Maingay ang buong klase dahil pinagtatalunan nila kung magkano dapat ang presyo ng ipangreregalo namin sa mga nabunot namin.
At kanina pa ako rinding rindi sa mga sigawan at hinaing nila.
Konting kontinalang ay sisigawan ko na sila."150!"
"Ang baba naman niyan! Pambalot na lang ang mabibili mo dyan eh!" Wow! Hah! 150?! Pambalot, anu yun ginto? Gusto kong tumutol dun sa nagsabi nun, pero huwag na lang, ayaw ko ng dumagdag pa sa ingay nila.
Argh! Nabibingi na ako, " tahimik! Anu ba kayo?! Paano kayo magkakaintindihan kung ang iingay niyo! Pwede bang tumahik kayo!" Ayan nagalit na tuloy si Sir Neo.
"Pakinggan niyo nga ang President niyo, atsaka isa isa lang hindi yung sabay sabay..." buti nga sainyo, ang iingay kasi " ikaw Clumsy, kanina ka pa tahimik, baka may gusto kang sabihin."
Hah! Ba't ako?!, kaya nga nanahimik ako, kasi wala naman akong masabi.
"Clumsy.." tawag uli ni Sir Neo, kaya dahan dahan akong tumayo, shems!anung sasabihin ko?
"A-anu po yun Sir?" Nahihiya kong tanong, dahil wala akong masabi!!!
"Kung anung ma-sa-suggest mo kung magkano ang balor." Anu ba, 100? Masyadong mura, baka wala ng mabiki dahil samahal ng bilihin eh! Kung 150, wala na din, aish!
"1000!" Shocks! Nasabi ko ng malakas!
"Masyado namang mahal," apila ni Sir neo,
"Joke lang Sir , hehehe.." sabay peace sign, nyeta, ang mahal nga kapag 1000 pesos. " anu.. hmmmm.. 250 sir, kaso baka yung iba ayaw"
"Suggestion mo lang naman, di pa yun Final" oo nga naman, hehehe.. pahiya ako ng konti dun ah! Dahan dahan tuloy akong umupo.
"Ikaw Tyrone, isa ka pa, ang tahimik mo din, anung masasabi mo sa suggestion ni Clumsy?" Agad tuloy akong napalingon kay Tyrone, nakita ko naman tumayo siya, dahil sa tanung ni Sir ay lumingon siya saakin, kaya medyo nailang ako ng konti, letche tuminginlang siya Clumsy, nailang kapa!
"Well... para saakin Sir, okay na yung 250 pesos, kasi di naman na siya mabigat sa bulsa, atsaka tama din yun, kasi mahal na ang mga bilihin ngayun." Wahh! Sumangayon siya, di ko alam pero napangiti ako, hehehe!
"Anung masasabi niyo, anu ayus naba ang 250?" Wala naman na silang nagawa kundi ang sumangayon. Kung kanina pa sinaway ni Sir ang mga to, di sana natapos agad.
Sino kayang nakabunot sa pangalan ko? Mamaya nga pag-uwian magtatanung ako.
Eh! Eto kayang nabunot ko, anu kayang gusto nito? Babae siya pero halatang Lesbi. Damit na lang.
"Sinong nakabunot saakin?!" Napailing na lang ako sa sigaw ni Mika, shems! Ang iingay nila! Nagtatanungan na kasi sila kung sinong nabunot at nakabunot sila.
Uwian na pero, di pa sila umuuwi, ang kukulit sabi ng wag ipaalam kung sinong nabunot eh!
Gusto ko rin sanang magtanung kung sinung nakabunot saakin kaso wag na, dadagdag pa ako sa ingay nila.
Lumapit na lamang ako sa bulletinboard namin, upang tignan ang nakapaskil na wishlist duon, kung saan isusulat kung anung gusto namin regalo.
Agad ko namang hinanap ang pangalan ng nabunot ko, nangmakita ko ay agad kong binasa ang mga gusto niyang matanggap na regalo
Mukang madali lang siyang regaluhan dahil ang gusto lang namna niya ay damit basta kulay dilaw. Hinanap ko na din ang pangalan ko para masultan ng gusto ko, siguro libro na lang, mahilig naman akong magbasa.
"Anu bayan ang hirap namang regaluhan ni Tyrone" napalingon ako sa katabi ko, so siya pala ang nakabunot kay Tyrone, si Miah, nakatingkayad siya habang nakatingin sa wishlist for boys, mallit kasi siya kaya kailangan niya pang tumingkayad. Pasimple ko namang tinignan kung anung gusto ni Tyrone, mahirap nga, paano ang nakasulat ay kahit ano, saan ba nakakabili ng kahit anu?
Pagkatapos kong mag-ayus ng gamit ay binuhat ko na ang bag ko, uuwi na ako.
"Clumsy! Uuwi ka na?" Tanung ni shiena saakin, gusto ko sanang sagutin ng pabalang kaso wag na, wala ako sa mood.
"Ah! Oo, bakit?"
"Wala lang, sige ingat ka sa pag-uwi, di mo na ba hihintayin si Mika? " ay oo nga pala, sabay pala kami ni Mikang umuwi, buti na lang pinaalala niya, sasagot pa sana ako kaso ay may biglang tumawag saakin.
"Clumsy." Shemay! Si Tyrone ang tumawag saakin, di ko alam kung lalapitan ko ba siya o dito na lang ako at hintayin siyang lumapit?
Para na kong na-estatwa sa kinatatayuan ko, oo hindi ito ang unang tawag niya sa pangalan ko pero, di ko alam kung bakit parang first time pa rin.
Nasa may pinto na siya at naka sukbit sa kaliwang balikat niya ang bag niya. Napatingin tuloy ako sa Bicep ng kaliwang braso niya, naging visible ito dahil sa pagkakasukbit ng bag niya at hawak din niya strap ng bag niya, ang cool niyang tignan, muka tuloy siyang model.
Nakagat ko tuloy yung lips ko.
"O-oh! Bakit?"
Napakamot siya sa batok niya " anung gusto mong regalo?"
"Huh? Bat mo naitanung?" Wahh! Reregaluhan niya ba ako?
"Ako ang nakabunot sayo, anu bang gusto mong regalo?" Assuming! Siya naman pala ang nakabunot saakin, kaya malamang reregaluhan niya ako, aish!
"K-kahit anu" gusto ko sanang sabihin libro, di niya ba tinignan yung wishlist?
"Ah! Sige." sabay labas ng classroom, yun na yun?
"Oh! Ba't ka nakanguso dyan" tapos na pala silang maglinis.
" wala, tara na nga uwi na tayo, tagal tagal mong maglinis" nauna na akong lumabas kay Mika dahil inaayus niya pa yung bag niya.
Di ko mapigilang ngumiti, haay! Nababaliw na ata ako.
"Kanina ngu-nguso-nguso ka ngayun ngingiti ngiti ka, nababaliw ka na ata" yeah! Nababaliw na talaga ako, at hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang reaksyon ko, ang babaw babaw naman!
"Wala, tara na nga"
"Baliw ka na nga talaga, tss." napapailing na lang siya, anung magagawa ko di ko mapigilang mapangiti.
Aist! Di nanaman ako makatulog, kanina pa ako paikot ikot sa kama ko, di parin ako makatulog, dahil sa tywing ipipikit ko ang mga mata ko ay siya ang nakikita ko.
Yung Dark brown eyes niya na kapag tumitig sayo ay para kang malulunod , yung buhok niyang medyo magulo pero bagay sakaniya, yung lips niyang mapula na mas mapula pa kesa sa lips ko.
Nababaliw na nga talaga ako!
And yung biceps niya na parang ang sarap hawakan at panggigilan. Shit! 15 years old lang siya pero ang itsura at pangangatawan ay matured para sa age niya! Nag-g-gym kaya siya?
Kasi kahit na naka uniform niya ay halata na ang ganda ng katawan niya.
Wahh!! Ba't ko ba siya pinagnanasahan?! Ang bata ko pa para mag landi! 14 palang ako at yun na ang iniisip ko? Anu ng iisipin ng mga magulang ko?
Wahh! Ba't namumula ang pisngi ko? Shit! Di na maganda to,
Ilang beses ko sinampal ang pisngi ko pero dinaman yung malaks, tapik lang.
"Bata ka pa Clumsy, bata ka pa, 14 ka palang!"
"Parang kang tanga dy--/ ay bata ka pa!" Ba't di ko naramdamang bumukas yung pinto? Shete! Nakita ako ni tita na sinamsampal ko ang sarili ko.
"Ba't di ka pa natutulog? may pasok ka pa bukas"
"Oo na, matutulog na ako, pakipatay na lang yung ilaw and pakisara na rin yun pinto" sabay tulakbong ng kumot. Bago isara ni tita ang pinto ay narinig ko pa siyang bumulong "baliw.." gusto ko sanang umapila. Nexttime magla-lock na ako ng pinto, di kasi sila marunong kumatok.
Pipilitin ko na ngang matulog kahit na sa tuwing isasara ko ang mga mata ko ay siya ang nakikita ko.
Oo na! humahanga na ako sakaniya, pero crush lang naman eh! Pero tama bang pagnasahan ko rin siya? Ay naku! CLUMSY BATA KAPA!
BINABASA MO ANG
LIKE OR LOVE
Teen Fictioncrush? Para sa iba paghanga lang yan, yung tipong humanga ka sa galing ,talino o sa itsura ng isang tao,minsan puppy love. Pero saakin ang crush , dyan nagsimula ang pagkagusto ko sa isang tao na hanggang sa di ko namalayan na tuliyan na pala akong...