugok na yun, eh! Puro dota lang alam nun" inis kong sagot,
"Deffensive masyado, haaay! Deny deny lang kasi" sabi ni alexa, hambalusin ko to eh!! Totoo naman kasi Hindi ko naman talaga siya crush!!
"Haaay! Hayaan niyo na nga si Clumsy Huwag niyo ng kulitin ang babaeng yan" singit ni Sandra, waah! Gusto ko siyang akapin ngayun.. Thanks!!
"Uy! Tara Savemore, trip ko mag buko shake ngayun eh!" Singit ko, para maiba nayung topic.
"Oh! Sige tara na at para magpalamig narin umiinit ulo ko sayo eh" hmp! Sinungitan ko lang si Abigail.
Malapit lang kasi ang savemore sa school, nilalakad lang kasi siya kaso malapit nga, napakamahal naman ng mga tinitinda akala mo SM... Dapat dun spendmore eh!
.....
" bye! Mika bye clumsy, una na kami ah! Baka wala na kasing masakyan eh!" Paalam nila Abigail, tumango lang si Mika, ako ngumiti lang ako sakanila, may laman kasing kwek-kwek yung bibig ko..
Haay! Ngayun dalawa na lang kami ni Mika na uuwi, nauna narin kasi sila Alexa kanina eh!
"Tara na, sakit na ng paa ko eh!" Aya ni Mikang umuwi, dali- dali kong inubos yung kinakain ko at humabol kay Mika ng lakad, langya tong babaeng to, ang lalaki ng hakbang, ang tangkad kasi, teka matangkad din naman ako ah! Kaso mabagal akong maglakad di tulad niya..
"Uy, Mika, saglit lang naman, bagalan mo naman yung lakad mo, pagod na ako!!" Sigaw ko, kaya huminto siya ng paglalakad, at hinintay ako..
Nangmakalapit ako sakaniya, ay naglakad uli siya..
"Bagal mo kasi maglakad, para kang pagong na nagmomodel eh!"
Nang nasa sakayan na kami ng tricycle, nagtuturuan pa kami kung sino una sasakay..
"Ikaw una sumakay, ako unang bababa eh!" Inis niyang sabi, hehe, sa totoo lang inaasar ko lang siya, ang cute niya kasi maasar.
"Oo, na sasakay na po"
Nagkwentuhan lang kami ni Mika na about sa mga nangyayari sa pilipinas, hahaha, oo, ganun talaga ang favorite topic namin ang mga pangkaraniwang pinoproblema ng pilipinas.
Hanggang sa umabot na yung topic namin sa mga baliw naming kaklase at teacher na akala mo mga dragon sa sobrang sungit. Lah! Eh! Wala kaming maisip na topic.
"Bye! Clumsy, see you sa monday" paalam niya saakin at tuluyan ng pumasok ng gate nila.
"Ikaw neng, saan ka?" Tanung ni manung driver..
"Dyaan po sa may kanto, basta po pag may nakita kayong tinadahan, yun na po yun." Haba ng address ko no , di ko kasi alam kung anung address ko kaya, pagmaynag tatanung kung saan o taga saan ako, dinedescribe ko yung bahay namin.. Ganun ako kashunga, hehehe!
Nang nasa bahay na ako..
Nakita ko si Mama, nagwawalis sa labas, ang sipag talaga ni Mudra.
"Ba't ngayun ka lang bata ka?" Tanung ni mama saakin..
"Anu! Ma! Naman hindi mo ba alam kung anung araw ngayun, its friday kaya kasali ako sa mga cleaners ngayun" pagpapalusot ko... Kahit na hindi naman talaga ako cleaner ngayon dahil sa wednesday pa ako.
Muka namang naniwala siya, ayt! Galing ko talaga magpalusot..
Nakita kong napailing si Papa. nag peace sign nalang ako sakaniya.
At dumeretso na sa kwarto
Bigla na lang akong napahinto sa tapat ng kama ko, dahil bigla ko nanamang naalala yung panaginip ko..
Ewan ko ba kung bakit hindi ko paring nakakalimutan yung mga yun
Napabuntong hininga na lamang ako.
Wala naman sigurong ibig sabihin ang mga iyon, siguro aksidente lang na napapanaginipan ko siya. Oo tama aksidente lang yun!
Kaso bigla akong nalungkot dahil sa naisip kong aksidente lamang na napapanaginipan ko siya, at ewan ko ba kung bakit.
Aish! Makapagpahinga na nga lang,
Feeling ko ang dami kong ginawa ngayon. Nakakapagod!
Ipinikit ko na ang aking mga mata..
Sana hindi ko siya muling mapanaginipan dahil natatakot ako na mahulog sa isang taong hanggang panaginip ko lang nakakasama.
BINABASA MO ANG
LIKE OR LOVE
Teen Fictioncrush? Para sa iba paghanga lang yan, yung tipong humanga ka sa galing ,talino o sa itsura ng isang tao,minsan puppy love. Pero saakin ang crush , dyan nagsimula ang pagkagusto ko sa isang tao na hanggang sa di ko namalayan na tuliyan na pala akong...