Chapter 3

15 1 0
                                    

Alexa p.o.v

Hello! I'm Alexa Gumpal, kaibigan ng ating bida na si Clumsy...

Hahaha! Natatawa ako dito kay Clumsy, kanina pa kasi nakasimangot.

Ayaw pa kasing aminin na may gusto siya kay Tyrone Bautista na pinsan ko..

Shhh! Quiet lang kayo ah! Hindi alam ni Clumsy na pinsan ko si Tyrone,

Kakakilala lang naman kasi namin ni Clumsy kasi transferee siya, siguro 6 months na kaming magkakilala..

Ewan ko nga eh! Nung makilala ko siya, ay namin pala nila Mika ay magaan na ang loob namin sakaniya, siguro dahil mabait siya..

si Clumsy hindi mo talaga dapat iwan na mag-isa kasi mahirap na, sa anim na buwan namin magkakasama siya yung pinakalampa at tanga sa aming mag babarkada, halata naman sa pangalan niya eh!

Alam niyo kung bakit hindi siya pwedeng maiwan mag-isa lalong lalo na kapag naglalakad, kasi laging natatapilok yan, kung hindi naman natatapilok nakakabasag ng mga babasagin na bagay kaya minsan ayaw na siyang papasukin ng science teacher namin sa lab. Ilang beses na kasing nakabasag ng testtube..

"Anu ba ang kulit niyo, hindi ko nga kasi crush yung gunggung na yun eh! Aish! Bahala nga kayo diyan, makabili na nga ng makakain nai-stress ako sainyo" sabay tayo niya, ang kulit kasi ng mga to, ayaw nilang tigilan si Clumsy. sinundan namin siya ng tingin..

Ay! Kakasabi ko lang na hindi siya dapat iwan mag-isa eh! Ayun hindi tinitignan ang dinadaanan..

Clumsy p.o.v

"Anu ba ang kulit niyo, hindi ko nga kasi crush yung gunggung na yun eh! Aish! Bahala nga kayo diyan,makabili na nga na makakain nai-stress ako sainyo" padabog akong tumayo at pumunta na ng cashier sana.kaso.

Katangahan nga naman oo, hindi ko napansin na may basa pala sa sahig kaya sa hindi inaasahang pangyayari ay nadulas ako, pumikit na lang ako, at hintayin na mahalikan ang sahig,

-_-

0_-

-_0

0_0

Nagulat ako, dahil imbes na sahig ang mahalikan ko ay dibdib pala ng isang lalaki ang nahalikan ko,

aray! Ha! Ang tigas ng dibdib mo koya...

Pag-angat ko ng tingin ko, maslalo akong nagulat... S-si Tyrone yung lalaking nakasalo saakin..

Nakita ko nanaman yung mga mata niya, ba't parang gumwapo siya sa paningin ko, oo! Gwapo siya, ang dami ngang nagkakagusto sakaniya eh! Except saakin, pero ngayon iba ang dating niya saakin, bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko sa hindi malamang dahilan..

"Ehem!" Napatayo ako bigla dahil sa biglaang pagtikhim niya..

Pinagpag niya naman ang uniform niya, napayuko naman ako dahil nakita kong may putik at basa yung likod niya dahil sa tubig sa sahig..

Naguilty naman ako..

"S-sorry" paghingi ko ng paumanhin..

"Ang bigat mo" malamig niyang sabi sabay labas ng canteen, kahit ang cold ng boses niya ang ganda parin, aish! Anu bang nangyayari saakin, nababaliw na ata ako.

Teka ba't ang tahimik dito sa canteen pagtingin ko, bigla akong namula hindi sa kilig kundi sa hiya, lahat sila ay nakatingin saakin, geez! Nakakahiya...

Lahat sila ay nakita yung scene kanina..

Nagulat ako ng may humawak sa braso ko.. Paglingon ko ay si Alexa at Mika pala..

"Okay! Tapos na ang palabas, pqede na kayong bumalik sa ginagawa niyo" sabi ni Mika, hinila naman nila ako pabalik sa table namin kanina.. Naririnig ko naman yung mga bulungan nung ibang studyante dito sa canteen..

"Grabe naman yung kanina,"

"Oo nga, akala ko kung ano na, gumagawa lang pala sila ng video, siguro project nila yun" eh? Yung pala yung akala nila..

"Pero sino kaya yung kumuha ng video
Di ko manlang nakita kanina"

"Pero bagay sila ha! May bago nanaman atang loveteam dito sa SWU (south wood university)"

"Eh! Ang panget naman nung babae eh! Mas maganda pa ako dun" singit nung isang babae na akala mo dora, ang iksi ng buhok tapos gasul pa.. Gosh! Nahiya naman yung tangke ng gasul namin sa bahay..

"Hoy! Bantayan niyo nga itong babaeng to, at kami nalang ni Alexa ang bibili ng pagkain natin, sumasakit ulo ko dito eh! Napakalampa" aray! Sakit nun! Ah! Hindi ko mga alam kung bakit ang lampa ko..

"Ayt! Libre niyo?" Tanung Abigail

"Ulol! Ibigay niyo na saamin yung pera na pambili ng pagkain niyo, feeling niyo" ay akala ko din libre nila kainis naman, ibinigay ko na ying pera ako at sinabi ko na din ang gusto ko, aba may hawak pang listahan si Alexa kala mo naman ang dami naming ipapabili, ang gusto ko lang naman dalawang sandwich, isang lava cake, dalawang graham balls at juice, madami ba yun kokonti lang nun eh!

Umalis na sila pagkatapos namin sabihin ang gusto namin..

"Uy! Nakakakilig kayong panuorin, para kayong na sa movie eh!" Sabi ni Abigail na animo'y bulate na naasinan..

"Che! Manahimik ka nga dyan, nagi-guilty na ako eh! Samahan mo akong manghiram ng extra t-shirt abigail" sabi ko sakaniya, baka wala siyang extra na pamalit eh!

"Keke, uy! Concern siya, sige tara na nga, baka umiyak ka dyan wahaha" ta tumayo na siya at naunang lumabas..

"Paki sabi na lang kila Mika, babalik kami ni Abigail saglit lang" pagpapaalam ko, tumango naman sila

"Uy! Clumsy tara na" sabay hila niya saakin.

"May kilala kabang may extra t-shirt sa ibang grade and section?" Tanung ko sakaniya, umiling naman siya.

Napahampas na lang ako sa nuo ko, ayt! Tanga, wala naman akong close dito eh! Paano na yan... Aish!

Wait! Nga lang ,bakit ba ako nag-aalala dun sa lalaking yun?

'Kasi po ikaw ang may kasalanan kung bakit may putik ang uniform ni tyrone' singit ng isang boses sa isip ko..

Mukang di naman siya galit eh! Atsaka nagsorry naman na ako kaya, wala ng problema dun..

"Aish! Balik na nga tayo sa canteen" sabi ko at bumalik na nga kami ng canteen, nakita namin sila Aine na kumakain na..

"Oy! Bilisan niyo nga dyan, at baka mag bell na" sabi ni Alexa...

Nakita kong iisa na lang yung graham ball ko, nagsi-iwasan naman sila ng tingin except kay Sandra namay hawak ng libro, etong babae na ito ,napakasipag..

"Sinong kumain ng grahamball ko na isa, umamin na kayo" sabi ko sakanila..

"Ako, bakit? Ang takaw mo kasi kaya kinain ko na yung isa" aish! Sabi na nga eh! Si Mika yung kumain, ang takaw niyan si naman tumataba..

"Hmp!" Snob ko sakaniya at umupo na, sabay kuha ng sandwich ko, yay! Mayo with egg nanaman wala bang ibang palaman, tapos mas madami payong mayo kesa sa itlog kainis, pero no choice ako gutom ako eh!

"Sandra pakopya mamaya sa Quiz ah!" Sabi ni Alexa, etong babaitang ito, lagi na lang kumokopya..

"Yaan? Nagpapakopya, hahaha, nagpapatawa ka ba alexa?" Singit naman ni Kaye, epal naman ito... Panira ito..

"Magreview kasi kayo, tsk" sabi naman si Sandra,

"Mika pahiram ng libro sa TLE ah!" Sabi ko kay Mika, hindi na kasi ako bumili ng libro ng TLE, sayang lang pera ko..

"Anu ka sinuswerte?" Hmp! Sungit nito talaga as ever kainis!

"Sige na Mika,please, pretty please" with puppy eyes pa..

"Aish! Oo na, di kasi makabili ng libro, ang swerte niyo!!" Asar na sabi niya, hahaha, natatawa na lang ako sakaniya.. Alam ko na talaga kung paano siya asarin..

LIKE OR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon