Scars

61 3 0
                                    

Matapos ang aming yakapan, sinabi ni Sebastian na magbihis na daw muna ako. Pumasok kami sa loob ng sasakyan niya at nag abot ng tuwalya saakin. Palagi kasi siyang may extrang isang tuwalya, at mga damit for emergency.

Habang nasa loob ng sasakyan ay itinuyo ko ang sarili ko. Tandang tanda ko pa, sinabi ko sakanyang huminto muna kami sa ukay ukay at mamimili lang ako ng mga damit. Pagkapasok ko sa ukay ukay ay naghanap na agad ako ng aking damit na masusuot at syempre panloob din. Nung matapos na ako makapili ay agad ko itong binayaran at binili. Inilagay ito ng tindera sa isang plastik.

"Miss, san po yung fitting room niyo?" tanong ko dun sa tindera.

"Ma'am diretso po kayo diyan tas lumiko po kayo."

"Sige salamat."

Nung nakapasok na ako sa fitting room, agad akong nagpalit ng aking kasuotan. Inilagay ko sa plastik ang basa kong damit. Pagkatapos kong magbihis ay nilisan ko agad ang ukay ukay at pumasok na sa kotse ni Sebastian. Tumila na din ang malakas na ulan kaya hindi ako nahirapang pumasok sa sasakyan niya. Nadatnan ko siyang hinihintay na ako at nakapagpalit na din siya ng kanyang kasuotan. Kaso parang may mali.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Ha? ah eh wala naman...."
Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Tara, kain tayo. Nagugutom na ako eh."
Niyaya ako ni Seb. Ako nga din nagugutom na eh. Maybe we should take a break from all our wounds.

"Yeah. I'm hungry too"
yun na lamang ang naisagot ko sakanya

The ReminiscerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon