Memories

33 4 0
                                    

Sebastian

Nasa harap ako ng salamin ngayon at inaayos ang aking sarili dahil may usapan kami ni Raquel na magkikita ulit kami sa Royals.

Raquel Marxelino...
Wala namang nagbago sakanya eh. Siya at siya pa din si Raquel na nakilala ko. Siya pa din yung Raquel na nagustuhan ko... Merong kakaiba sa mga ngiti niya. Mabilis mong mababasa ang kanyang mga nararamdaman dahil sa mga mata niya.

Hinding hindi ko makakalimutan yung unang araw na nakita ko siya... Nakatirintas ang kanyang mga buhok. Nasa sulok lamang siya at nagdr-drawing sa sketchpad niya. Habang siya ay gumuguhit, may dumapo na magandang butterfly sa papel na ginuguhitan niya. Yung itsura niya nun? Manghang mangha siya at tuwang tuwa... Tas habang pinagmamasdan ko siya ay nagslow motion lahat. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako.

Grade 7 pa lang siya nun habang ako ay grade 10. Matapos ang araw na iyon, palagi ko na siyang hinahanap hanap. Palagi lang akong nasa gilid niya at pinagmamasdan siya. Sa ginawa kong iyon ay hindi ko namamalayang unti unti na pala akong nahuhulog sakanya.

Isang beses nga, nahuli ko siyang nakatingin sakin eh. July 1 noon. Merong school program at pinagperform yung banda namin. Habang tumutugtog kami ay nakita ko siyang nakatingin saakin. Hindi ako nagiwas at sa halip ay tinitigan ko din siya. Yung tipong matutunaw siya... Tapos siya na yung nagiwas ng tingin. Kitang kita na namumula na siya.

Matapos naming tumugtog ay sobrang saya ko. Mukhang baliw na nga ako nung mga panahong iyon eh. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. Pumasok na lang sa isip ko na.... Napansin niya na ba ako?

Basta. Natapos ang isang school year na siya lang ang gusto ko. Minsan nakakapagod na sinisilayan ko lang siya. May mga pagkakataon ngang gusto ko nang lapitan siya at kaibiganin at pagkatapos nun ay tiyaka ako aamin. Kaso hindi ko alam kung paano ko gagawin eh. Palagi akong pinangungunahan ng kaba. Syempre ayoko naman yung bigla nalang magpapakilala sayo tas sabay sabing "Gusto kita." Diba? Psh...

Hanggang sa mag grade 8 siya at ako naman ay grade 11. Lima kami nun kasama ang mga kaibigan ko nung pinasok namin yung classroom nila Raquel. Mga recess time kasi nun kaya nagsisilabasan na sila nung naabutan namin. Buti at nagawa namin silang pabalikin. May importante kasi kaming ia-announce that time. 

Papasok pa lang ako sa classroom nila ay napangiti na ako. Nakita ko kasi agad si Raquel eh. Kahit kelan talaga, ang simple niya lang. Pagkapasok ko ay bigla na lang may sumigaw.

"RAQI!” Tinignan ko kung sino yung sumigaw. Isa siyang lalaki... Nilapitan ko na din siya at tinanong dahil malapit lang naman siya sakin.

"Anong Raqi?" Tanong ko sakanya habang nakakunot ang noo ko.

"Ha? Ah... Yung Raqi? Pre, hindi ano kungdi sino. Raqi tawag namin kay Raquel." Sabi niya habang nakangiti ng malawak.

Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit naman nila isisigaw ang nickname ni Raquel?
Patuloy lang ang pagsigaw nila ng nickname ni Raquel hindi ko namamalayang nakangiti nanaman ako. Papatahimikin na namin sana sila pero biglang....

“Ayan ba ung crush ni Raqi?!”
Ha? Ibigsabihin... Yung crush niya ay nandito? Napatingin ako sa mga kasama ko. Posibleng isa sakanila ang gusto niya. Napayuko na lang ako sa ideyang pumasok sa isip ko.

“OO! Siya yata yung……. SEBASTIAN!”
H-ha? Sebastian... Teka, ako yun eh! Nagulat ako sa narinig ko kaya napangiti ako ng sobrang lawak.

Kailangan kong magmukhang inosente... Pero deep inside gusto kong isigaw na...

WOHH! CRUSH AKO NG CRUSH KO!
CRUSH AKO NI RAQUEL!

Habang nagwawala ang kaloob looban ko ay bigla na lang akong hinila ng mga katropa ko. Hindi na ako nagpumiglas pa. Nilapitan ko siya at nginitian ng pinakamatamis na ngiti.

The ReminiscerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon