Reminiscing

103 6 3
                                    

"Wahhh! Ateee! Kwento mo na po" sabi nung babae.

I gave her a sad smile.

I just can't believe that I'm going to reminisce with her. I mean I'm always reminiscing naman by writing and thinking about my past, but ang magsalita or kwento about it?
Napaka bihira lang nun.

Huminga ako ng malalim. Pinikit ko ang mga mata ko. Tuwing ginagawa ko ito ay parang napakabagal ng oras sa kasalukuyan ngunit patuloy na umaagos ang mga alaala ng nakaraan.

Kumbaga, patuloy kong binabalikan ang mga naiwang alaala ng nakaraan habang mabagal namang kumikilos ang oras ng kasalukuyan.

.
.
.
.
.
.

It all started in a school program.

It was July 1 when I saw my first crush in this memorable school. I’m on my 7th grade that time. Naaalala ko pa dati, he is playing his guitar that moment. Pakiramdam ko ay tinamaan na ako ng pana ni Kupido. I like him because the way he plays his guitar is very unique. The way how he strums the strings in it is so gentle. Kapag nadaanan ka ng tingin niya ay pakiramdam mo matutunaw ka na. idagdag mo pa yung gwapo niyang mukha. Maputi, matangos na ilong, magagandang mata, at ang kanyang perfectly made lips. Makalipas ang ilang araw, tiyaka ko lang nalaman na Sebastian Regorio ang pangalan niya. He is a grade 10 student.

Seconds, minutes, hours, days, months, at isang taon na ang lumipas, siya lang. Natapos ko ang grade 7 ng siya lang ang naging crush ko. Natapos ko iyon ng hanggang silay lang sakanya. Walang usap usap, silay lamang. I admit it, nakakapagod at nakakasawa na hanggang silay ka lang.

Nagdaan ang pagka-grade 8 ko na umabot na ako sa puntong unti unti ko nang nararamdaman na ang pagtingin ko sakanya ay naglalaho na, pero parang lahat ng iyon ay biglaang bumalik dahil sa isang pangyayari.
9:00 AM to be exact. Saktong saktong pagkalabas na pagkalabas ko ay bumungad sakin ang mukha niya. Pupunta siya sa classroom namin dahil may I a-anoounce lng siya. May mga klaklase pa akong nauna sakin kaya sinabihan niya ang mga ito na pumasok muna sa loob ng classroom. Nanginginig ang buong katawan ko. Agaran akong pumasok sa classroom. Nakaupo ako sa last row ng mga upuan kung saan malapit ang pintuan. Kinuha ko agad ang aking cellphone pati pagkain. Who cares naman diba kung gumamit ako ng cellphone sa loob ng classroom? It’s 9:00 already, and that means break time namin. I will try to look innocent.

The ReminiscerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon