'Not so close'

67 4 2
                                    

6 months later...
Without him.

Naisipan namin ng mga 'not so close friends' ko na mag usap usap. Nung una talaga, tawanan lng.... Yung getting to know each other talk kumbaga. Pero maya maya ay naging iyakan na.

"Kasi... Grabe na talaga eh! Alam niyo yun? Alam niyo ba yung pakiramdam na hindi ka suportahan nang pamilya mo? Na sa halip suportahan nila ako ay sila pa mismo ang nag do-down sakin! Ang sakit... sakit na talaga eh...
Alam niyo yung sabihan kayong lampa, mahina, at useless lang daw yung ginagawa mo kasi hindi mo kaya? Ok pa sana kung ibang tao magsabi nun eh... Pero hindi.
Pamilya ko yun. Mga magulang ko. Kaya diba tuwing may event at competition dito sa school natin, nandyan ako at sinusuportahan ang panlaban o representative natin.
Kasi kung yung pamilya ko hindi ako kayang bigyan ng kahit konting SUPORTA, bakit hindi ko nalang kaya ibigay sa iba....
Diba?
Kasi kung hindi nila yun mabigay sakin, edi ako na lang magbibigay nun sa iba."
Kwento ni Kate habang patuloy na bumabagsak ang kanyang mga luha.
Kaya pala after all this time full support siya saaming lahat.

"Tahan na. Eto oh."
Sabi ni Carlo kay Kate habang inaabutan ng panyo.

Yung iba umiiyak na din. Ang dradrama ng buhay namin eh.

Yung kay Angela?
May iba ng pamilya ang nanay niya. May iba ng priority, kahit na sila naman ng nanay niya ang legal na pamilya.
Yun din ung dahilan kung bakit gusto niya ng madaming kaibigan. Kasi ang nasa isip niya, sila na lamang ang tanging nandyan para sakanya.

Yung kay Carlo?
Hindi na daw siya tinuring na anak ng mga magulang niya simula nung namatay yung kapatid niya. Isang kriminal daw ang tingin sakanya dahil sa isang aksidente. Nakasakay daw kasi siya sa motor kasama ang kapatid niya at dahil hindi pa siya ganun ka bihasa sa pagmamaneho, sumemplang ang sinasakyan nilang motor.
Yun din ang dahilan kung bakit kahit kelan hindi na niya muling sinubukan sumakay o magmaneho man lang ng motor.

The ReminiscerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon