Epilogue

49 4 4
                                    

Nandito ako ngayon sa Royals. Ang memorable kasi ng lugar na ito eh. Dito kami huling nagkita ni Sebastian. Dito kami huling nagusap. Dito namin tinuldukan at tinapos ang lahat, at ngayon sana dito kami muling magsimula. Alam ko, madaming nangyari at nagbago pero hindi kasama sa pagbabagong iyon ang nararamdaman ko para sakanya. Siya at siya pa rin si Sebastian. Yung Sebastian na magaling mag gitara. Si Sebastian na hindi ako pinaasa.... Sa wala.

Sa lugar na ito, may mga alaalang natira, at sana itong araw na 'to ang umpisa ng panibagong masayang alaala. Simula nung umalis siya, talagang bihira lang kaming nagkakausap. Syempre parte yun ng pagpapagaling sa mga sugat namin.

I looked at my watch. 9:04 am na pala.... Hmmm... the same time kung saan nung grade 8 ako ay nagbalik lahat ng nararamdaman ko sakanya. Isang minute na lang bago mag 9:05. At tulad ng sinabi ko dati, never pa siyang na late at laging on time.

Then here he is, walking towards me with that same charming smile.... I greeted him as he reached my place.

"Wow, Seb. You're always on time."

"Of course I am. You know me well, Raqi."

Naupo na siya sa harap ko. Napansin kong may iba sakanya ngayon, pero hindi ko alam kung ano.

"How are you?" Tanong ko.

"I'm doing fine. Grabe ah. Parang hindi tayo nagkita kahapon sa ospital."

"I'm always worried about you, Seb. Simula nung umalis ka, ikaw palagi ang laman nito." At tinuro ko ang utak ko. God kows how much I miss this man.

"At eto-" ituturo ko na din sana yung puso ko, pero biglang naputol ang aking mga sasabihin.

"She's here!" Sabi  niya. Nalito ako ngunit nakita ko ang kanyang ekspresyon. Bakas sa mukha niya ang sobrang tuwa. Bigla din siyang tumayo at parang may sasalubungin. I tilted my head to know and to understand what is going on. Mukhang nasa likod ko kasi yung tinutukoy niya.

And there it is. A beautiful girl, walking towards us. She's directly looking at Sebastian, and when our eyes met, she smiled. I know that kind of smile. It's a genuine one. I'm confident ipapakilala siya sakin ni Seb bilang... umh... kapatid? Yah, who knows naman maliban sakanilang dalawa diba? Syempre kapatid niya yan dahil genuine yung ngiti niya, hindi plastic, at hindi yung tipong ngiti ng isang girlfriend sa ex ng boyfriend niya na 'He's mine. Pinakawalan mo? Magsuffer ka diyan.' Basta! Wala akong makitang bahid ng bitterness sa ngiti niya kaya confident akong kapatid niya yan.

"Raquel this is Kristen, my --"
Pinutol ko na agad. Like OMG. Syempre kapamilya na dis ni Seb. Kailangan maganda ang first impression nito sakin.

"Sister. Yes... Yes... You're his sister. I'm Raquel by the way." Sabi ko ng nakangiti sabay lahad ng kamay.

Natigilan silang dalawa na parang may mali akong nasabi.

"Ehem! Ehem!" Sabi ni Seb
Finally! Naputol na din katahimikan.
"Raquel, she's my girlfriend."
Ah! Girlfriend lang pala!
Teka? Ano daw?

Girlfriend

Girlfriend

Girlfriend

H-ha? B-bakit ganun? H-hindi naman ito yung i-inaasahan ko eh. B-bakit naman ganun? Parang naging sariwa lahat ng sugat.

Raquel, wag kang mag breakdown. Please lang...

Inhale
Exhale

Raquel, kaya mo yan....

Ngumiti ako, pero alam kong isang malungkot na ngiti iyon. Magsasalita na sana ako at hihingi ng paumanhin ng biglang...

The ReminiscerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon