Don't, Raquel

55 5 4
                                    

3 months na.
It's already 3 months since me and Joseph became true friends.
At ngayon?

He is my bestfriend.

Pero hindi ko maintindihan. 1 month na ang nakakalipas simula nung naramdaman ko ang mga ito.
Yung pakiramdam na kapag nakikita mo siyang masaya sa iba,
nalukungkot ka at nanghihina ka.
Yung pakiramdam na kapag umaalis siya sa tabi mo,
parang ayaw mo na siyang paalisin.

Na ang sarap sabihin na....

"Stay. Please? Dito ka lang.
Don't leave."

Pero sa huli mas nangingibabaw yung pakiramdam ko na...
Parang may mali.
Parang may nagsasabi na

"Wag. Mali eh. Hindi yun pwede."

------

"Uyyyy! Ano ba? Nakikinig ka ba?" Nakakunot na ang noo ni Joseph.

"Ha? Este oo! Ha ha ha ha. Oo nga...
Bakit hindi ko naisip yun?"
Kinakabahan ako. Bigla na lang kasi pumasok yung mga salitang yun sa isip ko.

Maygas.

Wala talaga akong alam sa mga sinasabi nitong si Joseph.
Hindi ko naman kasi namalayan na nakatulala na pla ako
sa mukha niya.
Nung sumagot ako ay kitang kita ang pagtataka sa mukha niya, pero bigla itong napalitan ng ngiti at hagalpak na tawa.

"Hahahaha ikaw ha...."
Sabay turo sa maganda kong fes.

"Alam ko naman na wala kang naintindihan sa mga sinasabi ko dahil
nakatulala ka sakin"
Kumindat siya sabay ngiti ng nakakaloko.

The ReminiscerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon