Secrets

54 5 0
                                    

"Raquel, nahuhulog na ako sayo."
Hindi ko inaasahang lalabas yung mga salitang yun sa bibig ni Joseph pagkatapos niyang tumula.

Maygas. Bakit parang kanina pa kami naglalakad dito?
Napatingin ako sa cellphone ko para malaman kung anong oras na ba.
Tsk.
5 minutes pa lang ang nakakalipas.

WAHHHHHHHH

BAKIT 5 MINS LANG?!
FEELING KO 30 MINS NA EH.

Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

"Umh... Ano kasi, Joseph..."
Then from that moment I saw him smiled.
He smiled full of sadness.

"It's okay. Maybe you love someone else that's why you can't respond."
Katahimikan ang sumalubong saamin pagkatapos sabihin ni Joseph ang mga katagang iyon.

"Nagplano akong tanungin ka ngayong gabi kung maaari ba akong manligaw sayo, but the way you acted earlier is just the sign that I don't want to see."

"What sign?"
Tanong ko naman.

"The sign that hindi pa nga ako nagtatanong, alam kong wala na akong chansa."
Malungkot na sabi nito. Napayuko na lang siya sa mga panahong iyan.

Ayokong nakikita siyang nasasaktan. Nahuhulog na din ako sa lalaking kaharap ko ngayon, at kahit may pangako pa kaming binitawan ni Sebastian, wala na akong paki.

Mahal ko pa din si Sebastian pero nawawalan na ako ng pag asa at kasabay nito ang pagkakagusto ko kay Joseph.

"I will give you a chance... Sa isang kondisyon."
Nakangiting sambit ko kay Joseph.

"Ano?"
Hindi ko mabasa ang takbo ng isip ni Joseph.

"Ask me first."
Nung sinabi ko yun ay nakit ko na ang tunay na ngiti kay Joseph.

The ReminiscerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon